Chapter 16: The Team
Hindi namin napansin ang oras, masyado kaming abala sa mga dapat naming gawin. Kaya naman kung hindi sumikat ang araw ay hindi ko mapapansing umaga na. Malayang tumatama sa aking mukha ang sinag ng araw, ngunit wala akong pakialam. Ni hindi na ako nag-abala upang takpan ang aking mukha o iwasan ito.
Nakatuon lang ang atensyon ko sa pagtakbo. Pilit pang inagaw sa akin ng lalaking usa ang bato, ngunit mabilis na akong tumakbo palayo. At katulad ng anunsyong aking narinig ay sumunod ako sa kung saang lugar ako dalhin ng bato. Malakas ang hatak ng bato, ibig sabihin lamang ay hinahanap nito ang mga kasama nito, at iyon na ang team na bubuo sa labanan para sa Alpha Cup.
I did different leaps over the trees to avoid the guy chasing me. Dahil nga sa hybrid ako, kahit na hindi pa ako nagpapalit ng anyo ay madali akong nakakatalon at nakaakyat sa puno. Nagagawa ko parin ang mga normal ng gawain ng isang hybrid, kulang pa nga lang sa lakas dahil hindi pa ako nagiibang anyo. Hindi ko pa tuluyang nakukuha ang lakas na dapat kong makuha.
Kaya naman kamuntik pa akong mahulog sa isang puno nang mamali ako ng talon, at kung hindi pa ako nakakapit ng maigi sa isang sanga ay mababalian ako ng buto.
"Argh!" Taranta kong sigaw nang hindi ko na makontrol ang aking pagbagsak, mapuputol na ang sangang kinakapitan ko. At kung sakali mang maputol iyon ay pabulusok akong babagsak pababa at talagang sakit sa katawan ang aabutin ko kapag hindi ko iyong napigilan.
"Oh, goodness!" Umalingawngaw ang sigaw ko sa kagubatang iyon. "Arrghh!"
Napapikit na lamang ako nang tuluyan kong naramdaman ang pagkabali ng sangang aking hinahawakan. Pinakialaman na ng ere ang kapa kong walang nagawa sa aking pagbulusok pababa, maging ang espada ko'y lumikha na rin ng tunog na animo'y gulat rin sa pagkakahulog ko.
Naghintay pa ako ng ilang sandali, hindi ako handa sa marahas na pagsalubong sa akin ng lupa. Ngunit wala akong ibang nagawa kundi ang maghintay na lamang. Ngunit ganoon na lamang kalakas ang pagkalabog ng dibdib ko nang isang pares ng braso ang naramdaman ng aking likod sa halip na lupa.
Marahan akong napamulat na sana'y hindi ko nalang ginawa, dahil sa pinakaunang pagkakataon sa aking buhay ay nakipagkarera ang puso ko. Hindi pamilyar sa akin ang panibagong sensasyon na aking nararamdaman. Lalo na nang mapatitig ako sa mga mata niyang animo'y hinihigop ang atensyon ko.
He looks familiar! Really familiar! I can't state it, but he does looks familiar! Those menacing brownish-red eyes looks really familiar in a fascinating and astonishing way. I'm totally flabbergasted, his sharp jaw looks impeccable perfectly fitting his full pinkish lips. A man with pinkish lips? This is new to me, did he tint it pink? Well, of course not! Why would he tint it pink and how the hell would he tint it pink?
Hala, ang gwapo. Legit. Pamilyar na pamilyar ang mukha. My eyes widened when his sharp gazes stared back at my eyes. I almost drool over him but then I came back to my senses when he showed me his proud smirked, but the moment he playfully winked at me made me shivered and made me lost my senses again.
How the heck would a handsome god from olympus fall from the heaven and catched me from falling?
I'm falling.
I'm falling, I can feel it.
Fuck it, I'm falling! Like literally falling! Kinanginang hayop— literal na akong nahuhulog at babagsak na sa lupa!
"Aray ko!" Sigaw ko at hinimas ang pwet kong tumama sa lupa matapos niya akong bitawan. "Napakawalang hiya!" Reklamo ko pa at matalim na tinitigan iyong lalaki. I did fall, he made me fall to the ground.
"What are you spacing out for, boy?" He asked and showed his back on me. "Alam kong gwapo ako pero hindi dapat ganyan ang reaksyon mo. Nakaka-bother."
My eyes widened. What the fuck? Anong kakonyohan 'to? Boy? So, my disguise is still working! Si Hunter lang talaga ang nakapansin na babae ako. Nang kapain ko ang aking hood at kapa ay balot na balot parin ako nito. Malamang, hindi siya mag-e-expect ng babae dito kaya iisipin niyang lalaki ako.
BINABASA MO ANG
Unveiling Valor (PSS, #3) ✔️
FantasyFormer Title: FURY Kornalina, an unpresented hybrid has no other choice but to join the death and life Alpha Cup to save her family. Defying the fact that women are discriminated in the Kingdom of Fatum, she vows to be brave and change that percept...