12TH STAMP
Tumalon ako palabas ng van bago pa man ito nabangga sa 10-wheeler na truck. Hindi naman ako nakaiwas sa injury dahil sa ginawa ko. Mabuti pala at sinusundan ako ng mga tauhan ni dad. I know they are always following me pati sa resort pati sa pagiging PA at performer sa bistro. I know that. Pinabayaan ko lang naman at hindi lumabag sa mga utos ni dad.
"Don't tell my dad about what happened." Sabi ko habang ginagamot nila ang mga sugat ko. "You know what I can do."
"Ms. Yuri, we should atleast increase your security." Sabi ng chief.
"No. This team is enough. 4 is enough. Adding more will only put me in greater danger." Sabi ko. Tumango naman siya. "You've worked hard." Inabot nila yung bagong bili na KFC meal at bumaba na ako ng kotse.
Pagpasok ko ng company nagulat ako sa naging reaksyon ng guard.
"LOUISSE! Naku kang bata ka! Halos mamatay kami kakaisip sayo." I gave him a confused reaction.
"Akala namin ano na ang nangyari sayo!" Dagdag pa ng secretary. "Tingnan mo may pasa ka na naman sa mukha."
"Eh? Nasa KFC lang naman ako ah. Pasa? Matagal na tong pasa ko sa mukha." I smiled. "Una na ako ha? Baka nagugutom na yung alaga ko." Pumasok na ako sa elevator.
Pagpasok ko sa studio, tiningnan ako ng lahat ng staff at nilapitan ako.
"OMG Louisse!"
"Huy girl mabuti at buhay ka pa!"
"May pasa ka na naman!"
"Naku ka talagang bata ka!"
Nginitian ko lang sila. "Nasa KFC lang naman ako ah." Pinabayaan ko na lang silang magtaka at umupo sa sofa. "Tch." Nasaan na kaya yung amo ko? Hmmm. Tumunog yung phone ko. Text galing kay Sandie.
Ngumiti si Benj dahil sayo. Uuuuuy! <3 <3 <3
I raised my eyebrow. I laughed to myself. Yun? Ngumiti dahil sa akin? Impossible, Sandie. Pero maasar nga to si Benj. Aba! Kapag yun ngumiti isa lang naman ang dahilan, napahiya ang magandang PA niya! Psh.
Naglalakad ako habang kinukuri yung phone ko. Importante kasi talaga yun. Hindi ko napansing may balde pala ng tubig sa daan dahil naglilinis yung janitor. Sabay ng pagkakatumba ng balde ay ang pagkatumba ko rin. Sa pwet pa talaga yung bagsak ko.
BINABASA MO ANG
200 Stamps
ActionAng kwento ng isang mafia boss na tinaguriang international pop princess na pinabalik ng Pilipinas at nabuhay na parang commoner. Nakilala niya ang isang lalaking hindi niya inasahang gumulo lalo ng dating magulo niyang mundo.