24

1.1K 43 9
                                    

KABANATA 24




Kahit anong pag-iwas ang gawin ko ay hindi ko magawa. Paano ba naman ako makakaiwas sa isang tulad ni Alessa. Lahat ng kalokohan ay nagawa ko na para lang makasama s'ya. Ilang beses ko s'yang kinulit para lang tagpuin n'ya ako dis-oras ng gabi. Hindi isa, dalawa, kundi maraming beses kaming nagkikita ng wala naman akong maidahilan kundi gusto ko lang s'yang makita. Stupid!



I know she is here, Tito Donn's birthday. Kaya makikita ko na naman s'ya. Pabor ako doon dahil maituturing kong "Pampagana" ang presensya n'ya sa akin. Pumasok ako sa loob at nakatitig na agad ang mga mata ko sa kanya. Alam kong naiilang s'ya sa mga nangyayari, ako rin naman. 



Hindi ko maiwasan mapalingon sa busangot n'yang mukha. Sirudong nabobored na s'ya at halatang hindi s'ya interesado sa mga pinag-uusapan ng mga magulang namin. Kaya naman nag-isip ako ng paraan para mailayo s'ya dito. Marami na akong pagkakamali sa kanya at nasasaktan ako pag nakikita kong nahihirapan s'ya sa sitwasyong ako mismo ang nagpapahirap. Bakit ba hindi ko nalang iwan si Deinna at maging masaya sa piling ni Alessa. I know mali ako... na gustuhin s'ya.



Lagi ko s'yang inaabangan tuwing may trabaho s'ya sa cafe dahil natatakot ako na baka may boyfriend na s'ya at natutuwa lang s'ya sa aking na makita ako... pero sabi ni Jetro ay hindi raw talaga ito lapitin ng lalaki dahil ito daw ang unang lumalayo.



Isang malaking pagkakamali ng ipakilala ko s'ya sa Lola at Lolo ko as Deinna at pinagsisisihan ko lahat ng katarantaduhang 'yun. Nakita ko ang inis at gulat sa mukha n'ya. 



"She's not Deinna, right..." Tinapik tapik ni Lolo ang likod ko kahit pa bahagya akong nagulat sa sinabi n'ya, "Iba kasi yung ikinukwento mong babae kesa d'yan sa dinala mo..." Tumawa s'ya kaya't nangiti narin ako.



"Sorry, Lo... hindi ko lang talaga kayang iharap si Deinna sainyo ni Lola dahil nangako ako noon sayo na ang babaeng mamahalin ko hanggang sa kabilang buhay ay ang unang babaeng ipapakilala ko sainyo." Nagpakawala ako ng malalim na panghinga at saka ngumiti.



"May tiwala naman ako sa taste mo, Apo!" Natawa ako sa sinabi n'yang 'yun.



Halos mawala ako sa katinuan ng maglapat ang mga labi namin. Hindi ko sinasadya pero ginusto ko na rin. Ang sarap ng labi n'ya, lasang baby. Ang lambot ng katawan at halatang unang halik n'ya 'yun. Awkward pero pinag-sikapang kong lalong mapalapit sa kanya. Ginawa ko ang lahat para lang hindi maalis ang mga mata n'ya sa akin. Natatakot ako na baka natutuwa lang s'ya sa paglapit lapit ko. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko, gusto ko ng sabihin sa kanya na hulog na hulog na ako.



"NO!" Nailayo ko ang tenga ko sa speaker ng cellphone ko.



"Deinna, please understand my decision..." Pagpapaliwanag ko pa sa kanya.

Midnight Lover (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon