Chapter 7: I Am A Woman

1.5K 106 24
                                    

Chapter 7: I Am A Woman

Sunod-sunod na nagsipatakan ang aking mga luha. Hindi ko na napigilan ang pagbugso ng aking damdamin, kahit na anong pigil pa ang gawin ko'y tuluyan nang sumabog ang nag halo-halo kong emosyon. My breathes were uneven, and I can't help but sob more with the expression on my family's faces. Tila ba gulat na gulat sila, hindi makapaniwala at wala silang tiwala.

Nangunot ang noo ni Papa at napatitig sa akin. "Saan ka galing? Bakit ngayon ka lang? Ano'ng oras na? Gawain ba 'yan ng isang babae?" Sunod-sunod niyang tanong.

"Ako po ang sasama, 'Pa." Sa halip ay sagot ko. Hindi na ako nagpatinag at nagpdala sa pag-iiba niya ng usapan.

"Anong-- tangina naman! Umayos nga kayo! Hindi ko kayo binubuhay para magdesisyon ng basta-basta. Manahimik kayo!" Ramdam na ramdam ko ang pagiging problemado ni Papa, at nangangamba akong baka atakihin na naman siya ng sakit niya. "Ako ang magdedesisyon sa pamilyang 'to, ako ang padre de pamilya. Hangga't nabubuhay ako't hangga't nasa ilalim kayo ng bubong ko, ako ang masusunod!"

"'Pa," pumiyok na ako. "Kumalma po kayo. Baka atakihin kayo ng--"

"Paano ako kakalma?! Paano--" Naputol ang pagsigaw ni Papa nang bigla siyang nahinto at tinantya ang sarili. Ganoon na lamang kami naalarma, mas lalong napaiyak ang mga kapatid ko. Gusto ko na ring maglupasay sa takot at kaba ngunit pinigilan ko ang sarili ko.

Ako ang panganay, kailangan kong maging matapang. Kailangan kong maging matatag sa harap ng pamilya ko. Kailangan kong maging panalaminan ng mga kapatid ko. Walang ibang magpapagaan ng loob ko ngayon kung hindi ako, at kailangan kong iabot ang mga kamay ko sa mga kapatid ko dahil nga panganay ako.

"'PA!" Sigaw ng mga kapatid ko.

"LOUIE!" Sigaw ni Mama.

Sabay-sabay kaming kumilos upang saluhin ang natumbang si Papa. Tuluyan na nga siyang bumagsak sa sahig at ganoon na lamang umakyat ang takot at kaba ko. Mas lalong bumigat ang dibdib ko, mas lalo ring lumakas ang paghagulgol ng mga kapatid ko, maging si Mama ay nakikita ko na rin ang panghihina.

Tuloy ay hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko, sa amin, sa pamilya ko. Hindi na ako tuluyang lumapit sa kanila, napahawak ako sa aking sintido at umiiyak na napaatras. Pisteng incursion 'to, kung sinuman ang may pakana nito ay hayop siya. Kapag nagkataon na makapasok ako sa palasyo at malaman ang kagaguhan nila doon ay hindi talaga ako magtitimpi.

"Putangina, hindi mo ibubuwis ang buhay mo..." Nanghihina at putol-putol na sabi ni Papa habang itinuturo ako, "mananatili ka rito! Babae ka, tandaan mo 'yan. Umakto kang babae, umayos ka!"

"Papa naman! Tingnan niyo naman ang sarili niyo! Hindi niyo na nga kayang manatili sa ilalim ng tirik na araw, hindi na rin kayo nakakatagal na magbuhat ng mabibigat!" Humahagulgol kong sabi at pinunasan ang aking mga luha. "Makinig naman kayo!"

Palakas ng palakas ang ugong ng naglalakihang sasakyan, palapit na sila ng palapit sa amin.

"Lalaki! Lalaki ang--" Hindi na naituloy ni Papa ang sasabihin niya nang muli na naman siyang manghina.

"Louie! Kalma, kunin niyo nga ang mga gamot ng tatay niyo!" Tarantang sabi ni Mama habang inuutusan ang mga kapatid kong agad namang nagsikilos.

"Wala pong sinabing bawal ang babae, 'ma, 'pa," malumanay kong sabi. Pilit na ikinakalma ang sarili at para na rin mabawasan ang tensyon na namamagitan sa aming lahat. "Walang sinabing bawal ang babae, natatakot lang kayo, ang bawat isa dahil pinaniwalaan na ng lahat na mahihina kami!"

Unveiling Valor (PSS, #3) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon