Belated Happy Birthday To Me (June 4), kay Nanay (June 8), at Happy Birthday naman kay Tatay (June 12) — 🌹
KABANATA 16
"You are grounded for two weeks, Jade!" umalingaw-ngaw ang boses ni Daddy ng mabungaran n'ya ako sa living room. "How could you do this to me, huh?" sinugod ako ni Dad at hinila ang braso ko. Hindi ako makaimik habang si Ate Deinna naman ay nangingiti pa sa likuran ni Daddy. Gusto kong maiyak dahil sa higpit ng pagkakahawak ni Daddy sa braso ko. "Ano, sumagot ka?" tinulak n'ya ako bahagya kaya't natabig ko ang vase ni Mommy.
"Donn! Ano bang nangyayari??" gulat na gulat si Mommy at patakbong inalalayan ako para makatayo. Hindi ko magawang magpaliwanag, natatakot ako.
"Tanungin mo yang magaling mong anak!" Sigaw ni Daddy atsaka kami tinalikuran. Lumapit naman si Ate sa amin ni Mommy habang naka-krus ang mga bisig.
Tumawa s'ya, "Flirt!" atsaka n'ya kami tinalikuran ni Mommy.
"Deinna!!!" Sigaw ni Mommy. Winagayway lang ni Ate Deinna ang kamay n'ya na parang sinasabi n'ya na AS IF I CARE.
"Okay ka lang ba anak?" Inalo-alo ako ni Mommy ng makita n'yang naiiyak ako. Hindi ako nasaktan sa ginawa ni Daddy, mas nasaktan ako na aabot sa ganito ang lahat. Anak n'ya rin ako. Mas mabuti pang kinausap n'ya nalang ako ng maayos kesa ganito. Anak rin ako, anak rin ako...
"Ma, I'm sorry..." Mabilis kong pinulot ang pira-pirasong vase ni Mommy. Mahal ang vase na ito at ang alam ko'y regalo ito ng isang matalik na kaibigan.
"Sshhh..." niyakap ako ni Mommy, "It's okay, Anak... tahan na." napayapos na rin ako kay Mommy.
Inalalayan n'ya ako papunta sa kwarto ko. Talagang hindi ko ito inaasahan, alam na ba niya? Alam na ba ni Dad? Ito yung ikinatatakot ko ang malaman ni Daddy kung anong meron sa amin ni Miguel, ang boyfriend ni Ate, na anak ng matalik na kaibigan ni Daddy. Kung grounded ako sa loob ng dalawang linggo, paano ko s'ya makakausap? Paano ko s'ya pupuntahan at kakausapin? Paano na?
Nag-paalam si Mommy sa akin para kausapin si Daddy. Naguguluhan din s'ya kung bakit umabot sa ganitong nagkakasakitan kaming mag-ama. Hindi n'ya lubos akalaing magagawa ito ni Dad. Pinigilan ko si Mommy pero hindi ko s'ya naawat. Paano kung alam na nga ni Daddy ang tungkol sa amin ni Miguel, paano kung malaman din ni Mommy. Siguradong magagalit din s'ya. Mas dudoble ang sakit. Mas lalaki ang problema namin. Paano? Puro paano ang tanong tumatakbo sa isip ko. Walang sagot, walang sagot sa tanong kung paano malulutas ang gusot na ako naman talaga ang may kasalanan.
Nasa ganoong pag-iisip ako ng biglang pumasok si Ate sa kwarto ko. Nagulat ako dahil parang wala lang sa kanya ang nangyari. Ngiti ngiti pa siyang lumapit sa akin habang ako naman ay nakaupo sa gilid ng kama.
"You really think na magkakagusto sayo si Miguel huh?" Tumawa s'ya bahagya. "Isa kang malaking panakip butas na parang langaw na dapo ng dapo sa matatamis na prutas... hay nako Alessa Jade, ang sarap mong tirisin hanggang sa mapisak ka!"
Napayuko ako, "Ate, please huwag ngayo—"
"At kailan mo gusto? Pag ikaw na naman ang bida?" Tumawa s'ya ng malakas. "Alessa, wala kang mapapala kay Miguel dahil ako, ako ang nararapat sa kanya."
BINABASA MO ANG
Midnight Lover (Completed)
RomanceMidnight Lover Alessa had a big secret. Five years ago she secretly admired her sister's boyfriend and the man seemed to be the same to her pero nagkamali siya sa pag-aakalang gusto rin siya nito. She walked away just to forget everything happened...