Chapter 9: Have Decided

1.4K 107 6
                                    

Chapter 9: Have Decided

Mabibigat ang mga hakbang ko habang lumalapit sa sasakyan ng mga opisyal. Tuluyan na akong nakalayo sa bahay. Nagtitipon na roon ang mga panganay na lalaki at ako lamang ang babaeng naglalakad patungo sa lugar na iyon. Kaya naman hindi maiwasan ng iba ang mapalingon.

Karamihan sa mga ito'y disgusto, pangmamaliit at pagkasuklam ang reaksyon. Maraming marites sa aming nayon, at marami rin ang nakakakilala sa akin. Some of them acknowledge me as fearless, ngunit hindi rin mawawala iyong mga walang magawa sa buhay kundi pakialaman ang buhay ng may buhay.

"Si Kornalina 'yon diba? Grabe, ano'ng ginagawa niya?"

"Pabida."

"Babae? Gusto niya na ba'ng mamatay? Hindi ba bawal ang babae doon? Magiging pabigat lang s'ya doon."

Hindi ko na lamang sila pinansin. Wala na akong pakialam sa sasabihin nila, gagawin ko 'to para sa pamilya ko. Wala naman silang ambag sa buhay ko ba't ko pa sila poproblemahin. Hindi naman sila ang bumubuhay sa akin. At isa pa'y gusto kong buhayin ang pamilya kong bumuhay sa akin, maliban doon ay wala na akong pakialam sa problema ng iba.

"Totoo nga, sasama ata siya."

"Hayaan niyo na. Gustong mamatay ng maaga eh."

"Porke marami na siyang naipagtanggol sa Heimdall akala siguro makakaligtas sa Alpha Cup."

Nagbuntong hininga ako bago tuluyang lumapit sa mga opisyal na naglilista na ng pangalan. Akma na akong sisingit sa pila nang biglang may humila sa akin.

"Kornalina?"

"Isaiah!" Pabulong kong sigaw sa gulat at nakahinga ng maluwag nang mapagtantong kaibigan ko ang humatak sa akin. Napalingon ako sa babaeng kasama niya, "Nethaniah!"

"Ano'ng problema mo? Ba't nakaganyan ka?" Hindi makapaniwalang tanong ni Nethaniah. "Ano ba, Kornalina! Magpapakamatay ka ba?" Naiiyak nitong sabi habang inaayos ang hitsura ko.

"Ano 'to?" Hindi makapaniwalang tanong ni Isaiah.

Sina Isaiah at Nethaniah ang mga kaibigan ko sa Heimdall. Si Isaiah, kaibigan ko na mula pagkabata. Lumaki akong siya ang kasama, nasa Mileage pa kami noon. Ang kaso ay lumipat kami sa Heimdall sa hindi ko maintindihan na dahilan. Naiwan ko doon si Isaiah. Hanggang sa lumipat na rin ang pamilya ni Isaiah sa Heimdall, ang kaso ay hindi na kami katulad ng dati. Marami ang nagbago sa amin ni Isaiah. Hanggang sa nakilala namin si Nethaniah, kahit papaano'y nagkasundo kami ulit ni Isaiah kahit na hindi na tulad ng dati.

"Kailangan kong sumama. Hindi ko na pwedeng hayaan si Papa, lagi na ngang sinusumpong ng sakit." Tugon ko kay Isaiah.

Napasinghap ako nang hawakan ni Isaiah ang kamay ko; "Itatakas kita, Kornalina."

Agad ko namang binawi ang mga kamay ko. "Hindi pwede, Isaiah! Ginagawa ko 'to para sa pamilya ko!"

"Kailan ka ba gumawa ng bagay para sa sarili mo?"

Naluha ako; "Pakiusap. Wag niyo na akong pahirapan. Buo na ang desisyon ko, sasali ako sa sandatahang lakas."

"Hindi ka agad makakarating doon. Napakarami nilang pakulo, kailangan mong pumasa sa mga pagsusulit!" Giit ni Isaiah. Marahan ko namang hinaplos ang pisngi niya upang pakalmahin siya, "Alam ko. Hindi ko 'to papasukin kung hindi ko kaya. Magtiwala kayo sa akin katulad ng pagtitiwala niyo kapag nanghuhuli tayo ng mga mababangis na hayop."

Unveiling Valor (PSS, #3) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon