KABANATA 37
Kanina pang nakaalis si Theo at Lucy. Nagpresinta si Theo na ihatid si Lucy sa Ilocos. Balak sanang magbyahe ni Lucy dahil ayaw nitong magdala ng sasakyan. Nagoffer din si Theo na gamitin nalang ang sasakyan niya dahil may sasakyan naman si Tita Mara na pwedeng gamitin ni Theo habang naririto sa Manila pero mariing tumanggi si Lucy. Mas gugustuhin pa daw nitong mag-bus na lang. Kasi wala daw siya sa mood para mag-drive kaya naman to the rescue naman itong si Theo. Tinanong ko rin si Theo kung kailan ba ito babalik ng Bulacan. Umiling lang ito, hindi daw niya alam kung kailan mag-aaya ang kanyang Mama ay saka sila uuwi.
Dito natulog si Kiel kagabi at kaninang madaling araw lang ito umuwi sa Tagaytay. Hindi na rin ako kinukulit nila Daddy. Dahil siguro okay na ang lahat. Nasa rehab na si Ate Deinna, nasa amin na ulit ang Cafe ni Lolo, nabayaran ko na lahat ng utang ni Daddy. Hindi ko maisa isa dahil hindi lang kila Tito Ben ito may utang. Hindi naman ganoon kalaki pero utang parin na dapat bayaran. Naglagay rin ako ng maliit na halaga sa account ni Kiel. Gusto nga niyang ibalik pero pinilit ko siya huwag na. Para sa pag-aaral niya iyon. Kung sakali mang bumalik na kami ni Hope sa London ay may naiambag naman ako sa edukasyon niya. Sinabi ko rin sa kanya na kumuha siya ng kursong gusto niya hindi iyong gusto ng ma magulang namin. Ayokong dumepensa sa mga minana lang namin. Kailangan din naming magtrabaho para sa sarili namin. Yung pera na pinaghirapan talaga namin hindi iyong pera na pinaghirapan ng iba.
Bago umalis si Kiel kanina ay nakiusap ako sa kanya na dalawin niya kami tuwing weekends. Hindi ko kasi maiwasang hindi mag-isip at matakot paminsan minsan. Oo nga't safe naman itong condominium ni Lucy. Iba ang kinatatakot ko. Iyong palaging pagtatanong ni Hope tungkol sa ama niya. Hanggang ngayon ay hindi ko parin alam kung paano ko kakausapin si Miguel tungkol kay Hope. Ayoko namang umuwi ng London na malungkot ang anak ko dahil nangako na ako sa kanya na one of this day ay ipakikilala ko siya kay Miguel. Parang tinutusok ang puso ko tuwing nakikita ko si Hope na umaasa sa mga sinasabi ko.
Sinabi ko kay Lucy na gusto kong makausap si Miguel tungkol kay Hope. Syempre hindi pumayag si Lucy noong una pero sinabi ko sa kanya na sasabihin ko kay Miguel ang tungkol kay Hope pag paalis na kami. Para hindi niya kami mapigilan kung saka sakali. Alam kong may mali rin ako noon. Dapat ay hindi ko dinamay si Hope sa galit ko sa ama niya. Natakot lang naman akong tanggihan niya si Hope. Natakot ako na baka hindi niya tanggapin ang anak ko. Paano naman si Ate Deinna kung nalaman niyang buntis ako kay Hope. Masyado ng magulo ang lahat kaya naman mas pinili kong magpakalayo layo para sa anak ko.
Lahat naman siguro ng ina ay ganoon ang gagawin. Nasaktan na ako ng maraming beses. Para akong paulit ulit na pinapatay sa tuwing nakikita kong lumalaki ang anak ko ng walang ama, ng walang buong pamilya.
Naiinggit ako doon sa mga may asawa na masayang nagpipicnic sa kung saan saang parke. Naiinggit ako doon sa mga dinner date na kalimitang nakikita ko tuwing kakain kami sa labas ni Lucy. Naiinggit ako doon sa mga lalaki na pinuprotektahan ang mga anak nila, ang asawa nila. Alam kong masama ang mainggit sa kapwa pero iyon ang nararamdaman ko. Noong sinilang ko si Hope... ako lang ata iyong pasyente doon na walang kasamang asawa.
BINABASA MO ANG
Midnight Lover (Completed)
RomanceMidnight Lover Alessa had a big secret. Five years ago she secretly admired her sister's boyfriend and the man seemed to be the same to her pero nagkamali siya sa pag-aakalang gusto rin siya nito. She walked away just to forget everything happened...