Chapter 4: Touch Of Confusion
I growled when my back hit the tree. The bobcat who immediately turned into human pinned me against the tree to hide from the raging wolves chasing us. He's pressing his body hard against mine making me whimper in discomfort. I tried pushing the human bobcat away but he just held my hand and pressed me more against the tree using his body.
"Fuck!" Reklamo ko.
"Huwag kang magreklamo, para sa ikabubuti natin 'to." Iritado niyang bulong habang nakapatong ang ulo sa aking balikat. Naghabol ako ng hininga, hindi talaga ako komportable sa aming posisyon.
"Naiipit ang tupa," bulong ko.
"Fuck." Galit niyang sabi atsaka inagaw sa akin ang tupa ng walang kahirap-hirap pagkatapos ay muli akong ikinulong sa kaniyang mga bisig upang magtago, "Are you alright now?"
Umiling iling ako.
"Just this once." Aniya at mas lalong sumiksik sa balikat ko nang makarinig kami ng kaluskos.
Nang makalayo kami sa mga taong lobo na iyon ay bigla siyang bumalik sa pagiging tao at ganoon na lamang ako tumilapon papalayo. Hindi ko iyon inasahan kaya naman malaya akong bumagsak sa lupa at talagang masakit iyon. Ngunit hindi pa nakontento ang lalaking kasama ko at mabilis akong hinigit upang magtago sa likod ng isang malaking puno. At ngayon nga'y maigi kaming nagtatago, sinisigurong walang makikita ni katiting naming anino.
Hindi ko nga alam kung bakit ako nagtatago at bakit ko kasama ang bobcat na 'to. Tuloy ay nalilito na ako sa mga nangyayari, hindi ko alam kung sino na sa aming dalawa ang pakay ng mga lobo na humahabol sa amin ngayon.
"Why am I even hiding with you?" Inis kong bulong dahil hindi talaga ako komportable sa aming posisyon. "They are after you, now I'm implicated?"
"Just why the hell are you even here? Are you nuts? Not good for a girl to wander around the wilds at this kind of hour."
Iniwas ko ang aking ulo mula sa kaniya upang humigop ng hangin, "I am just after my sheep."
"No, you are after trouble."
"How dare-"
Ganoon na lamang ako kabilis na napipi nang takpan niya ang aking bibig. Sa isang iglap lamang ay matalim na lumampas sa amin ang grupo ng mga nagtatakbuhang nilalang. Nasisiguro kong iyon na ang mga lobong humahabol sa amin. Nakakamanghang hindi nila kami napansin, siguro'y dahil masyado silang agresibo kaya hindi nila napansin ang aming posisyon.
Sabay kaming nagbuntong hininga. Sa wakas, siguro naman ay nakalayo na ako sa kapahamakan. Lumayo sa akin iyong lalaki at luminga-linga sa paligid upang siguruhing wala na ang mga humahabol sa amin. At nang masiguro niya'y lumapit siya sa akin nang nakakunot ang noo habang inaabot ang tupa kong hawak niya. Mabilis ko namang inabot iyong tupa at lumuhod sa lupa upang siguruhin kung maayos ba ang kalagayan nito.
"Taga saan ka?" Tanong niya habang pinagmamasdan ang ginagawa ko.
Matalim ko naman siyang nilingon. Hindi ko gaanong nakikita ang kaniyang kabuuan dahil natatakpan siya ng anino ng mga puno ngunit nasisiguro kong isa rin siyang normal na mamamayan katulad ko. Base sa kaniyang pigura, mukhang hindi rin kami nagkakalayo ng katayuan sa buhay.
BINABASA MO ANG
Unveiling Valor (PSS, #3) ✔️
FantasyFormer Title: FURY Kornalina, an unpresented hybrid has no other choice but to join the death and life Alpha Cup to save her family. Defying the fact that women are discriminated in the Kingdom of Fatum, she vows to be brave and change that percept...