Chapter 11: A Ride To Remember
Ganoon na lamang kabilis na nagsikilos ang lahat pababa. Muntik pa akong madapa dahil halos nagtulakan ang lahat, mabuti na lamang at mabilis akong nakalabas. Pagkababang-pagkababa ng lahat ay siya namang pagkaripas namin ng takbo. Nanlumo ako nang makita kung gaano kabilis na nagpalit anyo ang lahat ng naroroon. Halos lahat na ay nagpalit ng kanilang anyo, maliban na lamang sa akin.
May mga iba parin namang hindi, siguro'y inihahanda nila iyon kapag napagod na ang mga naunang nagpalit anyo upang sila naman ang mauna. Kaniya-kaniya ring diskarte ang lahat, ako lang talaga ang walang maisip na diskarte dahil unang-una sa lahat ay hindi pa ako nagpapalit ng anyo. At kapag magpalit man ako'y siguro isang maliit na pusa lamang.
Ano ang laban ko sa mga naglalakihang hayop na tumatakbo upang makaabot sa estasyon ng tren sa Mileage? What should I do? What am I going to do now?
Lahat sila'y malayo na ang nararating. Ang mga natitira na lamang ay ang mga mahihina ang resistensya at stamina, matatanda na nagbuwis ng kanilang buhay para sa kanilang pamilya at mga bata na ginagawa rin ang lahat upang makaabot. The ones who morphed into their fast kinds were already far, samantalang ako'y hindi pa nakalalayo sa aming sasakyan ay nakaramdam na ng pagod.
"Ano bang gustong iparating ng palasyo? Bakit kailangan pa natin 'tong pagdaanan?" Reklamo ng ilan doon.
Nakarinig ako ng mga natumba, ibig sabihin lamang ay nanghina na sila. Hindi na ako lumingon, itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa unahan at nagpatuloy sa pagtakbo. Wala na akong pakialam sa mangyayari sa akin, ang gusto ko na lamang ay makaabot sa Mileage at makasakay sa tren na iyon. Inilayo kami ng mga opisyal upang makita ang kanya-kanya naming diskarte. Matira matibay.
"Huff, huff..." Unti-unti ko nang naririnig ang hininga ko. Lumilikha na rin ako ng sariling tunog upang makahinga dahil kinakapos na ako ng hangin.
Alam kong malayo na ang narating ko. Nagpatuloy ako sa pagtakbo. Nalampasan ko na ang aming nayon at ni isang paglingon ay hindi ko ginawa, itinuon ko lamang ang aking atensyon sa aking unahan. If you want to win, keep your eyes on the prize.
Ramdam ko ang pagtitinginan ng lahat na aming nadadaanan, ngunit talagang dumaan lang ako. Hindi sila ang gusto kong premyo, ang gusto ko'y makalagpas ako sa pagsubok, makakuha ng medalya at makauwi ng buhay. Iyon ang gusto kong premyo, at doon nakatuon ang atensyon ko.
Ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko maiwasang makaramdam ng pagod. Sa gitna ng aking pagtakbo ay tuluyan akong napahinto. Naghabol ako ng hininga, at malaking kabawasan na ang paghintong ginawa ko dahil naungusan na ako ng mga nakasunod sa akin.
"Argh!" Reklamo ko at muling tumakbo kahit na nanghihina at tagaktak ang pawis. Ngunit hindi pa ako nakakalayo ay may biglang humatak sa braso dahilan upang mapahinto ako.
"Ano ba!" Sigaw ko at sinamaan ng tingin ang nilalang na iyon. Ganoon na lamang ako nagulat nang mapagtanto kung sino iyon.
"Ito ba ang plano mo?"
"Ano?" Kunot-noo kong tanong.
"Ito ba ang gusto mo? Sasama ka sa sandatahang lakas na napapaligiran ng mga lalaki?" Tanong niya.
Umirap ako, umuusbong ang inis ko. Marahas kong binawi ang aking braso at nagsimulang tumakbo ngunit pinigilan niya ulit ako sa pamamagitan ng paghila ng aking kapa.
BINABASA MO ANG
Unveiling Valor (PSS, #3) ✔️
FantasyFormer Title: FURY Kornalina, an unpresented hybrid has no other choice but to join the death and life Alpha Cup to save her family. Defying the fact that women are discriminated in the Kingdom of Fatum, she vows to be brave and change that percept...