7th Stamp

434 12 0
                                    

7TH STAMP

 

 

 

After an hour and a half of traveling, nakarating rin kami sa aming destinasyon. Nasa isang inland resort kami.

"WOOW! Ngayon lang ako nakakita ng ganito!" Sambit ko nang makababa ako ng bus. Nilanghap ko ang hangin. Kahit manmade ito, relaxing pa rin ang aura. "Daebak! WHAAA Jinja daebak!"

Sa US kasi, beach ang uso. Bihira lang yung mga mala-Carribean Bay resort doon. First time ko dito.

"Tsk. Ignorante." Rinig kong sabi nitong asungot nang madaanan niya ako. Teka nga. Wala siyang bag na hila hila. Tumalikod ako at nakitang nakatayo ang bag ni Benj. Nilapitan ko ito at hinila. Simpleng pagdala lang ng bag eh hindi pa magawa! Eh kung bawiin ni Lord yung mga kamay mo. PSH.

Ayan naglalakad ako hila hila ang dalawang maleta. Anlaki laki pa nitong isa. Ano kayang laman nito. Baka may babae dito kaya malaki. Tiningnan ko yung ibang PA, isang maleta lang yung mga dala nila tapos yung mga amo nila may hila hilang maleta nila. Ganito ba naramdaman ng PA ko? Hindi naman ah. Masama lang ako magsalita pero hindi naman ako masama mang-utos. T_T

"Heto mga susi ng mga suite niyo." Nilapag niya isa isa ang mga susi sa center table. Nasa lobby kami ngayon ng resort.

"Bawat susi may partner. Yung makakapareho mo ang makakasama mo sa iisang suite." Dagdag pa niya.

"Eh chairman. Separate po ba ang boys and girls?" Tanong ni Sandie.

"Hindi na kayo high school students. Professionals kayong lahat dito." Ngumisi siya. "Isa pa, nasa inyo na yan kung may gagawin kayong milagro sa suite niyo." Oh my gosh kinilabutan ako sa sinabi niya. Nagsimula na silang kumuha ng mga susi... nag-agawan ng susi.

"WHAA SANA BABAE AKIN!" Sabi ng mga babae.

"Kahit sino huwag lang bakla." Sabi naman ng mga lalaki.

Nagpahuli ako, as usual. Ayaw ko kasi ng siksikan. Kinuha ko ito. Tsk. Kahit sino na huwag lang yung manyak na yun.

"Sa suites niyo na alamin kung sinong makakasama niyo. Ang isang suite ay may isang CR, dalawang kama at kayo na bahalang tumingin kung ano pang naroon. At dahil outing to, we officially begin it with a party. Mamayang 6pm, may pool party. As for now, do what you want to do. See you later." Pumunta na yung mga tao sa kanilang mga suite. Mabuti na lang at anim ang elevator dito. Haist.

200 StampsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon