Chapter 5: The Incursion

1.5K 115 1
                                    

Chapter 5: The Incursion

Mabilis akong kumawala sa kaniyang mga bisig at itinulak siya palayo. Ganoon na lamang ang pag-init ng ulo ko, naramdaman ko ang pagsakit niyon. Napahawak ako ng mariin sa aking sintido habang pinipilit na tumayo.

I never thought that I'd have this kind of ability, I'm not even sure if my hunch is right. But to be honest, I'm terrified. I have no idea what would be the use of this in my life but I'm already scared. Wala sa pamilya namin ang may abilidad na ganito, we are a family of healers at hindi namin forte ang soothsaying kaya naman nangangamba at naninibago ako.

"Ano ba ang problema mo?" Ramdam ko ang pagiging problemado ni Salathiel. Malamang ay nagtataka siya dahil bigla kong nalaman ang kaniyang pangalan maging ang kanyang gawain. Siya nga ay nagtataka, paano pa ako? Paano pa akong sasabog na ngayon ang ulo sa pagkalito? Gusto ko na lamang sumabog sa pagkalito.

"How did you know my name? At putangina? Pinagbibintangan mo akong magnanakaw?"

Matalim akong tumitig sa kaniya habang pilit na nilalabanan ang sakit ng ulo, "You stole a wristwatch. Kaya ka hinahabol nang grupo ng Sypher na iyon."

Nakita ko kung paano gumuhit ang gulat sa kaniyang mukha kasabay ng kaniyang paglingon sa kaniyang bulsa.

"I didn't steal anything." Madiin niyang sabi. "Ang wristwatch na tinutukoy mo'y hindi rin pag-aari ni Sypher. Ibabalik ko lang rin 'to sa tunay na may-ari."

Ganoon na lamang ako nagulat. So totoo nga ang nakita ko? Batid ko ang pagkairita niya ngunit kumawala lamang siya ng isang malalim na buntong hininga. Tumitig siya sa akin at nagsabi; "Look, I don't have much time. There will be an incursion at sunrise, nagmamadali ako pabalik sa Heimdall-"

Ganoon na lamang nayanig ang mundo.

"Ano?" Bulyaw ko na ikinagulat niya. "Incursion?"

"You don't look fine at all. Kung hindi ka sasama sa akin pabalik sa Heimdall bahala ka na pero babalik na ako." Seryoso niyang sabi. Mabilis siyang humakbang paalis ngunit agad rin akong tumakbo upang harangan siya, bigla ay natakot akong humawak dahil baka tuluyan na akong mabaliw.

"Sigurado ka bang bukas na ang incursion?"

Huminto siya sa paglalakad at tumitig sa akin, "Oo. Saka ano bang problema mo, labas ka na doon. Hindi ka naman lalaki."

"Shit! Saan ang daan pabalik sa Heimdall?" Taranta kong tanong. Saan n'ya na ba kasi ako dinala at parang napalayo na ako sa Heimdall. Hindi na sakop ng mastery ko ang lugar na 'to, baka hindi ko maabutan ang incursion.

"Ano bang problema mo? Problema na ng lalaki sa bahay niyo ang incursion-"

"Iyon na nga!" Sigaw ko at napapikit ng mariin. "Damn it!"

Mabilis akong tumakbo sa kung saan at pilit na inaniag ang daan. Kailangan kong makabalik. Kung ano man ang nakita ko, ang nangyari sa akin, kailangan ko muna iyong kalimutan at ituon ang atensyon ko sa kaligtasan ng aking pamilya. Wala akong oras para isipin ang problema ko sa aking sarili. Kailangan kong masiguro ang kaligtasan ng pamilya ko.


Hindi ko naiintindihan kung ano ang nangyari sa akin at nakita ko ang nakaraan ni Salathiel ngunit hindi iyon ang dapat kong problemahin ngayon. Bakit ba hindi ko alam na mangyayari ang incursion? Labis labis na problema na ang hinaharap ko. Hindi lang sa pamilya kundi pati na rin sa sarili ko. Baka tuluyan na akong mabaliw nito.

Unveiling Valor (PSS, #3) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon