Chapter 20: Side Effects
My eyes widened in shock with my Captain's presence. Gulat itong napalingon sa sitwasyon ko, ngunit bago pa siya nakapagsalita ay nakuha ang atensyon niya ng dalawang pasugod na kalaban. Sa isang iglap lamang sa hindi ko malamang paraan kung paano ni Captain ginawa ay tumilapon palayo ang mga kalaban. In a very swift movement, both of the guys fell on the ground with their heads on their heels. Kaya naman nang makabawi sila'y kaniya-kaniya silang takbuhan palayo sa amin.
Aligagang bumalik sa akin si Captain Sardonyx. Hindi ako makakilos, alam kong dahil iyon sa lason na nilagay ng mga kaaway sa kanilang armas. Kaya naman hindi ako nakareklamo nang itaas ni Captain ang damit ko at pinunit ito. I wanted to cursed him for tearing my shirt, I have no extra shirt aside from what I'm wearing. But he seemed not to care, he wants to heal me by wrapping a thick cloth on my wounded stomach.
"Ang sabi ko, sa tabi lang kita." Sermon niya habang inaayos ang pagkakatali sa sugat ko. "Wala akong sinabing depensahan mo ako. Ang sabi ko, 'wag kang lalayo sa tabi ko."
Hindi ko na naman naiwasan ang maluha, "S--s--sorry." Hindi na malinaw ang pagkakasabi ko, maging ang tinig ko'y naapektuhan na rin. Gusto kong umigtad sa sakit na nararamdaman ko, ngunit tila naging paralisado ako. Wala akong magawa upang mapigilan ang sakit na unti-unting lumalamon sa 'kin.
"We don't have any medicine here. What should I do with you?" Tarantang saad ni Captain. "Tigas kasi ng ulo! Sabi nang huwag lalayo sa'kin!"
What the fuck is wrong with him? Ayaw niya ng tunganga pero galit siyang aktibo ako? I just want to help and protect him. Ano ba ang gusto niyang mangyari? I calmed myself and looked at the medicine I brought.
"P--potion..." Hirap na hirap kong saad. "H--healing p-potion... c--cape..."
"What?"
Gamit ang natitira kong lakas ay itinuro ko ang gamot na ipinadala sa akin ni Mama na nakatago lang sa aking kapa. Ganoon na lamang kabilis na kumilos si Captain upang kunin ang mga panggamot na iyon. Nalilito pa siya kung alin ang gagamitin sa dalawa, maging ako'y nalito rin sa dalawa kung alin ang gagamitin. Nakalimutan ko ang habilin sa akin ni Mama.
"Alin dito?" Aligaga niyang tanong.
Hindi ako nakasagot, hindi ko rin alam.
"Blue or green? Answer me!"
Lintek na Captain 'to, kita nang paralisado ako inoobliga pa akong sumagot. Hindi ko na nga kaya diba!
"The green looks more effective," aniya. Ibinalik niyq ang asul na bote atsaka tarantang binuksan ang berde, "What the heck is this smell? Bakit ganito ang amoy!?"
Gusto kong umirap. Hindi ba pwedeng gamutin mo nalang ako, Cap? Ang dami mong reklamo eh.
"How do I put this? Ibubuhos ko lang ba sa sugat mo?"
Leche naman, Cap? Kita mo nang hindi kita masagot-sagot, tanong ka pa ng tanong diyan! Hindi na muling nagsalita si Sardonyx, sa halip ay ibinuhos niya sa tiyan ko ang healing potion. Nakakamangha, magaling talagang manggagamot ang Mama ko dahil unang buhos pa lamang ay agad na nabawasan ang sakit na nararamdaman ko. Nabawi ko rin ang mabagal kong paghinga ng bahagya, ngunit hindi parin ako makagalaw.
Pagkatapos niya iyong maibuhos ay maingat niyang ibinalik ang gamot sa Kapa ko. Hindi na siya nagsalita pa, siguro'y napag-isip-isip niya ring walang silbi kung kakausapin niya ako dahil bahagya akong paralisado.
Ano bang lason ang inilagay ng mga kalaban at umepekto ng ganito? Siguro'y mamamatay na ako kung wala akong dalang potion. Ito naman ang problema sa labanan namin ngayon, walang provided na gamot. Dapat talaga ay kami mismo ang bahala sa sarili namin, responsibilidad namin ang isa't-isa.
BINABASA MO ANG
Unveiling Valor (PSS, #3) ✔️
FantasíaFormer Title: FURY Kornalina, an unpresented hybrid has no other choice but to join the death and life Alpha Cup to save her family. Defying the fact that women are discriminated in the Kingdom of Fatum, she vows to be brave and change that percept...