Chapter 27: Devastation

1.3K 98 2
                                    

Chapter 27: Devastation

"KAP! NASAAN NA KAYO?"

Muling umalingawngaw ang tinig ni Shawn sa aming wristwatch. "Destroy the enemy's base! We'll defend the base and flag!" Dugtong pa nito.

"Hindi pwede..." Aligaga kong bulong habang hinahabol si Kap. "Hindi maaari, hindi iyon totoo!"

"Saka na tayo magtuos, Feline. Let's do our jobs here, if you'll just space out better not to follow me anymore." Seryoso nitong sabi nang hindi ako nililingon.

Feline. He never called me by my name, he calls me hybrid. But now, he just called me Feline. Talagang galit siya sa pumatay sa kaniyang Ama. At pinaniniwalaan niyang ang Ama ko ang may gawa niyon, kaya pati sa akin ay nawala ang pagiging komportable niya.

Ano ba ang nakita nang sandaling nagdikit ang aming mga balat? Nakita niya kayang mapapahamak ako? Ngunit kung iyon ang nakita n'ya, paano niya nasabing ang Ama ko ang pumatay sa kaniyang Ama? This is insane! Ito ang papatay sa akin dito.

"Kap..." Naluluha kong tawag, hindi ako huminto sa pagsunod sa kaniya.

"Please, stop being dramatic. Enough following me, save yourself. I won't save you anymore."

Mas lalo ako doong naguluhan. He won't save me during fights? He said he won't, he didn't said he can't but he won't, meaning he have no plans on saving me if ever I put myself in danger.

Why the hell is my heart breaking so hard? Ito na nga ba ang sinasabi ko. May kapahamakang mangyayari sa akin at nakita iyon ni Kap! At hindi niya daw ako tutulungan, wala s'yang balak na tulungan o iligtas ako. Why am I hurting so bad? Dahil sa hindi niya pagpansin sa akin ay umusbong ang pride ko.

"Okay then, believe what you want to believe! I'll prove you wrong whatever it takes!" Sigaw ko at humiwalay ng daan sa kaniya. Inihanda ko ang aking espada, mga punyal, pana at palaso para sa matinding depensa at pag-atake.

Tuluyan na akong humiwalay kay Kap. Ngunit sa loob loob ko'y umaasa akong tatawagin niya ako pabalik at sasabihing huwag akong humiwalay sa kaniya kahit na hindi kami magkaayos. Ngunit nakailang hakbang na ako palayo ay wala akong narinig na tawag, hindi na ako pinansin ni Kap. Wala na siyang pakialam sa akin.

Kaya naman huminto ako at malungkot na lumingon sa pinanggalingan ko upang tingnan kung ano ang ginagawa niya. He's gone. He already left, he really left without me. Does he not care for me anymore? Hindi na bilang babae, kahit bilang myembro na lang, wala na ba talaga s'yang pakialam?

I guess so. Because he didn't really bother coming back to get me. Mukhang sobrang naapektuhan s'ya sa pagkamatay ng kaniyang Ama kaya naman ganito na lamang s'ya magreact.

"Fine." Bulong ko sa hangin at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa base ng kalaban.

Hindi ko alam kung saan na papunta si Kap, maging ang iba ko pang kakampi ngunit wala na akong pakialam. Dumeretso na ako sa base ng kalaban kahit na mag-isa lang.

"Kap!" Sigaw ni Seven mula sa wristwatch. "Nasa ilog kami! Mukhang magkakaroon ulit ng team fight, nasaan ka?"

"I'm on my way to the base!" Sagot naman ni Kap.

Hindi ko alam kung bakit tila gumaan ang pakiramdam ko nang marinig ko ang pangalan niya. Knowing he's doing good is enough for me to feel better.

"Forget it, let's wipe them out! They are on their way here." Ani Seven.

"They are after the flag and our base. Let's defend first!" Singit naman ni Zeen.

"Alright, but someone needs to attack the enemy's base!" Ani Kap na tila nalilito na sa kaniyang gagawin.

Unveiling Valor (PSS, #3) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon