Chapter 8: A Farewell

1.6K 135 17
                                    

Chapter 8: A Farewell

Tuluyang bumaba ang tensyon na namamagitan sa aming lahat. Ang nag-aalab na hangin sa loob ng aming tahanan kanina lamang ay tuluyang natupok. Ang nag-aapoy na paligid kanina ay tuluyan nang naapula. Mahinahon nang nakatayo sa harapan ko ang aking pamilya. Tila nag-iisip na ring wala na silang magagawa dahil buo na ang desisyon ko.


"Sigurado ka ba talaga, anak?" Muling tanong ni Papa, ngayon ay kalmado na siya.

Tumango-tango ako. "Hindi na po ako papayag na muli kayong sumabak doon. Gusto ko rin pong mapabilang sa sandatahang lakas upang maprotektahan ang Kaharian. Papatunayan ko pong hindi mahihina ang mga babae tulad ng inaakala ng karamihan."

"Delikado roon. Lahat sila'y may taglay na abilidad, lubhang mabibilis, maiilap. Hindi sa minamaliit kita ate, pero hindi pa tayo nagpapalit ng anyo." Biglang singit ng kapatid ko na sunod sa akin. "We're not even sure if we could really morph. Baka domestic cat ka lang ate."

"Darating din 'yon. Ang mahalaga ay nasisiguro kong ligtas kayo." Sabi ko at ngumiti sa kapatid, "at ano naman kung normal na pusa lang ako, mabilis 'yon, mahahaba ang buhay, hindi basta-bastang namamatay. Mahirap mahuli at mahulog man buhay parin pagkabagsak."

"Pero paano kung hindi ka tanggapin?" Tanong pang muli ni Lenin, ang sunod sa akin.

"Ang kailangan nila ay mga mandirigma. Oras na para ibagsak ang diskriminasyon. Tayo'y mandirigma rin, Lenin." Matapang kong sagot.

"Wala kang pinagkaiba sa iyong ina, hindi napipigilan." Sa wakas ay natatawang wika ni Papa.

"Katulad mo rin siya, Louie. Agresibo, hindi marunong sumuko." Sabi ni Mama habang nakahawak sa sentido, "grabe, ang sasakit niyo sa ulo."

Napangisi ako. "Nagpapatunay lamang na anak niyo ako."

Sandali kaming nanahimik. Pinakiramdaman namin ang Heimdall. At hindi nga ako nagkamali nang isipin kong hindi lang ang pamilya namin ang nagkagulo, dahil malalakas na iyakan at sigawan ang tanging maririnig sa Heimdall kasabay ng ugong ng mga naglalakihang sasakyan ng palasyo at ang anunsyo sa trumpeta.

"Representatives of each families, report now. Today is the said incursion. The first born of the families will join the death and life wicked quest. This is a must. If a family do not lend a life, you will be forever slaves of Kingdom Fatum. Again, representatives of each houses. Report now."

Napalingon ako sa pamilya kong maluha-luha na naman. Maging ako tuloy ay hindi maiwasang mapaluha. Ang sikat ng araw ay tuluyang pumasok sa loob ng aming munting tahanan. Naramdaman ko ang pagtama nito sa aking balat, sumikat na ang panibagong umaga. At ni minsan ay hindi ko naisip na mangyayari ito sa akin. Hindi ko inisip na ganito pala kahirap, ngunit para sa pamilya ko'y gagawin ko.

"Huwag niyo po akong alalahanin. Babalik ako ng buhay, at may medalya." Nakangiti kong sabi.

"Ipapanalangin ka namin lagi. Mag-iingat ka," wika ng aking ina at niyakap ako. "Nakikiusap ako, bumalik ka rito ng buhay. Hangga't may pandinig ka, pakiramdam, pang-amoy, paningin, hangga't may hininga ka, huwag na huwag kang susuko. Lagi mo iyang tatandaan."

Ngumiti ako at ginantihan ng yakap si Mama. Salamat naman at nauwi rin kami sa isang maayos na pag-uusap. Akala ko'y hindi na matatapos ang bangayan naming lahat. Nang bumitaw ako'y nahinto ako sa tapat ni Papa na seryosong nakatingin sa akin.

Unveiling Valor (PSS, #3) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon