Most Impressive Ranking,
POPFICTION #2 out of 1.3K Stories! THANK YOU GUYS!
KABANATA 6
Kanina ko pang pinapaikut-ikot ang tinidor sa carbonara spaghetti na nakahain sa karapan ko habang nag-iisip kung paano makakatakas sa restaurant na ito. Birthday ni Daddy pero about business naman ang mga naririnig ko. Nasa isang kilalang restaurant kami para idaos sana ang birthday n'ya but here I am, bagut na bagot na dahil nagmukhang meeting ng mga negosyante ata itong pinunta namin dito. Kanina pang text ng text si Toshka at Sarina, wala naman akong magawa at hindi ko rin alam kung paano mag-papaalam kila Daddy. Napasimangot ako at sinubo ang carbonara. Baka kung nagsasalita lang ito ay pinagalitan na ako dahil sa hilo. Halos mapuno ang tinidor ng isubo ko yun.
"Yes, that farm!" Sabi ni Daddy sa kausap n'ya habang si Mommy naman ay may chinicheck na papels. Napahinga ako ng mariin at muling tumitig sa pagkain.
"Ate ayusin mo nga yang pagmumukha mo?" Bulong ni Kiel, napasimangot na naman ako.
"Ang boring, tara takas tayo?" Bulong ko din sa kanya.
"Ayoko..." tanggi naman n'ya.
"Sus as if I know..." ngumisi ako.
"Takas tapos grounded for 1 week? Ayoko..." ngumisi din s'ya sa akin. Halos maibuga ko ang pagkain sa bibig ko dahil sa pagpipigil ng tawa. Naalala ko si Ate Deinna last year, birthday ni Mommy, nagpaalam s'ya na magrerestroom pero hindi na s'ya bumalik at nung kinagabihan napagalitan s'ya ni Dad at grounded pa s'ya for 1 week, no phone, no card! imagine? she's the favourite pero nagkaganoon s'ya. Gusto kasi ni Dad na pag ganitong may kausap s'ya about business at kasama kami ay gusto n'yang tutok kami sa mga pinag-uusapan para daw matuto kami habang bata pa.
"Behave..." bulong ni Mommy, para akong bata na umupo ng maayos. Si Kiel naman ay sinisipa pa ang paa ko sa gilid n'ya.
"Told you so." pangangatsaw pa ni Kiel.
"Pardon?" tinaasan ko s'ya ng kilay.
"I'm so so sorry, late na ako Kumpadre!"
Sabay pa kaming napalingon ni Kiel sa pinang-galingan ng boses na 'yun. Halos maputulan na ako ng hininga ng makita ko si Tito Ben, ang Daddy ni Miguel. Napalinga-linga ako at nakita ko naman si Tita Lhia papasok ng restaurant. Nakahinga ako ng maluwag dahil wala s'ya.
BINABASA MO ANG
Midnight Lover (Completed)
RomanceMidnight Lover Alessa had a big secret. Five years ago she secretly admired her sister's boyfriend and the man seemed to be the same to her pero nagkamali siya sa pag-aakalang gusto rin siya nito. She walked away just to forget everything happened...