Chapter 15: The Stones
The Kingdom arm force is divided into various teams; Highest rank——team Alpha followed by the team Bravo, Special Officers, Uniformed Division Officers, Uniformed Division Technicians, Emergency Officers, Counter Sniper and Archer team, and Counter Assault team are some of the groups that make up this organization. Everyone is led by the team Alpha in various ways, whereas the Team Bravo follows the Team Alpha.
Ang team Alpha ang hinahangad ng lahat, ng karamihan, maliban sa akin na gusto na lamang makapasok sa sandatahang lakas dahil kinakailangan. Gayong gusto ko ring makapasok sa Alpha team ngunit sa tingin ko'y malabo iyong mangyari.
Sino ba naman ang hindi gustong makasali sa Team Alpha? Sila ang boss ng sandatahang lakas, nagagawa nila ang gusto nilang gawin. At naipapagawa nila ang gusto nilang ipagawa sa mga nasasakupan nila. Sila ang nangunguna sa sandatahang lakas, kaya naman pahirapan talaga bago makuha ang posisyon na iyon.
Minsan nang nakasali ang Papa ko sa labanan para sa Team Alpha at Bravo, ngunit nakapasok lang siya sa Bravo dahil natalo daw ang team nila. Kung hindi siya nakapasok sa team Alpha, paano pa ako? Tingin ko'y mananatili na lamang itong isang panaginip at hangarin sa akin.
Sa test palang na ito, malabo ko nang mahanap ang mga bato. Marami kaming maghahanap, swerte nalang kung mahulugan ako ng isa. Pero sa tingin ko'y imposible rin dahil aagawin ang batong makukuha ko ng makakakita sa akin.
"Move!" Isang pitik sa aking noo ang ginawa ni Hunter. "Bakit ba ang hilig mong matulala? Alam mo bang maaari mong ikamatay yan?"
Sinamaan ko siya ng tingin, "Pake mo ba. Mauna ka na!"
Umiling-iling lang siya at ngumisi saka nauna nang humakbang, "Hindi ko nga maintindihan kung bakit ka pinayagan na makasali dito eh hindi ka naman pwede dito."
"Bakit hindi? Wala namang sinabing bawal ang babae ah! Kayo lang naman ang nag-iisip na bawal, mindset niyo kasi mahihina kami."
Hindi na nagsalita si Hunter, siguro'y tinamaan siya sa sinabi ko. Lahat nang naroroon ay kanya-kanya nang hanap, mayroong umaakyat sa mga puno upang makita ang bahagyang kabuuan ng kagubatan. Mayroong nagpapahinga na lang, mayroon ding simpleng naglalakad na lang at umaasa sa suwerteng mahuhulugan ng bato.
Nakasunod lang ako kay Hunter. Hindi ko nga alam kung bakit sumusunod ako sa kaniya, pwede naman akong mag-iba ng daan. Perhaps, he helped me a lot earlier that's why my mind already trusted him a bit.
"But seriously, why are you here?" Malumanay at puno ng kuryusidad na tanong ni Hunter habang lumilinga-linga sa paligid.
Napayuko ako, "walang lalaki sa amin maliban sa Papa ko na matanda na. Buong buhay na niya siyang nagsilbi sa sandatahang lakas, umuuwi siyang may bali. Nakapagtataka nga dahil wala namang bali kung umuuwi ang ibang galing sa palasyo, pero ang Papa ko mayroon. Kaya naman nagprisinta na ako. Bukod sa ayoko nang mahirapan ang papa ko, gusto ko ring malaman ang dahilan kung bakit baldado siyang umuuwi."
"Tulad nga ng sinabi mo, matanda na s'ya. Mahihina na ang buto ng mga matatanda, mabilis silang mabalian sa trainings kumpara sa mga mas bata sa kanila."
Lumingon ako kay Hunter, "Siguro nga."
Pero hindi ako doon kuntento, gusto ko paring malaman ang katotohanan. I have no idea why this eagerness is killing me, like I have something to know, to unravel. Alam kong may dahilan kung bakit ako nakarating dito, ang sumisidhing damdaming ito na hindi ko maipaliwanag ay kailangan kong malutas.
Hindi ko alam kung ano, ngunit may pakiramdam akong malalaman ko. There will always be this instinct of yours that actually kills due to curiosity. That's why even if it's perilous, you'll take the risk to satisfy your grudge.
BINABASA MO ANG
Unveiling Valor (PSS, #3) ✔️
FantasyFormer Title: FURY Kornalina, an unpresented hybrid has no other choice but to join the death and life Alpha Cup to save her family. Defying the fact that women are discriminated in the Kingdom of Fatum, she vows to be brave and change that percept...