[Introduction on 3rd POV, the rest of the story will be on 1st POV.]
ITINAAS NIYA ang dagger na nakuha niya sa bulsa ng kaniyang ama at walang takot na pinaglaruan gamit ang kaniyang malambot na kamay. Maraming kagamitan at patalim ang kaniyang ama, siguro'y dahil na rin sa Palasyo ito nagtratrabaho bilang chevalier kaya ganoon.
Hilig niya ang maglaro ng mga sandata o patalim. Sa tuwing nakikita niya ang kaniyang ama na nag-eensayo sa training room ng kanilang bahay ay tahimik at pasikreto siyang sumasabay sa kabilang silid. At sa paulit-ulit at araw-araw niyang pagsabay ay tuluyan niya nang nakuha ang mga technique sa paggamit ng armas at pagdepensa sa sarili.
Disiplina, ito ang pinakaunang kailangan sa lahat. Kapag disiplinado ka, makukuha mo ang routine at magagawa mo ng maayos ang practice. Alas kwatro pa lamang ay gising na ang kaniyang ama, kaya naman sinanay niya ang kaniyang body clock na gumising nang alas kwatro ng umaga upang sumabay sa pag-eensayo. Nagpapatuloy iyon hanggang sa tuluyan nang sumikat ang araw, nakaluto na rin ang kaniyang ina sa mga oras na 'yon; alas sais na.
Tutungo na ang kaniyang ama sa palasyo upang magtrabaho. Itatago niya ang isang dagger nito upang pag-aralan maghapon. At sa buong maghapon, maliban sa mag-aral ay wala siyang ibang ginagawa kung hindi ang paglaruan at aralin ang iba't-ibang combat techniques na nakuha niya sa kaniyang ama.
Siya lamang siguro ang batang babaeng may interes sa patalim o pakikipaglaban. Madalas ang mga katulad niya ay naglalaro ng bahay-bahayan at kasal-kasalan sa gilid ng daan. Ngunit hindi siya ganoon, mas babad siya sa pag-aaral ng martial arts at weapon techniques.
Iyon ang kanilang normal na buhay sa Mileage, ngunit isang araw ay biglang nagbago ang lahat. Bumalik na lamang ang kaniyang ama mula sa palasyo na may dalang masamang balita;
"Aalis tayo rito, pupunta tayong Heimdall. Lalayo tayo sa palasyo." Sabi ng kaniyang ama. Hanggang sa dumating ang takdang araw nang kanilang pag-alis, at ngayon ang araw na 'yon.
"Maayos na ba lahat?" Tanong ng kaniyang buntis na ina.
The sun was setting fine, but the small Feline family couldn't be more hasty of leaving the nearest town from the Palace, Mileage. They were packing everything, and the innocent girl she is from behind doesn't have any clue of why they were leaving.
All she know is that, her father got fired so they need to transfer at Heimdall for a new life at peace. They couldn't live at Mileage in sereneness anymore, and the innocent girl she is seemed not to care. She's clueless. Ano'ng nangyari? Bakit natanggal sa trabaho ang kaniyang ama? At bakit kailangan nilang lumipat?
"Ang espada, Nonie?" Tanong ng kaniyang ama.
"Naririto." Sagot naman ng kaniyang ina at nilingon ang siyang tahimik na naghihintay. Nagbuntong hininga ito, "anak mauna ka na sa karwahe."
"Sige po," ang tangi niyang sagot. Sa gitna nang pagiging abala ng kaniyang mga magulang ay maigi naman siyang sumunod. Hindi niya inaasahang haharangin siya ng isa pang batang tulad niya na halos maghapon niyang kalaro noon; si Isaiah.
His hazel eyes were glimmering beneath the sun, kahanga-hangang mahahaba ang pilik mata nito, napakagandang pagmasdan. He's one referred to as cute, siguradong paglaki ni Isaiah ay magiging gwapo ito. Matangos ang ilong, natural na mapula ang mga labi, moreno, at anak mayaman.
"Isaiah..." Malungkot niyang bati sa batang lalaki. Si Isaiah, ang kaniyang lalaking kaibigan. Hindi siya madaling makipagkaibigan, mahina siyang makipag socialize ngunit si Isaiah na mismo ang nag approach sa kaniya at malaking bagay 'yon dahil nagkaroon siya ng kalaro.
"Aalis kayo?" Tanong nito habang sinasamahan siyang makarating sa karwahe.
"Lilipat kami sa Heimdall, Isaiah."
Nahinto ito sa paglalakad at tinitigan siya nang matagal.
"Iiwan mo ako? Diba sabi mo walang iwanan!" Halos lumuha na ang bata, "bakit ka aalis? Nakukulangan ka ba sa kaibigan? Gagagawin ko ang lahat para sa'yo, hahanap pa tayo ng maraming kaibigan. 'Wag mo 'kong iiwan!"
Nagbuntong hininga siya, "magkikita pa naman tayo."
Ito lang ang problema kay Isaiah, masyadong iyakin. Mas madali pa 'tong umiyak kaysa kaniya.
"Iiwan mo ako..." Malungkot nitong sabi at pinigilan ang mga kamay niya upang huwag siyang makapasok sa karwahe, "'wag! Maglalaro pa tayo. Wala na akong kalaro!"
"Marami kang kalaro, Isaiah. Maraming gustong makipagkaibigan sa'yo. Gusto ka nila!" Sagot niya.
Umiling-iling ang batang lalaki, "eh ikaw lang ang gusto kong kalaro. Ikaw lang ang may lakas loob humawak ng palaka eh!"
"Edi mag-aral ka kung paano humawak ng palaka." Sagot niya at umirap. Kapag kasi may binabato sa kanilang palaka galing sa ibang mga bata siya lang ang may lakas loob na humawak at magtanggal nito.
"Ayoko, 'wag ka na lang umalis para turuan ako. Wala na rin sasangga sa aso kapag hinabol ako!" Iyak pa nito.
"Ayoko na ring gawing shield 'no, maduga ka!"
"Basta 'wag kang aalis."
Umiling-iling siya, "kailangan daw naming umalis, 'e."
Walang nagawa ang batang lalaki kundi hayaan ang batang babaeng pumasok sa karwahe. Mabilis ang pangyayari, pagdating ng mag-asawa ay agad ring pinaandar ang karwahe upang umalis. Hindi sila nagkaroon ng mabuting pag-uusap bago nakapagpaalam sa isa't-isa. Isang kaway lang ang ginawa niya kay Isaiah at hindi niya naman inakalang iyon na rin pala ang magiging huli.
Tuluyan na silang umalis.
It was actually just a normal port forth leaves, aside from watching both of the children cry in sadness because they were separated. But the little girl became curious all of a sudden. She don't understand why his father got fired. She had been to the palace once, and that was the first and last time she had been in that place.
She even forgot what she did there or what was it like being there, like she was totally clueless. All she know is she sat foot, no memories of the scenes and whatever circumstance happened. How could it be? She thought everything was fine, until the day of leaving Mileage came. They needed to leave for a new life at Heimdall.
"Bakit po tayo aalis?" Hindi napigilang tanong niya.
Lumingon ang kaniyang Ina, "minsan kailangan nating lumayo para makamit ang payapa at tahimik na buhay. Mauunawaan mo rin, anak."
"Ang espada, Nonie? Nandyan?" Tanong ulit ng kaniyang ama, naninigurado.
"Nandito, Louie."
Nagbuntong hininga ang kaniyang Ama; "Kalimutan na natin ang palasyo, maging ang lugar na 'to. Anumang komunikasyon o koneksyon galing sa palasyo ay ipagbabawal ko. Sa Heimdall, normal na mamamayan tayo."
Why? What's wrong? Why all of a sudden? What is going on?
"Kinakailangan nating maghanda. Isusulong na nila ang incursion, mandatory ito at walang makakaligtas."
®All Rights Reserved
©LabLovely
BINABASA MO ANG
Unveiling Valor (PSS, #3) ✔️
FantasíaFormer Title: FURY Kornalina, an unpresented hybrid has no other choice but to join the death and life Alpha Cup to save her family. Defying the fact that women are discriminated in the Kingdom of Fatum, she vows to be brave and change that percept...