2nd Stamp

690 13 0
                                    

2ND STAMP

 

 

 

"No photoshoot today." Sabi ni manager sa kabilang linya. Binaba ko naman agad ang phone at nagbihis. Kalalabas ko ng CR nang tumawag si manager.

Ano naman kaya ang gagawin ko ngayon? Tsk. Masyadong pang maliwanag para magbar. AH! Alam ko na. Ipapabukas ko tong cellphone na napulot ko para malaman ko kung sinong may-ari. Kukunin ko na sana yung phone nang biglang may tumawag, Stepdad. Hindi ko sinagot no. Hindi ko naman siya business. Tsk.

Pumunta ako ng mall. Pagbaba ko ng kotse, sinuot ko ang shades at cap ko. Sa employee's gate ako pumasok para ipakita sa guard na ako nga si Benj Guevarra at pwede akong mag cap and shades sa mall. Bawal yun eh. Pinapasok naman niya ako.

Dumiretso naman ako sa Samsung na shop. Samsung yung phone eh. DUH. Yung mga babae naman na nadaraanan ko tili ng tili. Pinicturan pa ako. Others are throwing me seductive looks and smiles. Psh. Whores. Pagpasok ko sa Samsung shop, may nakabangga akong babae.

"Sorry." Sabi niya at pumasok sa Samsung shop. Di ko nakita yung mukha pero napansin ko yung suot niya. Para siyang yung sikat performer sa US. Si ano... AH! Si Yuri. Oo si Yuri. Pangarap kong makatrabaho yun pero malabo. Baka siya si Yuri? Tiningnan ko siya ulit. Nakaeyeglasses naman.

"Miss Galaxy Mega atsaka S5." Sabi niya doon sa babae sa counter. Napansin kong may braces siya.

Lumapit na rin ako sa counter.

"Miss, magpapabukas ako ng nalock na phone. Biglang naging invalid eh."

"Ok sir. Kukunin ko po muna yung phone sir." Inabot ko naman yung phone. Napansin ko namang napatingin yung babaeng parang si Yuri sa phone. Tinitigan ko siya.

"Maam heto na po. 1year warranty po blah blah blah" Inabot ng babae kay girl-na-parang-si-Yuri yung canvas bag na naglalaman ng pinamili niya. Halata namang hindi nakikinig si.. Yuri na nga lang itawag natin. Halata namang hindi nakikinig si Yuri dahil yung mata niya nasa phone pa rin na inabot ko sa babae na nagserve sa akin na sa ngayon ay may kinukuri sa phone.

"Ha--oh.. Ah s-salamat." Nginitian niya yung saleslady at lumabas na ng shop. Bakit kaya yun?

"Ganda niya no?" Sabi niya sa babaeng kumukuri sa phone na inabot ko.

200 StampsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon