32

1.3K 59 24
                                    

KABANATA 32




"Death anniversary ni Papa sa linggo... uuwi ka na ba talaga?" Napatunghay ako at hindi naitago ang pagkagulat. Isang taon ng wala si Lolo sa linggo at ngayon ko lang naalala 'yun.










"Pag-iisipan ko..." Pagsisinungaling ko kay Mommy pero ang totoo ay mamayang gabi na ang flight ko pabalik ng London.









"Paano ang Cafe? Hindi mo na ba talaga 'yun mababawi kay Miguel?" Napalingon ako kay Ate Deinna.









"Bakit hindi ikaw ang mag-effort para bawiin ang mga bagay bagay na ikaw naman ang may kasalanan?" Bahagya akong ngumiti at muling sinubo ang pagkain. Masyadong maaga para makipagtalo sa kanya.









"Mapagmalaki ka na ngayon porket ikaw ang hinahabol habol ni Miguel... bakit? Hindi mo ba gusto 'yun? O baka naman gustong gusto mo huh! Alessa!" Napatingin ako sa kanya.








Hinampas ko ang lamesa at saka tumayo. Wala akong panahon para makipagtalo sa kanya, "Isipin mo na ang gusto mong isipin tutal ay doon ka naman magaling... hindi ba?" Tinalikuran ko sila.








"Masyado kang mayabang! Bakit? Dahil ba may pera ka na at kaya mo ng magmagaling? Well, sorry to say dahil wala ka paring kwenta! Ni hindi mo nga mabawi ang Cafe..." Tumawa s'ya at sumunod sa akin.








"Deinna... enough!" Si Daddy na hinawakan ang braso ni Ate Deinna.








"Tama na, Deinna... anak." Sumunod rin si Mommy hanggang sa makalabas ng living room.








"Pwede ba, Ate! Huwag mong isumbat sa akin ang mga bagay na ito dahil ikaw ang problema dito!" Tumingin ako ng masama sa kanya habang ito naman ay pinagkrus ang mga bisig at tinaasan pa ako ng kilay.









"Ate... please...." Lumapit sa akin si Kiel, "Tama na."









"Ano sumagot ka, Ate Deinna... ano bang kaya mo pang gawin bukod sa pagdadrugs? Dinamay mo pa iyong mga bible ni Mommy para ano? To show us na nagbago ka na?" Tumawa ako dahil naalala ko iyong unang beses ko s'yang nakitang magbasa noon. Parang ni hawak ng bible ay hindi nito nagawa noon.









Nagulat si Ate Deinna dahil sa sinabi ko kaya naman sinugod n'ya ako para sampalin but sorry, hinding hindi na lalapat ang mga kamay n'ya sa mukha ko. Hindi ngayon, hindi kailanman! Sinalag ko ang kamay n'ya at saka itinulak. Inawat siya ni Daddy habang si Mommy naman ay hinawakan ako ganoon rin si Kiel.









"Akala mo ba ay gusto ko ang buhay na ito, huh! Well, nagkakamali ka! Nagkakamali kayong lahat!" Sigaw n'ya at saka sinalag ang kamay ni Daddy, "Hirap na hirap na akong makisama sa pamilyang ito! Do you really think na ang saya saya ko, Alessa! Kahit kailan ay hindi ko pinangarap maging anak lang sa pagkakamali! Hirap na hirap akong makihati sa pagmamahal ni Daddy, sa pagmamahal ni Mommy! Ni Kiel! Dahil sino ba naman ako sa pamilyang ito! Sino ba naman ako? Kundi isang anak lang sa labas ni Daddy! Thanks to you, Mom! Tinuring mo parin akong anak kahit hindi naman talaga! Tinanggap mo parin ako kahit anak lang ako ni Daddy sa kung sinumang babae! Minahal mo parin ako kahit dumating na si Alessa, tapos may Kiel pa!" Tumulo ang luha n'ya bago tumawa, "Ano masaya ka na, Alessa? Dapat magpaparty ka na dahil bukod sa nasayo ang atensyon ng lahat, nasayo narin ang atensyon ni Daddy! At si Miguel? Siya nalang ang tanging alas ko para mas lalong maging proud sa'kin si Daddy dahil sino ba naman ang aayaw sa gracia! Sa sobrang yaman ni Miguel kahit iwan ko ang pamilyang 'to ay mabubuhay ako! Pero anong ginawa mo? Napaibig mo rin s'ya! Tulad kung paano mo inagaw lahat ng atensyon ng mga tao na dapat ay nasa akin! Si Lolo, si Lola! Ikaw nalang palagi ang magaling! Matalino! Ikaw nalang palagi ang bida!" Humikbi s'ya.









Midnight Lover (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon