20

1.1K 42 4
                                    

KABANATA 20




Napahawak ako sa sentido ko ng mapansin ang patung patong na papeles na iniwan ni Papa. Maraming delivery orders na kailangan isa isahing i-check. Ilang araw na rin akong kulang sa tulog. Simula ng bumalik ako ng Tagaytay ay ganito na ang naging routine ko sa pang araw araw. Ang saluhin ang lahat ng trabahong naiiwan ni Papa.


Tulad nalang nitong nakaraang linggo, ilan sa mga farm namin ang kailangang bisitahin. Marami sa mga prutas ang napeste. Wala naman sila Papa at Mama para asikasuhin 'yun dahil dalawang linggo na silang nasa bakasyon at sa kabilang linggo pa sila uuwi.


Dagdag isipin ko pa ang pagiging walang kibo ni Deinna mula pa kahapon. Kahit anong pilit ko'y hindi n'ya naman sabihin kung anong problema n'ya. Wala naman akong magawan sa katigasan ng ulo n'ya. Ilang beses ko na ring sinubukang hiwalayan s'ya pero hindi ko magawa lalo pa't iyun lamang ang paraan para makita ko si Alessa.



Ugh, Alessa! Mapa araw man o gabi ay laging sumasagi sa isipan ko ang maaliwalas niyang mukha. Ang gaan gaan sa pakiramdam pag siya ang naiisip ko kahit pa nga mali ito.



Mas pinili kong makasama si Deinna sa loob ng mahabang panahon ng pagtitiis para lang mapalapit kay Alessa pero masyadong itong mailap at parang iniiwasan pa ako kung minsan. Tulad nalang nitong nakaraan...



Kahit anong topic basta makausap ko s'ya pero ang ending ay lalayuan n'ya ako at aabalahin ang sarili sa pag-aaral. Hindi kami ganoon kalapit sa isa't isa. Tipid na ngiti lamang ang laging sumasalubong sa akin t'wing nakikita ko s'ya. Minsan pa nga ay para akong hangin na dumaraan lang sa harapan n'ya.



Napapailing nalang ako sa t'wing naiisip ko na baka hinid lang s'ya sanay na may ibang tao sa bahay nila? O baka naman hindi n'ya ako gusto para sa Ate n'ya, O baka naman talagang hindi lang s'ya interesado sa presensya ko. Pero hindi ko maawat ang sarili kong humanga sa mga katangian n'ya.



Mabuti s'yang tao, maalaga sa magulang... maasikaso at higit sa lahat magalang. Mahiyain kung minsan pero kahit mukhang suplada ay nagagawa parin niyang ngumiti... Yung ngiting nakakawala ng problema, ngiting nakakaalis ng pagod... kahit pa nga laging tipid ang ngiting iyun.



Mabilis kong natapos ang mga papeles na dapat pang i-check isa isa dahil habang ginagawa ko ito ay s'ya na naman ang laman nito, ng isip ko, sabay kamot sa batok 'ko. Nababaliw na yata ako...



Sana makita ko s'ya mamaya...



Napangiti ako atsaka dali daling kinuha ang shoulder bag ko. Sa condo nalang ako uuwi dahil mas malapit ito sa bahay nila Deinna.



"Hijo napadaan ka, wala si Deinna rito..." Kahit ako ay nagulat rin ng pagbuksan ako ni Tita.



"Ahh, ganon po ba?" Gusto kong sabihing si Alessa ang pakay ko pero hindi pwede dahil unang una, hindi kami close. Pangalawa, bakit ko ba naman hahanapin ang nakababatang kapatid ng girlfriend ko? Pangatlo...

Midnight Lover (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon