35TH STAMP
Narito kami sa Philippine Arena ngayon. Naghahanda kami para sa concert mamaya. Nagpractice si Sandie ng mga gagawin niya sa stage. Katatapos lang ng set na kasali ako kaya naman nagCR muna ako. Wait lang, saan nga pala ang CR dito? Lakad ako ng lakad at hindi ko na alam saan ako. Nabigla ako nang bigla akong may nabangga. Sorry naman akala ko kami lang ng staff ang mga tao dito.
"Sorry." Sabi ko at tumingin sa nabangga ko. Bumilis yung heartbeat ko.
"You're... Yu--ri, right?" Tanong niya na parang inaalala kung ano man yung inalala niya. Tumango ako.
"Benj Guevarra." I know. Nilahad niya yung palad niya para maghandshake. Tiningnan ko lang ito hanggang sa dahan-dahan niyang binawi. "You're with Sandie's performance tonight?"
"Oo at nakakaintindi ako ng tagalog. Excuse me, magsi-CR ako." Sabi ko at naglakad patungo sa sign ng CR na nakita ko habang lumilipad ang isip ko. Hindi ko na siya nilingon at baka maiuntog ko pa siya sa pader para maalala ang karapatdapat niyang maalala.
~
Nasa Dream Entertainment kami ngayon. Dito ako inayusan. Tumulong na rin yung ibang staff ni Sandie. Tatlo lang kasi yung dala ko. Narito rin si Luke. Masyadong supportive sa fiance niya at kapatid niya.
"I saw Benj earlier." Nakita ko mula sa salamin na nilingon ako ni Sandie kaya naman napahinto yung nag-aayos sa kanya.
"Paano naman nangyari yon eh may limang photoshoot siya ngayon?" Sabi niya. Nagkibit balikat lang ako. Tiningnan ni Sandie si Luke. Nagkibit balikat lang rin siya.
"You okay?" Tanong ni Luke. Tinanguan ko lang siya. Kailangan kong maging relax para sa performance mamaya.
Matapos kaming ayusan ay sumakay na kami sa van na nakahanda para sa amin ni Sandie. Sumakay rin si Luke sa Van namin, syempre. Nakatingin lang ako sa labas habang nagbi-biyahe papuntang Philippine Arena. Iniisip ko yung encounter with Benj kanina. He looks happy at mukhang okay rin siya. Syempre, he is clueless of everything that happened.
"Yuri," Napatingin ako kay Luke. "Ikaw si Yuri Wilson. Baka makalimutan mo." Sabi niya.
Nasa Philippine Arena na pala kami. Andaming fans na narito sa labas. May media rin dito sa labas at mga bazooka-owning-paparazzis. Binuksan ni Joe ang pinto at lumabas si Sandie. Nagsigawan naman ang fans. Sumunod naman ako, lumakas lalo ang sigawan nila. Naririning ko pang sinisigaw ng iba ang pangalan ko. May mga nakakalusot sa bouncer at nagpapapicture at autograph sa amin.
Nakapasok na kami at nasa waiting room kami. Narito na rin si Luke. Saan kaya siya dumaan. Andito rin si Ver at yung isa niyang kaibigan na pakiramdam ko nanigas na.
"Nasaan kuya mo?" Tanong ni Sandie.
"May photoshoot siya sa Davao ngayon. Promotional ad ng isang resort." Sagot ni Ver habang takam na takam sa pasalubong ko para sa kanya.
"Okay. Hindi siya makakapanood ng concert ko. Samang kaibigan. And to think siya pa ang best man ni Luke!" Sabi ni Sandie.
"Ikaw kaya may sabing siya ang best man. Baliw." Sabi naman ni Luke. Napangiti naman ako sa bangayan nila. I remembered their argument I witnessed last. Nagsimula sa pangalan ko at naputol sa teddy bears and Tinkerbell. Inawat ko sila.
BINABASA MO ANG
200 Stamps
ActionAng kwento ng isang mafia boss na tinaguriang international pop princess na pinabalik ng Pilipinas at nabuhay na parang commoner. Nakilala niya ang isang lalaking hindi niya inasahang gumulo lalo ng dating magulo niyang mundo.