KABANATA 35
Mukhang pagod na pagod si Hope kaya naman mahimbing parin ang tulog nito ng ihiga ito ni Kiel sa kama. Ngumiti ako kay Kiel ng mahuli niya akong pinapanood sila. Sumandal lang ako sa pintuan at inintay siyang makalabas sa kwarto ni Lucy. Ngayon ko lang nalaman na may Condo Unit pala siya dito sa Makati. Ang alam ko kasi kay may bahay sila sa Alabang. Doon kami palagi pumupunta noong kabataan pa namin tuwing umuuwi sila dito sa Pilipinas.
Kinumutan ni Kiel si Hope bago ito tuluyan lumabas. Dumeretso kami sa living room bago naupo roon. Kanina pang tahimik si Lucy. Mukhang masyadong malalim ang iniisip nito. Alam kong nasasaktan siya para kay Gio at si Gio... bakit hindi niya nasabi sa akin ang tungkol doon? Dahil ba ayaw nitong malaman ni Lucy? At papaanong nalaman ni Lucy ang tungkol doon...
"May malapit bang Supermarket dito, Celine?" Napakurap si Lucy ng biglang sumulpot si Ate Maritez mula sa kusina.
"Oh, uhm... yes po. Baba ka tapos from main entrance sa left side po, Ate." Ngumiti si Lucy bago muling natulala.
Nagpaalam si Ate Maritez na mamalengke muna dahil kabubukas lang nito ng fridge. Maaga pa naman kaya may oras pa para makapagluto. Kumakalam na rin kasi ang tiyan ko. Wala naman kasing nakatira dito kundi iyong taga linis ni Lucy na tuwing linggo lang pumupunta. Naupo ako sa tabi ni Lucy habang si Gio naman ay abala sa cellphone niya.
Huminga ako ng malalim, "Hanggang kailan ka dito?" Napakurap si Lucy at saka tumingin sa akin.
"One week... I don't know. I just wanna relax my mind." Ngumiti siya kahit pa pilit, "By the why, I just contacted Theo yesterday. I hope he will visit me while I'm stayin' here..." Tumayo si Lucy at kinuha ang nakadisplay na wine. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa pumunta ito sa kusina. May bitbit na itong wine glass. Nagsalin siya at agad rin ininom iyon.
"Pwede bang dito nalang muna ako?" Nag-aalala ako kay Lucy at isa pa hindi ko pwedeng iuwi si Hope sa Tagaytay.
Tumawa si Lucy kaya naman napatingin si Kiel sa amin, "Ofcourse you can stay here. Andito ang anak mo..." Sumandal si Lucy at saka sumimsim sa hawak hawak na alak, "I'll visit Ilocos... kaya ikaw muna dito. Andito naman si Ate Maritez so you don't have to worry."
Tumango na lamang ako bago lumapit kay Kiel. Siguradong magtataka sila Daddy at Mommy kung bakit hindi ako makakauwi ng Tagaytay. Ipinaliwanag ko kay Kiel ang mga balak ko. Inutusan ko siyang kunin lahat ng gamit ko sa bahay at dalahin dito bukas. Dahil martes lang bukas at halfday na siya ngayong araw sa eskwela kaya naman sa gabi na lamang niya ito madadala. Tinanong ko din si Lucy kung pwede ko bang ipaalam kila Mommy na umuwi siya ng Pilipinas para mas madali kong mapapayag si Mommy. Well, I don't have any problem with Dad, isa pa ay wala naman silang magagawa pa kahit na hindi nila ako payagang umalis. Bibisita na lamang ako doon bago bumalik ng UK. Hindi ko kayang iwan ang anak ko dito. Pakiramdam ko ay napakadelikado ng paguwi niya dito. Hindi ko masisi si Lucy kung bakit ba naman binitbit niya pa ang anak ko rito. Ano namang sasabihin sa akin ni Ate Maritez? Siguradong sinunod lamang niya ang pinsan ko.
Pagkatapos naming maghapunan ay nagpaalam na rin si Kiel. Kailangan na niyang umuwi dahil kanina pa tawag ng tawag si Mommy. Hindi niya kasi sinabing sinamahan niya ako dito. Ang sabi niya ay kasama nito ang mga kaklase para sa isang school project. Tinawagan ko na rin si Mommy kanina na hindi ako makakauwi. Pinaalam ko rin sa kanila na Lucy's here kaya pumayag naman agad sila Daddy.
BINABASA MO ANG
Midnight Lover (Completed)
RomanceMidnight Lover Alessa had a big secret. Five years ago she secretly admired her sister's boyfriend and the man seemed to be the same to her pero nagkamali siya sa pag-aakalang gusto rin siya nito. She walked away just to forget everything happened...