KABANATA 8
Kanina pa akong nakasandal sa pintuan ng room ko habang malayang pinagmamasdan si Miguel na nahihimbing ang tulog sa kama ko. Hindi ko na rin alam kung ano pang mabisang palusot kay Sarina dahil kanina n'ya pa akong tinetext. Alas otso na ng gabi, hindi pa rin ako lumalabas at nagpapakita sa kanila mula kanina. Umiyak ako ng umiyak habanag yakap yakap ni Miguel hanggang sa nakatulugan ko na iyun at ganoon din naman s'ya. Magkayakap pa kaming nakatulog. Hindi ko alam kung dapat ba akong magdiwang dahil pakiramdam ko ay gusto rin n'ya ako tulad ng kung paano ko s'ya gustuhin. Wala naman akong narinig na kahit na ano mula sa kanya, kundi "SORRY", ano bang dapat? kailangan ba talaga ay gusto n'ya rin ako? Napahawak ako sa dibdib ko ng tumunog ulit ang cellphone ko. Kailangan ko na 'tong sagutin dahil kung hindi, siguradong hindi ako titigilan ni Sarina.
"Hello..." malumanay kung sagot sa tawag n'ya.
"WHERE ARE YOU?" gigil na gigil yung boses n'ya. Nakagat ko ang labi ko.
"Room." sagot ko naman.
"Come over here, we're about to start na oh!" huh? start ng ano ba?
"Huh?" pagtataka 'ko.
"Bonfire!" sigaw n'ya.
"Okay, coming!" pinagpatayan ko na s'ya agad at hindi na inintay pa ang isasagot or itatanong n'ya. Kailangan kong magpakita sa kanila. Dahan dahan akong lumapit kay Miguel.
"Migs..." bulong ko tsaka inalog alog ang balikat n'ya. Mukhang mahimbing ang tulog n'ya. "Miguel..." tawag ko ulit pero talagang hindi s'ya magising.
"Shit, paano ba 'to?" Bulong ko. Halos mabitawan ko na ang cellphone ko. Si Sarina ulit. Agad agad kung binuksan ang message n'ya.
From: Ruth H.
FASTER ALESSA JADE!
Kinuha ko ang hoodie ko na nakapatong sa ibabaw ng dressing table. Sinuot ko agad yun atsaka dahan dahang lumabas ng kwarto. Itetext ko nalang si Miguel incase magising s'yang wala ako. Agad naman akong nakarating sa tabing dagat. Malayo layo rin ang nilakad ko kasi sa bandang dulo pa yung bonfire na sinasabi ni Sarina. Halos pagpawisan na ako dahil sa kaba. Sana naman ay hindi magising si Miguel. Siguradong hahanapin n'ya ako. At ano? Makikita s'ya ni Sarina at Jetro? Ano nalang ang iisip nila, at si Toshka? Alam kong s'ya ang nagsabi kay Miguel kung nasaan ako. Ugh, sakit sa ulo!
"Jade!!!" Sigaw ni Toshka habang may hawak hawak na bote ng sanmig light.
"Hi!" Bati ko, medyo nilalamig parin ako kahit nakahoodie jacket na ako. Tumingin ako kay Sarina na katabi si Jetro, mukhang okay na sila.
"Tagal mo huh!" Pangbubuska ni Sarina sa akin.
"Nakatulog ako..." ngumiti ako bahagya.
"Kumusta naman?" Sabi ni Toshka habang sinusuri ako at nakangiting aso pa s'ya! Bitch!
"Ikaw, kumusta ka?" Balik tanong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Midnight Lover (Completed)
RomanceMidnight Lover Alessa had a big secret. Five years ago she secretly admired her sister's boyfriend and the man seemed to be the same to her pero nagkamali siya sa pag-aakalang gusto rin siya nito. She walked away just to forget everything happened...