17th Stamp

590 12 0
                                    

17TH STAMP

 

Naree's voice: Loooooong update. Lost count of words. :3

"So ano na ang totoong identity mo?" Tanong niya muli sa akin habang pinupunasan yung mga basong ginamit namin. Binabanlawan ko naman yung mga plato.

"Sinabi ko na nga sa'yo diba?" Sabi ko at pinatay ang faucet. "Yuri Wilson. Kinupkop kasi ako ng best friend ng papa ko kaya Wilson ang apilyedo ko. Han Yuri ang tunay kong pangalan. Han Yuri ng Han mafia." Seryosong sabi ko. Nanlaki naman ang mga mata ni Sandie. Mahirap paniwalaan, alam ko.

"Di nga? Ikaw nga talaga si Yuri Wilson? Yung international pop princess? Hindi ka ba talaga nagsisinungaling?" Hinawakan niya ang pisngi ko na parang may tinitiningnan siya sa mukha ko. Sa mata ko.

"Paano nangyari?" Tanong pa niya. Tinanggal na niya yung pagkakahawak niya sa mukha ko.

"Sabi ko na sayo diba? Mas madali akong hanapin kapag ako si Yuri Wilson. Sino ba naman ang gustong maghanap ng taong nagngangalang Louisse Wilson, isang commoner?" Sabi ko. "Pero mukhang nakita pa rin nila ako."

"Sabi mo diba dahil sa isang lalaking nagngangalang Luke ang dahilan kung bakit ka nahanap?"

"Oo. Luke Fuego." Sabi ko at naglakad papunta ng sala. Sumunod naman si Sandie. Umupo ako sa isa sa mga couches. "Hindi mo ba talaga alam ang apilyedo ni Luke?"

Umupo siya sa sofa. Tumingin siya sa akin at umiling.

"Hindi talaga eh. Wala siyang sinabi. Mushroom model pa siya at dahil diyan mahirap makakuha ng impormasyon tungkol sa kanya." Sagot niya. Napabuntong hininga ako. Inisip ko na baka si Luke nga talaga si Luke Fuego. Pero sana naman hindi. Magkaibigan kami eh.

"Thanks, Louisse." Napatingin naman ako sa kanya. Nagtataka.

"Bakit?"

"For trusting me. Isang mabigat na sikreto yun pero pinagkatiwalaan mo ako." Sabi niya at ngumiti.

"Naah. Wala yun. Napahamak kasi kita kaya kabayaran na rin ito. Ang malaman ng ibang tao ang sikreto ko." Natigilan ako at naalala ko yung kanina ko pa dapat sinasabi. "You can't tell anyone, okay?" Nilagat niya ang kamay niya sa may labi niya at ginalaw ito na parang may sinasarang zipper.

"Sorry about your car." Sabi ko.

"Naah. Windshield lang yun. Huwag kang mag-alala, di ako tulad ni Benj." Natawa kaming dalawa sa sinabi niya.

***

Nasa isang five-star hotel kami ngayon. Sa conference room nito gaganapin ang press conference ko. Nakaupo ako ngayong sa isang medium-length table na may putting table cloth. Katabi ko si manager. Sa likod namin ay tarpaulin ng mukha ko at may nakasulat na The Benj Guevarra: Finally In Love. Sa paligid naman namin ay lights na pang photoshoot kahit ma ilaw na sa conference room. Sa harap naman namin ay mga 25 hanggang 35 na journalists na panay ang flash ng mga camera; lahat may iisang goal, ang masagot ko ang mga tanong nila. And that's my goal, too.

200 StampsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon