Chapter 1: Hybrids Of The Land

2.6K 159 16
                                    

Chapter 1: Hybrids Of The Land

The sun was already setting and my steps were making noises as I heavily crash every single fallen dead leaves drifted like autumn in the northern wilds of Fatum Kingdom. Kahit anong iwas ko sa mga dahon na nalalaglag ay hindi ko magawa dahil kahit saan ko iikot ang aking paningin ay malulutong na patay na dahon ang aking nakikita. Nalalapit na ba ang taglagas? Bakit naglalagasan na ang mga dahon? Ang akala ko'y ang nalalapit na panahon ay taglamig.

Hindi ko rin mapigilang mapatingin sa mga nakapaskil sa mga puno. Karamihan sa mga ito'y balita tungkol sa nalalapit na Alpha cup. Ang team Felidae at Canidae ang palaging nangunguna, at ngayon nga'y may nakuha na namang medalya ang kapitan ng team Felidae.

"Team captain Sardonyx of Felidae got another medal again. For another death and life beget of Alpha position, will he still be able to take the lead?"

Sabi sa poster na nakapaskil sa puno habang nakalagay ang mukha ng isang gwapong lalaki. May malaking litrato sa gitna at maliit sa gilid, puro mukha ni Kap, ang kapitan ng team Felidae. Pero parang may mali, bakit nagmukha siyang wanted sa posters?

"You are too popular," bulong ko sa litratong nakapaskil sa punong aking nahintuan. Tinanggal ko iyon sa puno at pinunit ang maliit na litrato ng lalaking noon pa man ay hinahangaan ko na dahil sa taglay nitong anyo. I've liked him eversince I saw him on the news. Sa murang edad pa lamang ay kasama na siya sa Alpha cup, at ngayon nga'y leader na siya.

Ang Alpha cup ay isang patimpalak na ginaganap sa main arena ng kaharian. May mga grupo doon na maglalaban-laban para sa cup, at ang mga mananalo ay tatanghaling pinakamatataas na ranggo sa kaharian. Habang ang mga hindi naman mapipili ay maninilbihan bilang sundalo sa palasyo. Mandatory military enlistment kumbaga.

Captain Sardonyx has been holding his title for so long as the most respected young chevalier and consistent team captain of the Kingdom. Pasok na pasok talaga siya sa standards ko, walang tapon. Bukod sa achievements na nakuha niya, sobrang gwapo niya pa at talaga namang maappeal sa lahat.

"Sa bulsa kita." Nakangiti kong sabi nang tuluyang makuha ang litrato nito, itinupi ko iyon at inilagay sa aking bulsa. Pagkatapos ay kumawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago nagpatuloy sa pagbaybay sa norteng bahagi ng kagubatan na kinaroroonan ko.

Maghapon na akong nasa gubat, hindi ko rin alam kung gaano na ang layo ko sa Heimdall, sa aming bayan. Ang gusto ko lamang ay mahanap ang nawawalang tupa ng aking ama lalo pa't talamak ang nakawan ngayon, aabutin na ako ng gabi ay hindi ko parin iyon nahahanap at nangako akong hindi ako uuwi nang hindi bitbit ang tupa na iyon. Kung bakit ba naman kasi nakawala at nawala 'yon, sa kagubatan pa, napaka-imposible! Baka ninakaw na talaga 'yon.

Maigi akong napatago sa isang puno nang makarinig ng kaluskos. Nang lingunin ko ang bahaging kinaroroonan niyon ay nangunot ang noo ko nang makakita ng isang usang nagtatago, malamang ay hinahabol na naman ito ng kung sino-sino. Kung hindi tao, mga kalahating tao.

Yes, half-humans and half animals exist in Beryllus, they are found in Animahomo continent. They are probably stronger than normal humans or even peculiar humans in terms of natural or in born strength, they are beyond their limits, and there is something more running in their veins for they are different from any other. Their features are of humans, but they morph into their own kind. And I belong to them.

My sword created a noise making the deer suddenly look at me. Ganoon na lamang natunaw ang puso ko nang tumakbo ito papunta sa akin na animo'y naghahanap ng kakampi. Deers are the number one preys of whatever creatures with fangs in Animahomo continent. At ayoko na sanang makialam pa dahil natural naman silang pagkain, ngunit nang lumapit ito upang humingi ng animo'y tulong sa akin ay talagang natunaw ang tila nagyeyelo kong puso.

Unveiling Valor (PSS, #3) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon