Chapter 13: The Buggebrids

1.3K 94 2
                                    

Chapter 13: The Buggebrids

Everyone became hasty. Mabilis na bumukas ang pinto, animo'y automatic na iyon. Kumilos na rin ako upang magmasid mula sa bintana. At ganoon na lamang ang gulat ko nang mapagtantong sa luma at limot na bundok ng Fatum kami naroroon.

Wala talagang imposible sa palasyo. Malaya nilang nagagawa ang kanilang gusto. Kahit na tren at buhay ng tao handa nilang pasabugin, at syempre gagawa rin ng paraan ang bawat isa na makalabas sa tren bago ito sumabog kahit na huwag makasakay sa mga ibon ba tinutukoy nila. Ang mindset na ng iba rito'y makalabas sa tren upang huwag sumabog ay umuwi na lang.

Dahil ganoon na rin mismo ang naiisip ko. Wala akong nakikitang pag-asa para sa sarili ko. Patungo kami sa tuktok ng isang bundok na animo'y kinalimutan na ng Kaharian. Kaya pala luma na ang tren na sinasakyan namin, dahil ibabasura na rin nila ito pagkatapos.

Hindi ko lang napansin na buhay pa pala ang lumang daanan ng tren sa lumang bundok ng Fatum. Nakakamangha ang palasyo, talagang hindi ko na alam kung ano ang nangyayari doon. Dating nagtatrabaho doon ang tatay ko, ngunit ilang beses lang akong nakapunta roon at ang mas nakakamangha ay wala akong matandaang ala-ala sa palasyo. Animo'y sinadyang maalis ang mga ala-ala ko sa palasyo matapos kaming umalis sa Mileage at nanirahan sa Heimdall. Ngunit katulad ng sinabi ko'y walang imposible sa palasyo. Katulad ngayon.

"What the freaking heck?"

Nagsisiliparan na sa paligid ang sandamakmak at naglalakihang ibon na dapat naming sakyan upang makapunta sa sunod na estasyon. Ngunit ang tanong ay paano namin maaabot ang mga ibon na iyon?

"Paano naman natin mapapababa ang mga ibon na yan? Napakatanga naman ng palasyo!" Reklamo ng isa sa loob ng tren.

"Uuwi nalang ako! Wala na akong pakialam kung magsilbi ako sa Kaharian sa pamamagitan ng ibang gawain, hindi ako papasok sa sandatahang lakas!" Umiiyak naman na reklamo ng isa pa.

"Ayoko naman talagang sumama rito! Kinailangan ko lang kasi ako ang panganay!"

Sa kalagitnaan ng reklamo nila'y dumagundong ang tinig ng isang malaking lalaki, "Itigil niyo iyang pagrereklamo niyo! Mag-isip kayo ng paraan para makaligtas rito! Hindi kayo maliligtas ng pag-iyak-iyak ninyo! Sana'y umatras nalang kayo sa una pa lang at piniling magsilbi sa mga bayan niyo!"

"Argh!" Tuluyan nang nagwala iyong isa kaya naman napakilos kami upang umiwas, "Ayokong maging alipin ng palasyo! Kailangan kong sumama, pero ayoko!"

Mas lalo kaming napaatras nang suntikin ang nagwawalang iyon ng maskuladong lalaki. Walang pasabing napatumba iyong nagrereklamo, hindi pa nakontento iyong maskulado at dinaganan pa ang nagrereklamong lalaki habang nakaamba ng isa pang pansuntok.

"Ang dami mong ayaw. Lahat tayo dito nagkakanya-kanya upang makaligtas, kung susuko ka kaagad wala talagang mangyayari sa'yo! Bakit hindi ka muna sumubok bago magreklamo?"

"Tangina mo! Sino ka ba?" Reklamo ng lalaking nasa ilalim ng maskulado, nagiging agresibo na ito at nagsisimulang magpalit ng anyo.

Ngunit halatang sanay na sanay na iyong maskulado, umalulong ito na parang Koyote. Lahat kami'y mas lalong napaatras dahil sa tumataas na tensyon. Ang nagrereklamong lalaki ay tuluyang nanahimik at nanghihinang bumagsak sa ilalim. Ayaw pa sana nitong sumuko ngunit isang tadyak lamang ang ginawa niyong maskuladong lalaki na parang Koyote pagkatapos ay nanahimik na ito.

"Wag na kayong magreklamo. Alamin niyo kung paano mapapababa ang mga kinanginang ibon na yan!" Sigaw nito at sumilip mula sa pinto.

Nagsikilos naman na muli ang bawat isa, maliban sa akin na hindi parin lubusang naiintindihan ang nangyayari. Muntik nang may magbugbugan sa tren na kinaroroonan ko, gagawa pa kami ng paraan upang mapababa ang mga ibon, ni wala nga kaming ideya kung paano iyon gagawin.

Unveiling Valor (PSS, #3) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon