Chapter 18: Weapons

1.4K 93 4
                                    

Chapter 18: Weapons

I keep on conditioning myself. Hindi ito ang oras para tumunganga, kung kinakailangang tumalon ay dapat akong tumalon, kailangan kong maging aktibo. Tila kasi nalulutang pa ako sa nangyayari. Wala naman ata kaming hinto o pahinga? Ni hindi nga ako nagkaroon ng magandang tulog, hindi nakarating sa Heimdall ang balita tungkol sa incursion kaya nabigla ako. Swerte ko nalang sigurong nakarating ako dito, ngunit ang problema'y mas delikado na ang pinasok ko.

This is life and death!

Matapos ang anunsyo na kailangan daw naming magpahinga ay ginawa namin 'yon. Walang pinalampas si Kap Onyx. Mayroon kaming headquarters at doon kami natulog. Ngunit kinabukasan ay agad na rin kaming kumilos sa pangunguna ni Captain. Bitin ako sa pahinga, bitin ako sa tulog. Sana pala'y hindi na lang kami nagpahinga, ngunit ganito ang pamamalakad rito at kinakailangan kong sumunod.

Kaya naman nang kumilos na si Kap ay mabilis rin kaming sumunod. Ang sabi'y pupunta na raw kami sa battle arena, ang pinakamalaking battle arena sa mundo ng Beryllus. Doon ko napagtantong wala talaga itong maayos na pahingahan. Kaya naman hindi ako pwedeng maghina-hinaan dito dahil maiiwan ako, malalapa ako sa gubat na 'to. Bukod sa isang kahihiyan iyon sa aking pamilya, mas lalo ko lamang na maibaba ang pagtingin nila sa mga babae.

Bumyahe nga kami sakay ng isang helicopter. Sa loob ng helicopter ay tahimik lamang ang bawat isa, walang nagsalita. Ngunit nahuhuli ko silang nakatingin sa akin minsan, animo'y hindi parin makapaniwala at gusto akong ipatanggal sa grupo. Hindi man nila sabihin, nababasa ko sa mga mata nilang isa lang akong pabigat.

Gusto ko na ring umalis, kung pwede lang talaga ay aalis na ako rito. Hindi ko kayang mabuhay kasama ang mga manghuhusgang 'to. Maging si Captain ay disappointed rin, alam kong gusto niyang manalo ngunit nahahati ang pag-asa niya dahil may babae sa team niya.

Ano na lamang ang gagawin ko? Kung pwede lang maglaho ay ginawa ko na! This is so frustrating, how can I possibly survive a day with them? Tingin ko'y hindi ang mga nagliliparang palaso sa arena ang papatay sa akin, kundi ang mga matatalim nilang tingin at salita. Naagaw ni Kugo ang atensyon naming lahat nang magsimula itong silipin ang ibaba.

"Whoa! What the heck is this?" Bulalas ni Kugo.

Napuno tuloy kami ng kuryusidad at napalingon na rin sa ibaba. Literal akong napanganga nang makita ang napakalaking Arena na gaganapan ng Alpha cup.

"Keep in touch, stay together!" Paalala ni Captain Onyx. "Pagbaba natin sa helicopter na 'to, magsisimula na ang laban. No spacing out, okay? Focus, be attentive. Find ways to survive whatever it takes."

Bilog at malalakas ang boses na sumagot ang mga kasama ko.

"Copy, captain!"

"Copy, Kap."

Tuluyan na ngang bumaba ang helicopter sa arena. Sumunod lamang kami kay Captain Onyx hanggang sa nakarating kami sa aming base. Napapanganga na lamang ako habang lumilinga-linga sa paligid. Ibang-iba ito sa inakala ko, ang akala ko'y mukhang tahanan ng rebelde ang aming base. Ngunit malaki itong berdeng tore.

Literal akong napanganga nang makita ang sandamakmak na baril, bomba, espada, sniper at iba pang armas sa aming base. Mukhang magpapatayan talaga kami sa Arena.

"Do not forget to bring the maps so that you won't get lost. Nakalagay na rin doon kung saan ang mga dapat nating hanapin." Paalala ni Kap at binigyan ng mapa ang mga kasamahan ko maliban sa akin. Wala akong mapa? Ako ba ang alay dito? Ayos lang na mawala?

Kugo responded. "You were oriented with this, captain?"

"Of course."

Umiling-iling na lamang ako, sa halip na mag-isip ng mga reklamo ay iniikot ko na lamang ang aking paningin sa paligid. Hindi iyon basta-bastang arena. Mukha iyong gubat, inihanda talaga para sa Alpha Cup. Nang nasa ere kami'y itinatak ko na sa isip ko ang lugar. Mayroon itong ilog, iyon ang naghahati sa teritoryo namin at sa kalaban. Nasa magkabilang dulo ang base ng bawat grupo, habang sa gitnang daanan naman ay mayroong anim na tore. Tatlo sa amin at tatlo sa kalaban.

Unveiling Valor (PSS, #3) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon