13

1.3K 53 14
                                    

KABANATA 13




Para akong batang naghihintay na subuan, titig na titig kasi ako kay Migs habang abala s'ya sa paglalagay ng pagkain ko sa plato. Kagigising ko lang buhat ng may mangyari muli sa amin sa kubo. Pinilig ko ang ulo ko para hindi na muling alalahanin ang mga nangyari kahapon. Wala si Gio, kaya't si Miguel na ang nagluto. Kanina pa s'yang nakikipag-agawan sa mga katiwala ng resthouse ayaw kasi nila itong magluto, sila na lamang daw pero ang sabi ni Miguel sa mga ito ay pagsisilbihan daw n'ya ako. Hindi ko alam kung kikiligin ba ako or maiinis. Nakakahiya naman baka isipin ng mga tao rito ay magkarelasyon kami.



Bakit? Wala ba, Alessa? Nagsusumigaw sa isip ko!


"Here." Ngumiti si Miguel, napakapresko ng mukha n'ya idagdag pa ang suot nitong white t-shirt.



"Thank you." Inabot ko naman agad yung platong may lamang kanin at inihaw na pork. May soup din at prutas. Pinagsalin n'ya agad ako ng orange juice bago s'ya kumuha ng pagkain n'ya. Nagpahanda s'ya ng mesa na talagang nakaharap pa sa dagat. Nilibot ko ang aking mga mata, talagang napakaganda rito at ang tahimik pa. Huni ng ibon at hampas ng payapang alon lamang ang naririnig ko. Maaga pa naman kaya't hindi pa masyadong mainit dito, may mga puno rin ng niyog at matataas na halaman na halatang bagong tanim lang. Hindi naman kami lumayo sa resthouse ni Gio, as in nasa labas lang kami ng malawak ng bakuran ng resthouse.




"Hey, ang lalim naman ng iniisip mo, kain na..." hinawakan n'ya ang kamay ko.




Napangiti nalang ako at saka nagsimulang kumain. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya dahil sa tunog ng tunog ang cellphone n'ya at halos kanina ko pa yung napapansin, text at call 'yun. Nakatitig lang s'ya sa screen ng phone n'ya.



"Wala ka bang balak sagutin?" Nagulat pa ako dahil basta ko nalang s'ya tinanong ng ganoon.






"Ah, wala." naiilang n'yang sagot atsaka kinuha ang phone at mukhang in-off pa yata n'ya at ibinulsa.








"May problema ba?" uminom ako ng juice atsaka pinunasan ang labi ko ng tissue. Hindi kasi ko mapakali.









"Wala rin, teka nga... don't mind my phone, okay? we're here to relax." ngumiti s'ya atsaka hinawakan ang baba ko. Inilapit n'ya ang mukha n'ya sa akin kaya't nakaramdam ako ng hiya ng marinig ko ang ilang kasama-bahay na parang tumitili pa sa kilig. Nilapat n'ya pa ang ilong n'ya sa ilong ko kaya naman pakiramdam ko ay sobrang pula ng pisngi ko sa hiya.








"Hey, stop it. Nakakahiya." Nag-init ang pisngi ko ng ngumiti s'ya sa akin. Masyadong masarap titig ang ngiting 'yun.








"You blushing, Babe..." bulong n'ya sa tenga ko. Hinampas ko bahagya ang braso n'ya para medyo makalayo ako sa katawan n'ya.








"Hey, you two! tigilan n'ya yan at baka naman mahimatay na 'tong mga 'to sa kilig!" napatingin kami kay Gio habang tinuturo yung dalawang dalagita sa gilid ng kusina na di kalayuan sa pwesto namin.








"You here, ang aga mo naman." pag-iiba ni Miguel.





"Anong maaga? Tanghali na, Bro! but yeap, sobrang traffic sa manila... but it's okay." nagsalin si Gio ng juice na halatang uhaw na uhaw pa.





"So traffic nga pero ang aga mo paring dumating." naguguluhang tanong ni Miguel. Pinapanood ko lang silang dalawa. Mukha kasing balisa si Gio eh, parang problemado pa.








Midnight Lover (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon