34

1.1K 50 10
                                    

KABANATA 34




Kanina pa akong nakaupo at nag-iintay dito. Ang sabi kasi noong humarap sa akin na babae ay maupo muna ako dahil matatapos na ang meeting ng amo niya. Ito ang unang beses ko na makapasok sa Aquino Firma. Noon ay si Tito Ben ang nag-aasikaso ng kompanyang ito. Pero dahil isa lamang ang anak nila kaya naman si Miguel na ngayon ang namamalakad ng kompanya ng pamilya niya.










Ang alam ko ay sa Aquino Firma nanggagaling ang kapeng ginagamit ng Cafe ni Lolo. Simula noon hanggang ngayon ay sila parin ang nagsusupply ng kape na totoong mabenta. Hindi ko alam kung ilang farm ba mayroon ang mga Aquino Isa, dalawa? Ewan, marami sila noon. Hindi naman ako ganoon kainteresado sa pamilya ni Miguel. Basta ang alam ko lang ay marami silang Farm tulad ni Lolo.








Mula sa Tagaytay ay nagbyahe pa ako pa-Makati para lang makausap siya. Hindi ko alam na nasa Makati pala ang Aquino Firma. Akala ko noon ay sa parte lamang ng Tagaytay ang company nila at hindi ko inaasahan na ganito kalago ang business nila. Sinigurado ko namang dala dala ko ang cheque dahil malayo pa ang pinang-galingan ko para lang personal na ibigay ang pisting cheque na ito! Kagabi pa ako nagtitimpi! Minasahe ko ang sentido ko dahil kulang na kulang ako sa tulog.








Nag-angat ako ng tingin ng bumukas ulit ang pintuan ng opisina ni Miguel at lumabas doon ang assistant niya o secretary, hindi ko alam kung ano niya ba ito. Medyo maganda at bata pa... like Shantal? Oh, ito na ba ang mga hilig niya ngayon? Iyong mga fresh pa at mukhang bata.








Alessa, stop!








"Excuse me, Miss Hernandez... pwede na po kayong pumasok sa loob." Ngumiti muna ito at saka kinuha ang tasa ng kape na ininom ko kanina. Ngumiti nalang din ako dahil wala naman akong ibang sasabihin sa kanya.








Huminga ako ng malalim bago itinulak ang pintuang bubog. Bumungad sa akin ang isang sofa set na kulay cream with matching wooden centre table. Napakamodern ng ayos ng office niya. Nagpalinga-linga pa ako bago lumapit sa isa pang pintuan. Kumatok ako at hindi na inintay pa ang sagot ng nasa loob. Tinulak ko agad ang pintuan kaya naman medyo nagulat pa ako ng makita siyang nakaupo lang roon.








"Hi." Bati ko pero hindi naman ako makatingin ng deretso sa kanya.








"Hi. Have a seat..." Hinubad nito ang suot na office blazer at saka niluwagan ang neck tie na suot. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa pagbilis ng tibok ng puso ko. Ano bang ginagawa niya? Naiinitan ba siya or what?








"Talk." Sabi ni Miguel... nagulat pa ako dahil doon. Napakurap ako ng makita ko siyang kanina pa palang nakatingin sa akin. Dali dali kong kinuha ang cheque mula sa dala kong bag.








"Here..." Inilapag ko ang cheque sa harapan niya.








Kinuha ni Miguel cheque at mabilis niyang inilagay sa drawer sa kanang bahagi ng kanyang lamesa. Muling tumingin si Miguel sa akin kaya naman nakaramdam na naman ako ng pagkailang.








"Are you done, Miss Hernandez? Marami pa akong gagawin." Tumayo si Miguel at saka ako pinamulsahan. Waiting for me to go out? Sa isip isip ko.








"Uhm... yeah. I think so..." Napapikit ako ng mariin. Ano bang problema ng dila ko at hindi ako makasagot ng maayos. Tumayo na rin ako para lumabas na. Hindi ako makahinga ng maayos sa tuwing napapalapit ako sa kanya. Ang layo nga binayahe ko tapos ito lang ang sasabihin niya...








Midnight Lover (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon