15th Stamp

470 11 1
                                    

15TH STAMP

 

 

Tiningnan ko siya. Hindi ko madigest yung sinabi niya.

"Please?" She asked. Tumayo ako at umupo sa tabi niya sa kama. I kind of felt bad letting her watch that movie. Para siyang batang kinulong sa isang madilim na kwarto tapos nakalabas at sobra ang takot.

"Sorry." Sambit ko. Nakita kong tumango siya. Nakapikit na siya. Matutulog na siguro. Aalis na lang ako dito kapag nakatulog na siya.

 

***

"Oppa!" Tawag ko sa kuya ko. Katatapos lang namin magtraining. Tinuturuan na kaming bumaril ngayon. Hindi ko naman namin magagamit to ni kuya sa future pero kailangan dahil mahal namin ang dad kahit ganyan siya at stepfather namin siya. I was 15 and kuya was 19.

 

"Ya, Han Yuri! Ayusin mo naman ang pagbabaril mo. Tinuruan na kita, diba?" Sabi niya sa akin nang makalapit siya.

 

"Hindi ko naman kasi yun magagamit sa future." Sabi ko. Inakbayan niya ako at naglakad papasok ng headquarters.

 

"Alam kong ayaw mo ang ganitong klaseng buhay pero it's defense. You might not need it now, or tomorrow but, you might be needing it someday."

 

"Oo na kasi." Sabi ko at nagmehrong sa kanya. Ginulo naman niya ang buhok ko. It's 10:50pm at kailangan na namin magpahinga ni kuya dahil una, may pasok pa ako; pangalawa, mas maaga ang training ni kuya. Pero kumain muna kami. Pagkatapos naming kumain, nakatulog kaagad si kuya dahil pagod na pagod na siya alam ko. Habang ako, gumagawa pa ako ng assignments ko.

 

 

I was about to turn the light of nang biglang narinig kong magsalita si kuya. Hindi ko naintindihan yung sinabi niya kaya nilapitan ko siya. Nang makalapit ako, pinagpapawisan siya at mukhang nanigas na siya sa higaan niya habang sinasabing, "Bitiwan mo ako!"

 

 

Natakot ako at niyugyog ko siya. "Kuya! Kuya! KUYA GISING!"

 

 

***

"KUYA GISING!" Napadilat ako agad nang marinig ko ang boses ni Louisse. "KUYAAA!" Agad ko siyang nilapitan at niyugyog para magising.

"Louisse! LOUISSE!" Nagising siya agad tapos lumuha.

"Kuyaaa..." Sabi niya habang humagulgol. "Kuya bakit mo ako iniwan? Kuyaaaa" Niyakap ko naman siya.

"Sssshhh... Don't worry, Louisse. I'm here. Sssshhh I'm here."

200 StampsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon