Chapter 19: A Call

1.3K 98 8
                                    

Chapter 19: A Call

"HOLY-"

I felt a pair of arms snaked around my waist, and for another moment I felt myself lifting from the ground. Captain Onyx carried me as he jumped away from our post position! Saktong pagkaalis namin sa lupang iyon ay bumagsak iyong bomba at sumabog, nayanig ang lupa at nahati ang ilang parte nito. Kung hindi pa ako inagaw ni Captain sa posisyon na iyon ay literal na akong mamamatay.

"What the hell are you spacing out for? I've told you to be attentive right?" Sigaw niya habang bumubulusok pababa.

Nangunot ang noo ko. Nadoble rin ang pagkalabog ng dibdib ko sa magkahalong pakiramdam. I was just shocked, hindi ko naman intensyon na manatili roon. Captain Onyx's stare is making me insane. Tila ako niyon pinipilit na makaramdam ng inis, takot, pangamba, kaya nakaramdam ako bigla ng pagsisisi na dumeretso pa ako, nalungkot dahil iyon pa lamang ay nagulat na ako na ako at pinanghihinaan ng loob.

"I'm not spacing out! Nagulat lang ako!" Giit ko.

"Sana pala talaga ay hindi na kita isinama dito, at sana'y ibinigay mo nalang sa may kaya ang batong nakuha mo!" Dagdag pa ni Captain habang ibinababa ako.

"E 'di sorry," wala akong ibang nasabi.

Mariin akong hinawakan ni Captain sa balikat. "Ayoko ng umiiyak. Bawal ang iyakin sa grupo ko."

Kinagat ko ang labi ko at tumango-tango saka huminga ng malalim. "Copy, captain."

"Ayoko ng mahina. Ayoko ng tunganga, ayoko ng tulala, ayoko ng lutang, ayoko ng tanga. Naiintindihan mo ba 'yon?"

"Hindi ako—" akma na sana akong papatol pero pinigilan ko ang sarili ko. Mas lalong bumigat ang dibdib ko, namuo na ng luha sa mga mata ko hindi dahil sa takot kundi dahil sa nararamdaman kong pagtrato niya sa'kin. Tumango-tango ako at muling huminga ng malalim.

"Copy, Captain!"

He's burning, he's all mad. I can see it in his expression, at hindi ko siya masisisi kung ganoon ang iaasta niya sa akin. He's expecting a lot. But can he be more considerate since this is my first time?

"Fuck!" He said as he let go of my shoulders. "Let's go now!"

Now I have to reach his standards. I have to become stronger and braver to prove him I deserve to be here.

"Stop spacing out! Let's go!"

Sa hindi malamang dahilan ay nabuhay ang animo'y natutulog kong dugo. Pumasok sa utak ko ang paraan ng pakikipagtagisan ko noon sa gubat, ang mga itinuro sa akin ng aking Ama, ang paraan ng paggamit ko ng aking kakayahan noon-- lahat ng iyon ay pumasok sa utak ko. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong naging aktibo, animo'y nagsisimula nang mabuhay ang anyong matagal na natutulog sa aking katawan.

"What are you doing? Let's go!" Sigaw na muli ni Captain. Nang lingunin ko siya'y nakita ko ang gulat sa kaniyang mukha, animo'y may nakitang kakaiba sa akin.

"What is your problem?"

I growled all of a sudden. "Find the transportalis. I'll lure them!" I yelled with my strength suddenly firing up inside me.

"What the hell--"

I roared in no time making Captain Onyx stood still in confusion. "With all due respect just do it, Captain!"

"Alright!" Sigaw nito at tiningnan ang mapa upang hanapin ang lugar na kinaroroonan transportalis.

"Kaya pala nandito sila, nandidito ang mga transportalis!" Bulalas ni Captain at tumakbo sa isang lugar. "Follow me!"

Sumunod naman ako habang lumilinga-linga sa likuran upang dumepensa. Hindi ko naiintindihan kung bakit tila nabubuhay ang isa pang puso sa aking loob, mas malakas, mas matapang, ngunit hindi ko makontrol, nagpupumilit na lumabas ngunit hindi ko tuluyang mapalabas. The beast inside me is finally awakening after a very long sleep. I can feel my body heating up all the way from my insides.

Unveiling Valor (PSS, #3) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon