Chapter 21: Summon

1.3K 104 8
                                    

Chapter 21: Summon

INABOT NGA kami ng gabi sa lugar na iyon nang hindi siya lumalapit sa akin, ang sabi niya'y malapit kami sa ilog kaya nakakarinig kami ng lagaslas ng tubig. At dahil daw malapit kami sa tubig ay doon s'ya magpapahinga, iniitan daw kasi ng sobra.

Iniwan ako ni Captain sa ilalim ng punong iyon, ngunit siniguro niyang nasa maayos na akong kalagayan. Nakakakilos na rin ako dahil napaka epektibo ng ginawang gamot ng Mama ko, hindi lang maganda ang side effect dahil gusto ko nang maghubad sa init at kakaibang sensasyon. Pati si Captain Onyx ay naapektuhan, pumunta pa tuloy s'ya sa ilog upang doon magpalipas ng gabi.

I suddenly smirked and smiled, I can't believe he's too frank on things. Like, he's able to say he's horny in front of me and I know it's because of that Aphrodisiac thing. Why would my mom put an aphrodisiac on a healing potion? Perhaps, it's a good component on the potion my mom was working on.

Kaya siguro pinaalalahanan niya akong huwag kong gagamitin ang potion nang may kasama, dahil sa side effect nito. Dala ng pagod at ng ihip ng hangin ay kusa na akong napapikit.

----

NAALIMPUNGATAN ako dahil sa ulit-ulit na pagsabog sa paligid. Bigla tuloy akong naalarma, mabuti na lamang at nakakakilos na ako ng maayos. Ang problema ko na lang ay natatakot akong muling mabuksan ang sugat ko sa tiyan kung kikilos ako ng basta-basta.

Kaya naman buong pag-iingat akong bumangon bitbit ang mga bag na dala ko at nagtago sa likod ng puno. Kalahati na lamang ang damit ko, nakikita na ang maliit kong tiyan dahil pinunit ni Captain ang aking damit kagabi upang magamot ako. Bakit ba pinunit pa ng isang 'yon? Pwede namang itinaas nalang 'diba?

"The first red turret has been destroyed!"

Umalingawngaw sa paligid ang tinig na iyon mula sa kalangitan, mas lalo tuloy akong naalarma. Kaaga-aga iyon kaagad ang maririnig ko, sinusundan pa ng pagsabog ng mga bomba at putukan ng mga baril.

Ibig sabihin lamang ay umaatake na ang mga kasama ko, at hindi rin imposibleng naroon na si Captain at tuluyan na akong kinalimutan! Kailangan kong makasunod, kahit na anong mangyari sa akin kailangan kong matapos ang task na nakaatang sa akin.

"The first green turret has been destroyed!"

Shit! Our turret is under attack! I need to retreat to protect the towers, I need to move! Doon na ako tuluyang napahakbang upang hanapin ang grupo ko. Isang tore na namin ang nasira, hindi pa nga ako tuluyang nagigising ay napilitan na akong tumakbo upang magdepensa sa isang tore.

"The second small green turret has been destroyed!"

"Shit!" I cursed and choose to run instead of walking fast. Wala na akong pakialam sa sugat ko, ang nasa isip ko na lamang ay magdepensa. Team namin ang nakasalalay dito. Sa halip na sumugod ay bumalik ako upang depensahan ang huli naming maliit na tore.

"The second red turret has been destroyed!"

Tuluyan ko nang ininda ang sugat ko at tumakbo ng napakabilis. Habang tumatakbo ay inihahanda ko na ang bombang itatapon ko oras na makita kong sinisira na ang huli naming tore.

Mabuti na lamang at naabangan ko pa ang kabilang grupo bago ito nakarating sa huli naming maliit na tore. Kung hindi nga naman ako lutang! Kamuntik ko pang makalimutan na may mga dala nga pala silang baril, kung hindi inilabas niyong isa ang baril niya'y hindi ako magtatago sa likod ng aming tore.

"Siya ba iyong babaeng tinutukoy niyo?" Dinig kong tanong niyong isa.

"Oo!"

"Mga hangal, naisahan kayong dalawa ng isang babae?"

Unveiling Valor (PSS, #3) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon