Chapter 3: The Chase

1.7K 100 7
                                    

Chapter 3: The Chase

Umalingawngaw ang kanilang halakhak dahil sa aking sinabi. Animo'y sinadya iyon upang insultuhin ako, animo'y katawa-tawa ang mga sinabi ko sa kanila. Wala naman talagang naniniwalang pumu-protekta ako ng mga nilalang na naaapi sa Norte dahil babae ako. Ngunit maging katulad ko man, o kaya'y hayop o tao basta inaapi ay ipinagtatanggol ko iyon.

"Sino'ng niloko mo?"

There are humans catching wild animals around, ipinagtatanggol ko ang mga hayop na hinuhuli nila. Minsan naman ay ang mga tao naman ang hinuhuli ng mga hybrid na tulad ko, at ang mga tao naman ang tinutulungan ko. Palagi iyong nangyayari sa ilang parte ng gubat kapag naglalayag ako para maghanap ng pagkain, ng nawawalang hayop o ano pa.

"Bro, I don't even think she's a hybrid. Look at her, no signs of morphing."

May mga hayop na natural talagang hayop. Hindi sila katulad namin, purong hayop sila. Kami ay mga hybrid.

"She's a hybrid, bro. Maybe an unpresented one. Hindi ko rin maamoy ang morphed form niya."

Yes, we are hybrids. Half humans, and half animals. We turn into natural or normal human being, and we morph into our kind. The thing is I never morphed so I never knew my capabilities when I am transformed, and I am not a simple hybrid. I am more of a kind, I am beyond-- that's at least what my mom always tell me. I haven't found out how I would really work it out well. But I'm holding onto my mom's words, that I am not just a simple kind of Felis, there something running different in my blood as well.

And right now, I don't want to morph. Naniniwala kasi ang ibang hybrid sa aming nayon pati na rin ang Papa ko na magtatransform lang ako bilang pusang gala kapag nagkataon. Gayong sabi ng karamihan ay abundant ang dugo ni Papa sa akin na higit pa sa isang maliit na pusa, ang anyo naman ni Mama ang makukuha ko kapag nag transform ako. Isang natural at maliit na pusa. Mabilis, matalas ang pakiramdam at madami raw ang buhay which I somehow disagree. We are just skilled beings, we are beyond our limits so we jump right, land right and live long.

My thoughts were suddenly cut off when I remembered I have some company around.

"Babae daw, you- you heard her right?" Ani ng isa sa gitna ng kaniyang pagtawa.

"I can't believe this. The guts of this girl, she's just even wee cat I guess."

"She is. But damn she looks hot."

"Right. Cannot change the fact that she's weak."

Napapairap na lamang ako sa mga pinagsasasabi nila. Kahit papaano'y nasasaktan parin naman ako kahit na sabihin nating sanay na, naroon parin ang sakit.

"Let me correct it, young lady. You are a lost girl in the northern wilds." Ani ng isa at humagalpak pa ng tawa.

"Are you lost, baby girl?"

Napangisi na lamang ako dahil sa kanilang reaksyon. Sanay na ako, sanay na sanay. Hindi ito ang unang pagkakataon na pinagtatawanan ako, dahil nga sa babae ako. Ang iniisip kasi ng marami ay pambahay lang kami, wala kaming kakayahang lumaban, ganoon sa Fatum. Lahat ng nilalang dito'y matatapang, ngunit hindi pantay-pantay.

Ang mga babae ay dapat na magsilbi sa mga lalaki, at ang mga lalaki ay matapang na magsisilbi para sa kaharian. Iyon ang kinalakihan ng lahat, hanggang sa umabuso ang karamihan at itinuring na kaming mahihina. Bihira na lamang ang nagtitiwala sa aming mga babae, minsan nga ay wala. Sa isang araw, madalas ay wala akong nasasalubong na naniniwala sa mga babae. Madalas ay puro pambabastos at pangungutya ang natatanggap namin dahil raw mahina kami.

Which I really want to prove everybody wrong. So I do all my father's chores, feed the sheep, every animals in our territory, take them to the wilderness, and protect them against raging wolves, panthers, and anything that could harm them. Still, it isn't enough for people around me to believe that women can do what men can.

Unveiling Valor (PSS, #3) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon