KABANATA 31
"Ano namang naisipan mo at umuwi ka? Akala ko ba eh isinumpa mo na ang bansang Pilipinas?" Tumawa si Gio sabay kumuha ng tissue paper para punasan ang labi ko.
Sa isang icecream parlor kami nagkita ni Gio. Tutal ay lumuwas s'ya ng Maynila kaya naman ako na ang nag-adjust. Sa BGC na kami nagtagpo dahil nagbus lang ako habang s'ya ay may dala namang sasakyan from Puerto Galera to Manila. May meeting daw s'ya bukas pero ngayon na s'ya lumuwas para makapag-meet kami. Gusto ko sanang kumustahin ang relasyon nila ni Lucy pero mukhang iniiwasan n'ya iyong topic na iyun.
"No choice na eh..." Kinuha ko ang kamay n'ya at hinila ang tissue para ako na mismo ang magpunas sa labi ko dahil nagtitilian iyong katabi naming table. Mga kabataan nga naman. Wala ng hiya hiya basta may gwapong makita basta na titili. Umiling-iling ako at saka humarap kay Gio. Gwapo naman talaga si Gio. Tall, dark, and very much handsome kung ilarawan ni Lucy itong lalaking ito. Kaya naman ang pihikang si Lucy ay nabihag ng gunggong! Napangiti ako bahagya dahil sa mga naiisip ko.
Tinaasan ako ni Gio ng kilay, "And why are you smiling like that?" Gusto kong tumawa ng malakas dahil sa itsura ng mukha n'ya.
"Ewan ko ba kung bakit pinatulan ka ni Lucy..." Sumubo ulit ako ng icecream at muling tumitig sa mukha n'yang presko.
"Wow, woman! Seriously?" Nagsalubong ang mga kilay n'ya bago mabilis nitong ipinunas ang kutsara n'ya sa ilong ko kaya naman nagulat ako ng malagyan ng icecream 'yun.
"You!" Sabay turo ko sa mukha n'ya. Pero imbis na gantihan ay hinila ko ang tissue at saka mabilis pinunasan ang ilong ko, "Ew, ang lagkit!" Tumawa lang si Gio habang pinapanood ako.
"So, after this uuwi ka ba ng Tagaytay?" Tanong n'ya.
"Yes, ikaw lang naman ang ipinunta ko dito eh. Isa pa ay may videocall kami mamaya ni Hope. Gusto mo bang—" Tinaas ni Gio ang dalawang kamay kaya hindi ko na naituloy pa ang dapat kong sabihin.
"Nope, baka mapuyat ako. You know may meeting ako bukas ng maaga." Yumuko s'ya at pinaglaruan ang natirang icecream. Reason! Ayaw n'ya lang sigurong makita si Lucy.
"Alright, after this saan tayo? Ipapasyal mo ba ako or what?" Tinaasan ko s'ya ng kilay dahil sa totoo lang ay sobrang boring nitong ginagawa namin. Mas maganda siguro kung nandito si Toshka siguradong maaga akong malalasing. Hindi parin naliligaw si Tosh sa Pilipinas. Lagi niyang sabi ay Japan at UK lang s'ya para bisitahin kami ni Hope which is dalawang beses lang naman s'yang naligaw sa UK dahil sobrang busy at kailangan s'ya ng Papa n'ya sa Japan.
"Ipapasyal kita at ako narin ang maghahatid sayo. Baka maligaw pa ka at mawala..." Tumayo s'ya kaya naman tumayo narin ako. Siya na rin ang nagbayad sa counter at saka inalalayan ako palabas. Nagmukha tuloy kaming mag-jowa. Well, I don't mind kasi kahit sa UK ay ganito rin naman s'ya. Mabuti nalang pinsan ko si Lucy kung hindi ay baka iba na ang isipin noon sa amin. Kung minsan ay magpaparinig pa si Lucy na nagseselos s'ya kaya naman ako iyong nahihiya at umiiwas sa mga care ni Gio kahit pa wala lang naman iyon.
Kung saan saang Mall n'ya ako dinala para malibang. Kaya naman marami akong nabiling damit para kay Hope at Ate Maritez. Hindi na ako nag-abala pang bilhan si Lucy dahil magkaiba ang taste namin pagdating sa damit. Maaaring sa kulay ay magkatulad kami pero sa desenyo ay malayong malayo kaya naman si Hope na lang ang binilihan ko at ilang pirasong damit para kay Ate Maritez. Kung tutuusin ay marami namang mas magagandang boutique ng mga damit sa UK pero sobrang mamahal naman kumpara dito sa mga damit na nabili ko.
BINABASA MO ANG
Midnight Lover (Completed)
Lãng mạnMidnight Lover Alessa had a big secret. Five years ago she secretly admired her sister's boyfriend and the man seemed to be the same to her pero nagkamali siya sa pag-aakalang gusto rin siya nito. She walked away just to forget everything happened...