Chapter 10: First Test

1.4K 100 2
                                    

Chapter 10: First Test

Unang hakbang ko pa lamang papasok sa loob ng malaking sasakyang iyon ay napalingon na sa akin ang lahat. Mukha iyong truck ngunit doble sa sukat nito ang sasakyan kaya marami kami sa loob. Maingat na tumunog ang lumang espadang nakatago sa loob ng aking kapa. Tahimik akong nanginig dahil sa kaba.

Shit. Bawal ba ang magdala ng sandata? Mabilis akong napaupo sa gilid ng malaking sasakyan na iyon. Hindi pa rin nawawala ang paningin ng lahat sa akin. Nangatog ako bago nakapasok sa sasakyan na ito, maaalis pa ba ang pangangatog ko kung hindi maalis alis sa akin ang paningin nila?

Hindi parin maalis sa isip ko iyong pangmamaliit sa akin niyong sentry, maging ang mga ngisi ng babaeng iyon ay hindi ko rin nagustuhan. Paano nga ba kami aangat kung kapwa babae ko mismo ay minamaliit ako? Sa halip na panglakasan ako ng loob pinanghihinaan lang ako.

Napayuko ako at mas lalong itinago ang sarili. Lahat ng naroroon ay lalaking hybrid. Ako lang talaga ang babae. Nasisiguro kong hindi pa nila ako napapansin na babae dahil balot na balot ako. Bago ako pumasok ay muli kong binalot ang sarili ko ng kapa at ng talukbong nito.

"Boy, taga dito ka sa Heimdall?"

Dinig kong tanong ng katabi ko. Hindi ako kumibo, inisip ko na lamang na hindi ako ang kausap niya. Nakakaramdam ako ng takot kahit papa'no. At hindi sapat ang kapang bumabalot sa akin upang tuluyang itago ang takot, kaba at pangangamba na nararamdaman ko. Should I just back out? No, never. I will not fail my family, ginusto ko 'to at paninindigan ko 'to.

"Boy," tawag na muli ng lalaking nasa tabi ko. Tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon. Mas lalo akong napayuko at napahawak ng mahigpit sa espada ko.

"Totoo bang talamak ang nakawan rito?"

Muli akong tumango. Bakit ba ang daming tanong ng lalaking 'to? At sa lahat ng naririto bakit ako pa? Well, that's probably because I'm next to him. Hinahabol nga ba talaga ako ng kamalasan?

"Dapat ipaalam 'to sa palasyo. Parang wala silang pakialam sa maliit na nayon na 'to ah." Sabi pa nito.

Hindi alam ng palasyo? Imposibleng hindi nila alam. They have all the resources in Fatum, they should atleast know the crisis Heimdall is facing. Or they already know, they're not just doing something-- but why? Whatever it is, it's not in my area anymore. I should think of my problem here. I need to survive.

"Oh shh--" Muntik pa akong mapamura nang kumalabog ang sasakyan. Napahawak ako sa sahig nito upang alalayan ang sarili. Hindi lang ako ang nagulat at napamura, halos lahat ng naroroon ay napakislot nang kumilos ang sasakyan.

"Ano na?" Nalilitong tanong ng katabi ko. "Ano nang nangyayari?"

"Aalis na ata tayo." Sagot naman niyong isa.

Nakaramdam ako ng panginginig. Kumalabog ang puso ko. Aalis na kami, at kasama ko ang mga nilalang na hindi ko kilala. I felt like I'm amidst the darkness surrounded by unknown shadows, I have no idea if they're harmful or not. I have no idea if I'd be able to dodge them whenever they attack, but I'm pretty sure they'll fade with my light.

Napaatras ako nang mapagtantong gumagalaw na ang sasakyan. At nakumpirma namin iyon nang mapansing lumalayo na kami sa Heimdall. Natipon na ang mga panganay na lalaki sa aming Nayon at ngayon nga'y palayo na kami.

"Saan na 'to patungo?" Tanong ng isa sa loob. "Hindi ko alam, pero nasisiguro kong may pakulo na naman sila."

"Ano'ng klase ba ang mga pakulo nila?"

"Pfft," dinig kong reaksyon ng isang lalaking nasisiguro kong nasa harap ko lang din at nakaupo.

Tahimik akong napaangat ng aking mukha upang tingnan ang taong iyon. Ganoon na lamang ako pinagtaasan ng mga buhok sa katawan nang mahuli itong nakatitig sa akin. Mabilis akong napayuko upang bawiin ang aking paningin. Nasisiguro kong nasa kaniya na rin ang paningin ng lahat dahil sa ginawa niyang reaksyon. Hindi ko makuha, bakit siya nakatitig sa akin? Napansin niya kayang masyado akong weirdo?

