24TH STAMP
And now we're all stuck here in the same room, tied up on different chairs. Lahat ng pinto ay nakasara at iisa lang ang ilaw na nakabukas.
"Yung isa ka si diyan pahero hero pa. Umuubra na sana yung plano ko dahil natamaan ko na yung core ni Fuego. Eh anong ginawa? Kill her. Kill me first. Feeling mo naman nasa action movie ka? Haaay! Nakakainis!"
"Pasalamat ka nga eh wala nang baril nakatutok sayo ngayon!" Sumbat pa niya.
"Sinadya ko nga kasi na itutok sa akin yung baril eh!"
"Bakit nga kasi?!" Tumataas na ang mga boses namin.
"Wala na nga kasing saysay kung mabubuhay pa ako! Kulit ng lahi, besh?"
"Walang saysay? So ako? Ano ako? Invisible?" May pagka Vice Ganda pa yung tono ng pagsasalita niya.
"Eh gago ka pala eh! Kanina lang ayaw mo akong paniwalaan tapos ngayon nagagalit ka dahil pinapatunayan ko yung gusto mong paniwalaan? Suntukan gusto mo?"
"Oy oy oy awat na! Awat!" Hindi na nakapagsalita si Benj dahil inawat kami ni Andre. Nakaform ng circle yung mga upuan namin. Parang trip to Jerusalem ang peg. Isang metro ang layo namin sa isa't isa. Katabi ko si Andre tapos si Benj tapos si Luke tapos si Sandie. Kawawa naman si Andre, nasa gitna pa namin.
"Hindi makakatulong ang LQ niyo sa pagtakas natin." Dagdag pa niya.
"Oo nga. Don't cry over a spilt milk." Sabi ni Sandie.
"Ilang oras na ba tayong nakakulong?" Tanong ni Luke. Napatingin ako sa orasan na nakita ko kanina. 9 pm na.
"Limang oras na." Sagot ko. Narinig kong may tumunog na tiyan. "Kaninong tiyan iyon? Pakituruang magtiis." Sabi ko dahil narinig ko yun mula sa side ni Andre. Imposible namang kay Andre yun.
"Hoy, tiyan! Matuto ka ngang magtiis. Pinapasakit mo ulo ng magandang dilag dito." Rinig kong sabi ni Benj.
Kinagat ko ang mga labi ko para mapigilang ngumiti. Napansin ko namang napatingin si Andre sa akin.
"Alam mo, Benj, wrong timing ka maging cheesy." Sabi ni Sandie. "Nasa bihit tayo ng kamatayan, ngayon ka pa naging ganyan eh kaninang sinasagip ka naman parang napakalaki ng galit mo kay Yuri." Naiinis niyang sabi.
"Mamaya na nga kasi kayong magbangayan. Kailangan natin makalabas dito bago pa--" Hindi natapos ni Luke yung sinasabi niya dahil biglang bumukas yung bintana. Napatingin kaming lahat doon.
"Bilisan mo, manager! Ambagal mo naman!" Isang pamilyar na boses ng babae.
"Oo na! Heto na. Huwag ka kasing maingay!" Sagot naman ng isang pamilyar na boses ng lalaki.
Nagtinginan kami ni Sandie at Andre dahil sila lang naman yung abot ng tingin ko. Tiningnan kong maigi yung bintana. Nakita kong nakapasok na yung dalawang nagsasalita kanina. Naglakad sila patungo sa pader sa may pinto.
![](https://img.wattpad.com/cover/17350051-288-k467608.jpg)
BINABASA MO ANG
200 Stamps
ActionAng kwento ng isang mafia boss na tinaguriang international pop princess na pinabalik ng Pilipinas at nabuhay na parang commoner. Nakilala niya ang isang lalaking hindi niya inasahang gumulo lalo ng dating magulo niyang mundo.