KABANATA 30
"You don't have to do this..."
Nilingon ko si Mommy habang sinusuot ko ang black pearl earring ko na regalo pa ni Gio. Hindi ko alam kong bakit mabilis akong napapayag ni Miguel sa pisting date na ito. Imbes na makausap ko si Hope on time, heto't hindi ko malaman kong alin ba ang susuotin ko. Wala akong dalang formal cloth maliban sa isang nude wide pants at fitted na plain white long sleeve blouse at mid white heels.
"I'm okay, Mom..." Naglagay lang ako ng liptint at saka nagblower ng buhok. Tumingin ako sa screen ng phone ko ng umilaw 'yun.
[What's up hot momma! I'll see you tmr!]
Naiiling ako ngumiti bago nagreply kay Gio. Oh god, I need him right now! Siguradong sesermonan n'ya ko pag nalaman n'yang makikipagkita ako kay Miguel. Tumayo ako bago muling pinagmasdan ang kabuuan ko sa salamin. Almost perfect. Iyan ang palagi kong naririnig noon.
"He's here..." Napalingon ako sa pintuan dahil nakadungaw doon si Kiel.
"Okay..." Bumilis ang kalmadong tibok ng puso ko. Bakit ko ba ginagawa ang kalokohang ito? At nagawa ko pa talagang makipag-date? Naiiling kong hinila ang handbag ko. Tineks ko muna si Ate Maritez bago ako bumaba.
"Alessa..." Hinila ni Mommy ang kamay ko kaya't nanatili ako sa likod ng pinto.
"Mommy... please, malalate na po ako." Huminga ako ng maluwag at niyakap s'ya.
"Sorry anak, walang magawa ang Mommy para hindi ka maipit sa gulong ito... ikaw nalang palagi ang nagsasakrepisyon para sa amin... Sorry..." Gusto kong maiyak dahil nadadala ako sa pag-iyak ni Mommy pero walang tumulong luha ang mga mata ko.
"Not now, Mom... Let's talk next time, hmmmkay?" Hinalikan ko s'ya sa pisngi bago binuksan ang pintuan ng kwarto ko. Dere-deretso ako pababa.
Magkausap si Daddy at Miguel at mukhang masyadong importante ang pinag-uusapan nila dahil hindi manlang nila ako napansin habang nakaupo naman si Ate Deinna sa single sofa malapit sa main door at nagbabasa ng bible? What? Kumunot ang noo ko... seriously?
Napatunghay si Daddy at Miguel ng tumunog ang takong ng heels ko pababa. Tinaasan ko ng kilay si Miguel na nakatingala sa akin at ng makalapit ako sa kanila ay tsaka lang ito tumayo sa pagkakaupo. Hindi rin s'ya makatingin ng maayos. Bakit? Ako lang 'to, yung babaeng nagmakaawang mahalin mo. Gusto kong matawa sa itsura n'ya. Well, he is so damn handsome with his formal suit but nevermind, wala na akong pakialam doon.
Tumingin ako kay Daddy pero napatango nalang s'ya sa akin. Ngumiti ako ng pilit at saka muling humarap kay Miguel, "Let's go, Aquino!" Hinila ko s'ya sa braso dahil mukhang wala ata s'yang balak umalis. Bahagya pa s'yang nagulat kaya naman tiningnan ko s'ya ng masama.
Hinayaan ko nalang si Miguel kung saan ba kami magdidate. Hindi na rin ako nagabala pa na tanungin s'ya. Ginawa ko lang 'to para sa Cafe, para sa alaala ni Lolo at Lola. Hindi para mapalapit ulit sa kanya. Gusto ko ng matapos ang kalokohang ito dahil walang maidudulot na maganda ang paglapit lapit ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Midnight Lover (Completed)
RomantizmMidnight Lover Alessa had a big secret. Five years ago she secretly admired her sister's boyfriend and the man seemed to be the same to her pero nagkamali siya sa pag-aakalang gusto rin siya nito. She walked away just to forget everything happened...