Chapter 22: The Ambush
HINDI KO alam kung side effect pa ba ito ng aphrodisiac o nasa katinuan na talaga si Captain Onyx. Hindi niya na kasi ako nilisan hanggang sa nakaupo ako sa punong pinaglalagyan ng aming mga gamit. Balak ko pa sanang umalis na muna upang makabwelo sila sa pagligo, ang kaso ay ipinagpipilitan ni Captain na manatili na lang ako sa ilalim ng puno upang huwag na akong mawala sa paningin niya. It doesn't look much, but he really cares with his team. I can tell it, I can see it. He cares a lot.
"I can't summon you, so I need you... to summon me."
Leche naman, Kap. Kailangan ba talaga ganon ang mga linyahan mo? Napakaletse! Hindi parin umaahon ang mga kasama ko. Sabi nila'y nawasak na nila ang mga tore ng kalaban. Maghihintay na lamang kami ng hudyat sa paghahanap ng bandila at pagwasak ng base ng kalaban. At habang hindi pa nag-aanunsiyo ay mag-eenjoy na muna daw sila sa pagligo.
Nakakahiya naman, ako nga ang dapat na maligo sa amin. Nangangamoy na kaya ako? Mula nang hanapin ko ang tupa hanggang ngayon ay wala pa akong ligo. Gusto ko na ring maligo. Ngunit hindi ko iyon pwedeng gawin sa umaga, sasamantalahin ko na lang ang pagligo mamayang gabi kapag natutulog na ang lahat.
Mabuti na lamang at bawal na umatake sa gabi, mas agresibo ang mga 'to sa gabi. Kawawa na naman ako. At mabuti na lang ay inaanunsyo sa amin ang dapat naming gawin, baka kung kaniya-kaniya kami'y nagpapatayan na 'tong mga 'to, kawawa na naman ako.
Gayunpaman, kailangan naming maging maingat lalo na sa ngayon. Ang kailangan naming bantayan ngayon ay ang pagsalisi ng mga kaaway. Malamang ay wawasakin nila ang huli naming maliit na tore, maliban doon ay pwede nila kaming maambush kaya naman kailangan naming mag-ingat.
"Are you not going to take a bath?" Tanong ni Captain Onyx na biglang sumulpot sa aking tabi.
Namilog ang mga mata ko sa gulat. Akala ko'y naliligo na ang isang 'to.
Umiling-iling ako. "Saka na, kapag tulog na kayo."
"Well then," aniya at nagsimulang maghubad ng damit.
Halos magkandaugaga naman ako sa kakaiwas ng tingin. Hindi ba pwedeng maghanap siya ng lugar malayo sa akin bago magtanggal ng pang-itaas niya?
"Sa likod ka ng puno, maliligo ako." Aniya habang nakatingin sa akin.
Napairap ako at mabilis na sumunod. "As if namang maninilip ako."
Ngumisi siya. "Nagpapasiguro lang."
Muli akong umirap. "Kasilip-silip ka ba?"
"Wag lang kitang mahuling nakatingin sa'kin," aniya at tuluyang hinubad ang pang-itaas.
Literal akong napanganga nang gawin niya iyon. Pakiramdam ko'y nasunog ang pisngi ko, at kinakailangan ko rin ng malamig na tubig upang mabawasan ang init na nararamdaman. Tumaas kasi ang init sa aking katawan nang tumambad ang matipunong katawan ni Captain sa aking harapan.
'Walang hiya! Napakawalang hiya!'
"You're drooling." Captain chuckled.
I immediately looked away and moved at the back of the tree. "Tsk, I'm not."
"Oy, Kap! Pabidahan ba 'to ng katawan?" Hamon ni Kugo. "Game ako!"
"Idiot." Tanging sagot ni Kap atsaka narinig ko ang paglubog niya sa tubig.
"Papabida ka kay hybrid eh!"
Napairap ako. "Hindi ah--" Iritado akong napalingon sa kanila na sana'y hindi ko nalang ginawa. Dahil lahat na sila'y wala nang pang-itaas at nakaahon sa tubig. Kitang-kitang ko tuloy ang matitipuno nilang katawan.
BINABASA MO ANG
Unveiling Valor (PSS, #3) ✔️
FantasyFormer Title: FURY Kornalina, an unpresented hybrid has no other choice but to join the death and life Alpha Cup to save her family. Defying the fact that women are discriminated in the Kingdom of Fatum, she vows to be brave and change that percept...