15

1.1K 51 8
                                    

KABANATA 15






Kinaumagahan,


Parang hindi nangyari ang kahapon. Napakalamig, malamig na pakikitungo. Ganoon ko mailalarawan si Miguel. Nakatulugan ko na siyang busy sa pagtipa sa kanyang cellphone at pagmulat ko ay ganoon parin ang ganap n'ya, busy sa cellphone. Kunot ang noo at minsan pa'y napapamura, mahina pero masyadong mariin. Hindi ko nga alam kung nakatulog pa ba s'ya or nandoon lamang sa harap ng bintana habang humahampas ang maaliwalas na hangin kasabay ng ugong ng alon. Tirik na tirik na ang araw pero heto at pinapanood ko lamang s'ya. Wala akong balak na gambalain o kahit tanungin pa manlang s'ya. Anong plano? Hihiga lang ako rito at papanoorin kung paano at bakit problemado ang mukha n'ya?












I Love You?











Bakit parang hindi ko matanggap ang katagang iyan? Bakit hindi ko maramdaman ngayon? Pagmamahal bang matatawag ito? Para siyang malamig na bagay na pag-hinawakan mo ay kusang mababasag. Nakakatakot, nakakatakot magtanong, nakakatakot malaman ang totoo sa likod ng katagang sinabi n'ya kagabi. At ang halik? para saan ito, Miguel? May nagawa ba ako? Para maging ganito ang sitwasyon pagkatapos ng saya mula kagabi, ito ba ang kabayaran sa kaligayahan ng kahapon?








Lumipas pa ang mga oras, hindi ko namalayang naglalakad na pala ako papasok sa resthouse ni Gio bitbit ang ala-ala ng kahapon. Nakarating kami ng pangpang ng walang imikan, ayokong magsalita, ayokong magtanong. Parang bumabaon sa buhangin ang mga paa ko, mabigat na mabigat ang loob ko dahil hindi manlang n'ya ako magawang kausapin. Hindi ko matiis na hindi s'ya titigan. Kaya't minabuti kong hintayin s'ya sa bakuran kung saan tirik na tirik ang araw, wala akong pakialam kung masunog man ako dahil sa sobrang init ng panahon. Kakausapin ko s'ya, hindi ko manlang nasabi sa kanya kung gaano ko s'ya kamahal, kung gaano ko s'ya kayang ipaglaban.





"Alessa?" Napapitlag ako.








"Miguel..." Nasa harapan ko na pala s'ya at kanina pang nakatingin sa pag-eemote ko. Nakaramdam ako ng init sa pisngi ko. Alam kong namula ako sa hiya.








"What are you doing? Come on... mainit na." aniya pa na walang kabuhay buhay.








"Wait..." pinigilan ko ang kamay n'ya ng akmang lalampasan n'ya ako, "Kahit anong mangyari, bukas, sa makalawa, sa mga susunod na araw, buwan, taon... Miguel, Mahal na mahal kita higit pa sa inaakala mo. Kaya kong talikuran ang la..." hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko ng hatakin n'ya ang bewang ko at makulong sa matitipunong bisig n'ya.








"Huwag. Huwag na huwag mong tatalikuran ang lahat para sa akin, Alessa." humiwalay s'ya na may malalam na mga matang nakatitig sa akin, "Hindi ko kakayaning makita kang mas nahihirapan kesa sa akin." ngumiti s'ya bahagya. Ano bang pinagsasasabi nito? "Let's go, kailangan mo ng umuwi." hinila n'ya ako papasok sa resthouse ng hindi manlang binigyan pa ng pagkakataong magsalita.








Uuwi na kami? Ibig sabihin ay tapos na rin ang maliligayang sandaling ito? Iyun ba ang dahilan kung bakit nagmamadali s'yang makauwi kanina? Na halos maiwan ang kaluluwa ko sa ere dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya ng sasakyang pang-dagat? Hindi manlang n'ya ininda ang may kalakihang mga alon at mabilis na hangin. Bakit may kung anong kaba ang tumambol sa dibdib ko? Agad 'kong tinalikuran si Miguel na abala parin sa cellphone n'ya. Umakyat ako sa kwarto at mabilis na kinuha ang cellphone ko, bakit ba nakalimutang 'kong i-on 'to.





"Shit, low battery?" balisa akong nagpalakad lakad sa loob ng kwarto bago hinila ang charger sa tukador, "Come on..." bulong ko pa atsaka ako nakahinga ng maluwag ng magliwanag ang screen ng phone ko. Ilang sandali pa ng sunod sunod na nagsidatingan ang mga messages.





Midnight Lover (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon