19

1K 42 2
                                    

KABANATA 19




"Hi, Miguel..." Bungad ni Deinna ng pagbuksan n'ya ako ng pinto.






"Hi." Humalik ako sa pisngi n'ya bago umalalay sa bewang nito upang makapasok sa loob ng bahay nila. Kailangan kong sanayin ang sarili ko sa ganitong set up.





Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang si Deinna ang girlfriend ko. Hindi ko makita ang sarili ko bilang kasintahan n'ya dahil malayong malayo si Deinna sa tipo ng babae na magugustuhan ko. Maganda, talagang maganda si Deinna. Ito lang yata ang katangiang maipagmamalaki n'ya bukod sa kayaman ng pamilya.





"Good evening po..." Bati ko kay Tito Donn, kaibigan ni Papa. Hindi ako ganoon ka-close sa Daddy n'ya pero masasabi kong mabuti ang pakikitungo n'ya sa amin, lalo na kay Papa. Malapit ang pamilya ko sa mga Hernandez. Simula pa pagkabinata ay magkakilala na si Papa at si Tito Donn. Pero ako, mas pinili kong huwag ilapit ang sarili ko sa kanila lalo na at sa maynila naman ako namamalagi noon.





Umupo ako sa hapag-kainan dahil ito naman talaga ang ipinunta ko dito. Makulit kasi si Deinna, masyadong mapilit at yung katangian n'yang yun ang ayaw ko pero sa tuwing binabalak kong hiwalayan s'ya ay tsaka naman papasok sa eksena ang mga pangarap ni Papa na hindi ko mahindian.





Tahimik lamang akong kumakain at paminsan-minsan ay tumatawa rin sa mga biro ni Tito Donn. Nasa tabi ko naman si Deinna na walang humpay sa pag-aasikaso sa akin. Para akong patay-gutom dahil sa maya't mayang paglalagay nito ng pagkain sa plato ko. Lihim kong hinawakan ang kamay niya ng muling lagyan ng kanin ang plato ko, "Enough..." bulong ko.





"Sorry..." Nahihiya pa siyang nangiti sa akin.





"You're late..." Boses ni Tito Donn.





Bahagya akong napatunghay ng mapansin ang isang babaeng nakasuot ng faded jeans at oversized tee na tahimik lang na lumapit kay Tito at nag-mano. Tumaas bahagya ang kanang kilay ko. Masyadong magalang naman yata ang isang 'to.





Naningkit ang mga mata ko ng mapansin kong nakatitig s'ya sa akin habang nakatayo lamang sa harapan ng lamesa na parang sinusuri ang mukha ko. Tinaasan ko s'ya ng kilay dahil masyadong mapanghusga ang mga mata n'ya. Noon ko lamang napansin na dumako ang mga mata nito sa plato ko na puno ng pagkain.








FVCK! Nakakahiya!








Ngumiti s'ya sa akin! What was that for?





"Sorry, Dad..." Narinig ko pang sabi nito bago muling tumalikod sa amin. Sinundan ko na lamang ng tingin ang dalagitang papalayo.





Alam kong may kapatid na babae si Deinna pero hindi ko inaasahang ganoon kaamo ang mukha nito, magalang at halatang mabait... Well, mukha rin namang mataray! Hinusgahan n'ya ako, ang laman ng plato ko!





Pagtapos kumain ay inaya ako ni Deinna sa salas. Pinag-timpla n'ya pa ako ng kape. Nagkwentuhan kami ni Tito Donn about business, yun naman ang dahilan kung bakit sa dinami rami ng babae sa mundo ay si Deinna pa ang napili ni Papa para sa akin. Simula noon hanggang ngayon laging bukang bibig ni Papa na si Deinna ang babae na babagay sa akin. Kalokohan! Hindi ba pwedeng pumili nalang ako ng iba, yung mahal ko talaga! Hindi iyong ganito!





Tatlong buwan ko ng girlfriend si Deinna... bagay na pinag-sisisihan ko! Bakit nga ba ako naniwala kay Papa na isang ordinaryong date lamang 'yun? Ugh, HAHAHA matinik parin si Papa, nakulong ako sa bitag n'ya! Palibhasa'y alam ni Papa na hindi tulad ni Deinna ang matitipuhan ko kaya't dinaan n'ya ako sa haras! Natatawa nalang ako sa mga kapilyuhan n'ya...








"Mukhang may sira po yata kayo sa ulo..." Napapitlag ako ng makita muli ang maamong mukha n'ya.








"What...?" Napakunot noo naman ako dahil basta nalang ito sumusulpot sa harap ko ng hindi ko namamalayan.





"Ngumi-ngiti ka kasi ng mag-isa eh..." Napangiti naman s'ya bahagya bago naupo sa bakanteng sofa sa harapan ko. Noon ko lang napansing wala si Deinna sa tabi ko, "My name is Alessa and you?" inilahad nito ang kamay n'ya mismo sa harap ng mukha ko. Para akong naestatwa dahil sa kakaibang bilis ng pintig ng puso ko.





Alessa? Bagay sa maamong mukha nito ang pangalan n'ya. Idagdag pa ang malambing nitong boses.





Ugh! Erase! Erase!





"Oh, hmmm okay..." Nagulat ako ng biglang bawiin nito ang kamay n'ya na kanina pang nag-iintay na tanggapin ko. Nagmukha akong bastos dahil sa pagkagulat ko. Bakit nga ba hindi ako nagpakilala? Mas pinili ko pang pagmasdan ang maamo nitong mukha kesa damhin ang palad n'ya? Stupid me!





Naging regular ang pagbisita ko kay Deinna. Every weekend ay sa kanila pa talaga ako nagdi-dinner at minsan naman ay inihahatid ko si Deinna pag hindi ako busy sa work. Pero s'ya ang dahilan ng pagdalaw ko. Upang makita s'ya. Ang maamong mukha at marinig ang malambing n'yang boses. Pero sa twing nasa bahay nila ako ay lagi naman s'yang wala...





Hindi ko manlang nasabi sa kanya ang pangalan ko noong una kaming nagtagpo na labis kong pinagsisihan!





Tulad ng dati, hindi muna ako umuwi pagkatapos kong maghapunan sa tahanan ng mga Hernandez... Iniintay ko s'yang makita ulit, kahit sandali lang... Pakiramdam ko kasi ay nawawala ang pagod ko pagnakikita ko ang maamo n'yang mukha. Tulad noon, ugh! Halos buong araw akong masigla. Ewan ko ba, iba ang epekto ng ngiti n'ya.





"Noong una ay ngumingiti ka ng mag-isa, ngayon naman ay nakatulala ka..." Namilog ang mata ko ng makita ko s'yang nakatitig sa mukha ko habang yakap yakap ang mga librong dala dala n'ya.








Mukhang dininig ni Bathala ang dasal ko ah!








"Hi!" Napatayo ako bigla upang tulungan s'ya pero umiwas lang s'ya sa akin.








"I'm home!!!" Nagulat ako ng sumigaw s'ya, Ahhh! s'ya ata ang may sira sa ulo! Pero... mukhang pagod s'ya at basa pa ng ulan...








"Hi ulit..." Lakas loob kong inilahad ang kamay ko upang magpakilala pero...








"Miguel Aquino, right?" Para s'yang walang kainte-interesado na makilala ako...





Napatango ako bahagya at nakaramdam ng hiya, "Boyfriend ka ni Ate?" Hinubad n'ya ang suot na sapatos na basang basa rin ng ulan.






"Uhmm, yes..." Nangi-ngiti kong nakamot ang batok ko. Bakit ba masyadong seryoso 'to?








Napatulala s'ya sa mukha ko at sa huli ay napangiti ng ubod tamis. Gusto kong mag-wala dahil sa lakas ng pagtambol ng puso ko. Bakit ba ganoon kalakas ang dating n'ya sa mata ko samantalang mukhang dese otso lamang ito! Ugh, Miguel, enough! Masyado kang natutuwa sa mukha ng kapatid ng girlfriend mo.

Midnight Lover (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon