KABANATA 2
"Nasi Goreng, table six!" Sigaw ni Sarina habang mabilisang ibinulsa ang hawak hawak na papel at ballpen.
"How many ba?" Sigaw ko din naman habang hawak hawak ang mga baso na bagong hugas.
"ISA! Pakilinis na rin nung table!" sigaw n'ya ulit, parang gusto ko tuloy magsisi sa suggestion kong ito.
Simula ala sais ng umaga hanggang alas nueve lang available ang breakfast meal namin. Alas dose na pero heto't dagsa parin ang mga byahero. Kung susumahin mga taga maynila ang karamihan. Dahil tabing kalsada ang coffee station plus medyo malapit sa taal volcano kaya't mas maraming humihinto dito para magkape or di kaya naman ay kumain.
Mabilisang nirenovate ang The Coffee Station, nilagyan ng lamesa sa dulong bakante sa may parking lot para mas makikita ang view ng taal, pininturahan ng pastel green ang palibot nun tsaka nilagyan ng mga bulaklak, halaman, halos lahat luntian.
May fairy light sa tabi kaya't maganda rin ang view sa gabi, simple lang pero maganda naman ang kinalabasan. Nag-hired din sila Lolo ng chef, isang Indonesia at isang Malaysian. They're both awesome. Naniniwala kasi si Lolo na mag masarap ang fried rice nila kesa sa mga chinese. Nakapangasawa sila ng pinoy kaya't pinili nilang dito na lamang manirahan sa Pilipinas. Marunong na rin silang managalog kaya't hindi nahihirapan ang ibang staff sa kausapin sila.
"HURRY UP!" Nilakihan ako ni Theo ng mata. Nakaupo lang ito sa counter habang nakatutok sa cellphone n'ya. Naiiling nalang akong tumakbo palapit sa table six dala dala ang spray at basahan. Ngumiti ako sa customer at tsaka mabilisan kong nilinis ang table n'ya.
Himala dumalaw s'ya, kung nagpa-ulan ng katamaran si god, si Theo ang sumalo lahat, baka basang basa s'ya sa ulan. Nandito lang naman s'ya para mag-mando. Para manduhan ang kapatid n'ya at ito namang si Sarina parang okay lang na sumunod sunod sa kuya Theo n'ya.
Kunsabagay may mga sense naman yung sinasabi n'ya minsan, tsaka mukhang seryoso s'ya palagi. Iba siguro ang nagagawa ng America sa mga kabataan ngayon. Kunsabagay dun naman s'ya lumaki pero ng mamatay ang Daddy nila, umuwi rin sila dito. Una si Tita Mara, si Sarina naman lumaki sa Bulacan, laki sa lolo at lola sa side ng Daddy n'ya pero nung nag-highschool pumunta rin ng America para ipagpatuloy ang pag-aaral.
Few years ago, hayan taong cafe na rin tulad ng Mommy n'ya, maganda kasi ang trabaho ng Daddy n'ya sa america at mas pinili nitong dun mamalagi kesa sa Bulacan. Ito namang si Sarina maki-Lola kaya hindi talaga s'ya sumama sa Mommy at Kuya n'ya. Nung nagkasakit at nauwi rin sa kamatayan ang Daddy nila ay isa isa rin silang bumalik dito sa Tagaytay. Ayaw naman ni Tita Mara sa Bulacan, napakalayo raw sa cafe. Tapos six months ago ito namang si Theo ang dumating. Sabi ni Sarina broken hearted daw, kasi yung dapat na pakakasalang girlfriend na Fil/Am, ikinasal sa iba.
Pwede ba yun? Mayroon palang ganoon.
"What are you thinking?" Tinaasan ako ng kilay ni Theo. Napailing naman ako, bigla bigla ko kasing naiisip ang mga sinabi ni Sarina tungkol sa Kuya n'ya.
"Nothing, I just... I just uhm," ano bang palusot ang sasabihin ko. Pagminamalas ka nga naman oh!
"Alessa Jadeyyyy!" Sabay pa kaming napalingon ni Theo.
"Oh..." nakahinga ako ng malalim ng makita ko si Toshka. You save my life, Toshiiiii!
"I texted you, did you read it na?" Pinamay-awangan n'ya pa ako habang itong si Theo naman ang nakatingin lang sa amin.
BINABASA MO ANG
Midnight Lover (Completed)
RomanceMidnight Lover Alessa had a big secret. Five years ago she secretly admired her sister's boyfriend and the man seemed to be the same to her pero nagkamali siya sa pag-aakalang gusto rin siya nito. She walked away just to forget everything happened...