Mature Content — 🌹
KABANATA 38
Kinumutan ko muna si Hope bago lumabas sa kwarto ni Lucy. Mabuti nalang at doon naisipang patulugin ni Ate Maritez ang anak ko. Kahit saang kwarto basta magustuhan niya ay doon siya matutulog. Minsan sa kwarto ko, minsan kay Ate Maritez pero madalas ay sa tabi siya ni Lucy natutulog. Sabi kasi ni Ate Maritez ay tumawag si Lucy kanina. Iyak ng iyak si Hope habang nagsusumbong sa Tita Mama niya. Siguradong pagagalitan ako ni Lucy dahil sa nangyari.
Lumabas ako sa kwarto ni Lucy kung saan mahimbing ang tulog ni Hope at saka dumeretso sa kwarto ko para maghanap ng damit na pwedeng ipamalit ni Miguel sa basa nitong business suit. Mukhang nilalamig na rin ito kaya naman kinuha ko iyong plain black men shirt ko na kalimitang ginagamit ko sa pagtulog. Huminga muna ako ng malalim bago muling hinarap si Miguel. Nakaupo lang ito doon sa salas habang inililibot ang mga mata. Dumaan din ako sa may shoe rack para kunin iyong tsinelas na naiwan ni Theo. Mukhang pati ang suot nitong sapatos ay basa.
"Here, magpalit ka muna. Basang basa ka..." Ngumiti ako, "Ipagtitimpla kita ng kape."
Kinuha ni Miguel ang t-shirt at tsinelas, "Salamat..." Naiilang nitong sagot.
Dumeretso ako sa kusina at nagtimpla ng kape. Naglabas din ako ng banana cake baka hindi pa siya nagdidinner. Malalim na rin ang gabi pero nagawa parin niyang pumunta dito. Paano naman niya nalaman kung saan ang unit ni Lucy... Isa ko pa iyong isipin.
Umiling iling nalang ako habang iniisip kung paano ko sisimulang sabihin sa kanya na isa sa mga kwarto dito ay natutulog ang kanyang anak. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan pero susubukan ko kahit sobrang hirap sa kalooban ko kung paano umiyak si Hope kanina.
Napahinto ako sa paghahalo ng kape na mapansing may nanonood sa ginagawa ko. Tumunghay ako at sinalubong ang mapupungay niyang mga mata. Bahagya akong nagbawi ng tingin ng ngumiti ito. Masyadong bagay sa kanya ang t-shirt ko!
"Kain ka muna..." Ipinatong ko ang kape at isang platito na may lamang banana cake.
Agad siyang humigop ng kape bago kumuha ng kapirasong cake, "Hmmm, ikaw ba ang gumawa nito?" Ngumiti lang ako at saka tumango.
Come on, Alessa! Mag isip ka na kung paano sasabihin sa kanya ang tungkol sa anak n'yo!
Napakurap ako at sunod sunod na umiling. Paano kung ayaw niya? Ayaw niya kay Hope. Baka mas lalong hindi ko kayanin kung maririnig ko 'yon mula sa bibig niya. Baka matrauma ang anak ko. Baka magalit si Hope sa akin. Baka kamuhian niya ako kapag nalaman niyang hindi naman pala talaga siya mahal ng ama niya.
Napalundag ako ng biglang kumulog ng malakas kasabay ng pagliwanag ng kalangitan dahil sa hagupit ng kidlat. Halos mapuno ng ingay ang loob ng bahay dahil doon.
"Are you okay? Takot ka pala sa kulog at kidlat..." Napalingon ako kay Miguel.
"No. Nagulat lang ako..." Ngumiti ako at muling sumulyap sa pintuan ng kwarto ni Lucy.
Nakikiramdam ako kung iiyak ba si Hope dahil takot ito sa kulog at kidlat. Hindi mawala ang pagtitig ko sa pintuan ng muling mapuno ang kabuuan ng bahay dahil sa ingay mula sa kalangitan. Paulit ulit pa iyon hanggang sa maramdam kong may yumakap mula sa likuran ko. Kusang pumikit ang mga mata ko dahil sa kakaibang init na nagmumula sa katawan niya. Muli kong naramdaman ang kakaibang sensasyon.
BINABASA MO ANG
Midnight Lover (Completed)
RomanceMidnight Lover Alessa had a big secret. Five years ago she secretly admired her sister's boyfriend and the man seemed to be the same to her pero nagkamali siya sa pag-aakalang gusto rin siya nito. She walked away just to forget everything happened...