Chapter 23: Team Fight
MULA SA AMING wristwatch ay dinig na dinig na namin ang palitan ng putok ng mga baril at bomba, sumasabay pa ang walang humpay na mura ng mga kasama kong nang-aasar pa. Hindi ba sila pwedeng magtago na lang muna? Pinipikon pa kasi nila ang mga kalaban, mas nagiging agresibo tuloy.
"Back up! We need the back ups now, they're up for a team fight!" Tarantang sigaw ni Hunter.
Pati ako'y nag-alala at nataranta na ngunit hindi maiwasan ang mapairap. Nangpipikon pa kasi sila Shawn, ang gagaling mang trashtalk ina-ambush na nga!
"Fuck it! I think it's time to use the transportalis!" Suhestiyon ni Seven.
"Okay! We'll be using the transportalis." Ani Cap. "Pero magtira tayo ng isa! Kailangan nating magpasiguro!"
"I'm already here, I won't use the transportalis. Use it Kap," ani Kugo. "And Seven as well, we need you guys so bad!"
"All right! Be right there, just hide. Beware of their rampage!" Paalala ni Cap at huminto sa pagtakbo upang balikan ako.
Ganoon naman ako kabilis na napahinto upang maghabol ng hininga. Sa isang mabilis na pagtakbo lamang ay nasa harapan ko na si Captain Onyx.
"Listen, I need you to go somewhere safe." Aniya at hinawakan ang balikat ko. "Hindi sa wala kaming tiwala sa'yo. Kailangan ka namin para gamutin kami pagkatapos ng team fight, kaya hindi ka pwedeng mapano. Naiintindihan mo ba ako?"
Nakaramdam ako ng lungkot dahil sa sinabi niya. Mukhang wala na talaga akong maiaambag sa kanila. Napakahirap naman yata niyon, magtatago ako at papanoorin silang nagbubuwis buhay para sa Alpha Cup. Papakinggan ko lang ang mga impit nilang iyak at reklamo sa sakit, at lalabas lang ako kung kelan nag-aagaw buhay na sila.
Ganoon na lang ba? Tumango-tango na lamang ako, "Okay... okay..."
"I'm going to use this transportalis, but I won't take you with me this time since I'm going to land in the middle of the fight," Aniya at hinawakan ang ulo ko. "We need you... to heal us, not to fight with us, okay? We can't afford to see you being shot, okay?"
Sa hindi malamang dahilan ay namuo ang mga luha ko. "Okay..."
"Good, you can just walk until you get to the river. Hindi mo kailangang magmadali, matatagalan kami sa team fight."
Hindi ko alam kung bakit ang bigat masyado ng dibdib ko. Siguro'y dahil natatakot akong may mahulog sa amin at hindi na makabangon, siguro'y dahil natatakot akong tuluyan kaming mabawasan, siguro'y natatakot akong hindi na muling makitang humihinga ang mga nilalang na minsan ko lang nakilala. Siguro'y natatakot akong panuorin silang nakikipaglaban habang ako'y nagtatago at walang magawa.
"Okay." Ang tangi kong naisagot.
Ganoon na lamang kumalabog ang puso ko nang makitang ngumiti si Kap sa unang pagkakataon. "I'll see you again!"
Mas lalo akong nakaramdam ng takot. Iyong takot na hindi maipaliwanag, natatakot akong hindi na masilayang muli ang ngiting iyon. Huwag naman sana. Isang patak muna ng luha ang tumakas sa aking mga mata bago ako tuluyang tumango kay Kap. Ginulo niya muna ang buhok ko, pagkatapos ay tumango bago tuluyang lumayo sa akin.
Pinanood ko lamang ang mabilis niyang pagtakbo palayo, ilang metro na ang layo niya sa akin nang biglang niyang itaas ang hawak niyang transportalis. At sa isang nakakabulag na liwanag na tila siya hinigop ay tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.
"Kap," bulong ko sa hangin at napahawak ng mahigpit sa kapa ko. "Please, don't die."
'Shut it, Kornalina. Walang mamatay sa grupo, tiwala lang!' Nagbuntong hininga muna ako bago lakas loob na tumakbo patungo sa ilog. Sa pamamagitan ng wristwatch sa aking pulsuhan ay nagiging updated ako sa nangyayari sa kanila. Habang tumatakbo ay pinapakinggan at pinapakiramdaman ko lamang sila.
BINABASA MO ANG
Unveiling Valor (PSS, #3) ✔️
FantasyFormer Title: FURY Kornalina, an unpresented hybrid has no other choice but to join the death and life Alpha Cup to save her family. Defying the fact that women are discriminated in the Kingdom of Fatum, she vows to be brave and change that percept...