"Bakit boy? Ano'ng nginingisi-ngisi mo d'yan, may nakakatawa ba?"

Dinig kong muling ngumisi iyong lalaki; "Damn this incursion. No exemptions huh, very nice."

Dama kong nakatitig parin siya sa akin. Mas lalo akong nanginig sa sinabi niya. Ano ang ibig niyang sabihin? Marahan kong iniangat ang aking paningin upang tingnan siya. Hindi parin nawawala sa akin ang kaniyang paningin, ngunit buong tapang ko iyong sinalubong.

Tumango-tango ito; "I wonder how would you survive with the tests here."

Doon ako mas lalong nanginig. Mukhang ako ang pinaparinggan niya ng mga katagang iyon. Alam niya na bang hindi ako katulad nila?

"Bakit?" Tanong ng lalaking katabi ko.

"This is insane. The palace has their own styles of simply killing us." Nakangising sagot niyong lalaki atsaka pumikit. "Don't ask me, I'm tired." Dugtong nito.

Napabuntong hininga ako. Nawala na ang titig niya sa akin ngunit hindi parin nawawala ang takot sa puso ko. Hindi ko alam kung bakit ngunit pakiramdam ko'y para sa akin ang mga sinabi niyang iyon. Binabalaan niya ba ako?

Sandaling natahimik ang lahat sa loob. Malamang ay may kanya-kanya na ring iniisip ang bawat isa. Siguro'y ang mga pamilya nilang naiwan, o kaya'y kung ano ang buhay na naghihintay sa training. Kung makakapasa ba sa pagsusulit, o makakapasok sa sandatahang lakas ng kompleto ang katawan.

Makakalabas kaya ako ng buhay? Iyon ang aking katanungan. Makakalabas kaya ako ng buhay? Hindi ko alam kung bakit iyon ang katanungan ko kung dapat ay iniisip ko muna kung makakapasok ba ako. Ang katahimikang iyon ay mabilis na nabasag nang dumagundong ang isang tinig mula sa sasakyan na nagbigay gulat sa aming lahat.

"Attention."

"Ay put-- ano ba!" Reaksyon ng mga kasama ko sa loob nang biglang tumunog ang sasakyan.

"Attention." Sabi pa ng sasakyan. Nang lingunin ko ang kanto nito'y may nakalagay doong trumpeta ng speaker, doon nagmumula ang tinig. "Whoever survives this test will go to the next level. And whoever survives at the next levels will be joining the quest for the Alpha cup."

What? Levels? Why does this have levels? Is this a game? Mabilis akong kumilos nang huminto ang sasakyan. Lahat kami ay napalingon sa labas, bukas ang pinto ng sasakyang iyon kaya kitang-kita namin ang lugar na kinaroroonan namin. Lahat kami ay nagtaka, nalito kung bakit kami nasa lugar na iyon.

"Akala ko ba'y patungo tayo sa palasyo? Bakit nila tayo inilayo?" Tanong ng mga kasama ko sa loob. "Nasa dulo na 'to ng Heimdall ah, masyado na tayong malayo sa palasyo."

"Oo nga, akala ko ba'y doon tayo patungo? Pinagloloko yata tayo ng mga opisyal na 'to eh."

Nagsimulang bumilis ang aking paghinga. Mukhang alam ko na kung saan patutungo ito. Ito ang unang pagsubok, at luging-lugi ako. Nasa dulo na kami ng Heimdall. At mukhang isang paligsahan ang makarating sa dapat naming puntahan.

"Again, attention. Whoever survives in this test will go to the next level. And whoever survives at the next levels will be joining the quest for the Alpha position." Muling sabi ng speaker sa sasakyang iyon.

"The train will leave after 30 minutes. Everyone must reach the train, so you need to go to Mileage train station before it leaves. Whoever survive will continue to the next level. The next test will be announced on the train. See you there, good luck."

Lahat kami'y natahimik nang huminto ang sasakyan at ang nagsasalita.

"Putangina naman." Dinig kong bulong ng katabi ko. "Seryoso ba sila dito?"

"Imposibleng makarating tayo sa Mileage sa loob ng tatlumpung minuto. Tatlong oras ang biyahe patungo roon!"

Muli kong narinig ang pagngisi ng lalaking nasa harapan ko. "Unless you have a very great endurance... and speed."

Napalunok ako. Nasisiguro kong ang lahat ay naghihintay na lamang panimulang hudyat, at sa hudyat na iyon magsisimula ang suliranin ko.

"Everyone. Get to the train within 30 minutes. And your time, starts now."

Unveiling Valor (PSS, #3) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon