18

1.3K 80 16
                                    

KABANATA 18




"Lakasan mo ang loob mo dahil ito ang totoong laban, Alessa." napakurap ako, nasa tabi ko na pala si Sarina at Toshka. Nakatayo kaming tatlo sa tabi ng counter desk. They wearing a simple formal dress and ofcourse red dress ang sa akin.



"Masyado mo namang tinatakot ang pinsan mo, Ses!" singit naman ni Toshka na nilakihan pa ang mata.



"I just stating the fact, Tosh... look, this is not a simple dinner..." sabay sabay pa naming nilibot ng mga mata ang kalawakan ng cafe. "It's a trap." naiiling na pang si Sarina. I bite my lips, parang gusto kong umuwi na lang... Biglang kumalabog ang dibdib ko ng makita ko si Ate Deinna mula sa glass door ng cafe. She is so beautiful in her dress, white... plain white dress with matching red heels.



"Bakit nga ulit tayo nandito, Alessa?" biglang sumeryoso si Toshka na nakatingin din kung saan ako nakatingin.



"Dinner..." sagot ko, "iyan ang alam ko."



"Family dinner kuno, but why is that..." tinuro ni Sarina si Lola, nakaupo lang s'ya doon na parang nalilito rin sa mga nangyayari.



I look around, a hot red theme backround. Roses all over, may mga waiter pa na talagang nag-aasikaso sa bawat table. All I can say is... nagmukhang party itong sinasabi nilang FAMILY DINNER.




"Masyadong ma-game iyang kapatid mo, huh! Maraming pakulo, baka s'ya ang mapaso n'ya!" naiiritang sabi ni Toshka, "May pa-roses pa..."



Hindi ko nalang s'ya pinansin at nalakad nalang ako palapit kay Lolo para mag-mano. Ngumiti lang si Lolo, nagpaalam din naman ako agad dahil sa ibang table umupo si Toshka habang si Sarina naman ang nakaupo sa tabi ng Mama at Kuya Theo n'ya. I have no choice na maupo sa tabi ni Toshka dahil mag-isa lamang s'ya at nagsisisi ako na inimbithan ko pa s'ya dito na buong akala ko ay isang simpleng dinner lamang. Malimit ko namang isama si Toshka sa family dinner namin noon but this time, nakaramdam ako ng pagsisisi at kahit ako, ang sarili ko, bakit pakiramdam ko ay kakaiba ang gabing ito.



Hindi na ako nagulat pa ng mag-sidatingan ang ilan sa mga kaibigan ni Daddy, si Tito Manuel at si Tita Amparo lang ang kilala ko mula sa mesa nila Daddy. Abalang abala naman si Ate Deinna sa mga kaibigan n'yang sunod sunod dumating. Mula sa kinauupuan ko ay hindi ko maipagkakailang masaya si Ate.



"Uwi nalang kaya ako, 'no?" bigla'y sabi ni Toshka.




"Bakit naman?" malungkot kung tanong. Kung uuwi s'ya eh di talagang mag-isa lang ako dito. Si Kiel kasi katabi ni Mommy. Gustuhin ko mang maupo doon at isama sana si Toshka pero mukhang walang puwang para sa akin doon lalo pa't kapansin-pansin na wala akong upuan sa table nila Dad. Si Lolo naman ay nakikipag-tawanan din sa mga kaibigan ni Daddy.

Midnight Lover (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon