Kabanata 1

5.2K 102 1
                                    

KABANATA 1

"Hi! what's your order, Sir?" Halos umabot na sa langit ang ngiti ko pag siya ang nakikita ko.

"Alessa?" Parang nakakita s'ya ng multo sa reaction n'ya.

"Yes, ako nga!" Ngumiti lang ako bahagya.

"Why are you here?" gulat na gulat parin s'ya dahil siguro first time niyang oorder sa akin?

"Hmm... because this is our family business, family cafe?" hindi ko parin inaalis ang ngiti ko, yun ang turo ni Lolo. He's our customer, regular customer.

"No, I mean, where's Sarina?" kunot noo pa s'ya. Huh? si Sarina pala ang hanap.

"She's dayoff kaya ako muna ang casheir, as if namang mahihindian ko si Lolo, di ba?"

"I see," tatango tango lamang ito.

"So what's your order, Kuya Miguel?" inilapag ko ang menu sa counter desk.

"Just one flat white and babana cake," ngumiti rin ito sa akin. "Takeout, please."

"Okay, one second," kinindatan ko s'ya. Kadalasan kong ginagawa yun sa mga taong kakilala ko, close friend or friend ay nakasanayan ko na iyong gawin.

Tumawa s'ya bahagya, "Sure."

"Hindi mo kasama si Ate?" biglang tanong ko habang iniintay ang order n'ya. Nakakapagtaka namang hindi niya kasama ang Ate ko.

"Hindi eh, busy s'ya. Minamadali na kasi n'ya yung papers for UK trip..."

"Oh..." pumayag ba si Kuya Miguel na umalis si Ate Deinna?

"Pumayag ka?" tanong ko habang kumukuha ng sugar at plastic spoon sa tabi ng counter habang si Kuya Miguel naman ay abala sa cellphone n'ya.

"What to do?" ngumiti s'ya sakin pero alam ko na malungkot s'ya.

"That's her dream, pagbigyan mo na..." pampalubag loob kasi nababasa ko sa mga mata n'ya yung kalungkutan lalo pa't tatlong buwang mawawala si Ate Deinna.

"I know but yeah, you're right, one of her dreams." ngumiti ulit s'ya sakin at ibinulsa ang cellphone.

"Here's your order, enjoy Kuya!" inilapag ko ang supot.

"Thank you, Alessa." sinilip niya ang loob ng plastik at sinamyo ang amoy ng kape, napangiti ako sa ginawa ni kuya Miguel.

"You're welcome po!" kumaway pa ako sa kanya bago tuluyan na siyang lumabas ng cafe.

Kanina pang nakaalis si Kuya Miguel pero nakatitig parin ako sa glass door ng Coffee Station kung saan s'ya lumabas. Humalumbaba ako sa counter at ngumiti, kung ganito ba naman bubungad sa akin tuwing umaga baka magpresinta na ako kay Lolo na palitan nalang si Sarina bilang cashier tutal busy naman ang isang yun.

Pero dahil si Tita Mara naman ang manager, panganay na kapatid ni Daddy kaya't imposible na mapalitan ko si Sarina. Balita ko nga ayaw talaga ni Sarina dito pero mapilit si Tita Mara, kasi daw pag dating ng panahon kami kami lang rin naman daw ang makikinabang ng Coffee Station kaya't habang maaga pa ay dapat na naming pag-aralan ang pasikut-sikot ng negosyong ito.

Midnight Lover (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon