19TH STAMP
"Kung ipalabas mo na lang sa publiko na ikaw ang nililigawan ng the grerat Benjamin Guevarra?" Tanong ni Sandie.
Narito kami sa studio ngayon dahil may shoot si Benj para sa isang fashion magazine. I'm down to 120 stamps. Malapit na matapos. Malapit na matapos ang pagpapanggap ko dito. Pwede ko nang layuan si Benj. Lalayuan ko siya para protektahan ko siya.
"No! May bagong article lang na inilabas yung manager ko. On vacation ako." Sabi ko sa kanya.
Mahina ang boses namin sa pag-uusap dahil baka may makarinig.
"Kesa naman magtitimpi ka na nakikita siyang may kasamang ibang babae. Lalo na yang Aru na yan. May past yan sila." Natigilan ako sa sinabi niya at tumingin sa set. Si Aru at Benj may past?
"Past naman yan eh. Hindi na siguro mahalaga yan kay Benj."
"Yan ang gusto nating mangyari. Benj is a man, Louisse. A man's weakness is a woman." Sabi ni Sandie. Tiningnan ko ulit ang set. Aru and Benj look good together. At para sa akin, wala akong binatbat kay Aru.
"I trust him." I finally said.
***
Inaayos ko ang mga gamit ni Benj habang nagbibihis siya nang biglang may nahulog na planggana mula sa kisame. Kahit maliit yung planggana, masakit dahil bakal. Napaupo ako sa sahig gawa ng pagkahilo.
"Wth Louisse!" Natatarantang lumapit si Benj sa akin. "Bakit dumudugo ang noo mo?" Kinapa niya ang panyo niya sa bulsa niya at kinuha ito. Dinampi niya ito sa noo ko.
"Dumudugo?"
"Oo! Baliw ka ba! Dirediretso pa yung pagtulo! Tumayo ka nga!" Inalalayan niya ako at pinaupo sa upuan. Nakita ko sa salamin ang sarili ko at nakita ang bakas ng dugong tumulo mula sa noo ko. "Anong nangyari sayo?"
"Nauntog lang." Sagot ko. Alam kong hindi siya naniwala kaya hindi ko na siya tiningnan.
"At saan ka naman mauuntog?"
Hindi ko na siya sinagot dahil magtatanong nang magtatanong lang siya hanggang sa masabi ko ang totoo. Alam ko rin naman na kapag sinabi kong nahulugan ako ng planggana, tatawanan ako niyan. Kilalang kilala ko na si Benj.
Hindi na ako umimik at tumayo na lang at kinuha yung bag niya.
"Umuwi ka na nga lang nang makauwi na ako." Sabi ko. Napailing naman siya at tumayo na rin.
Naglakad kami papuntang parking lot at sumakay sa sasakyan niya.
"Ihahatid na lang kita ngayon." Sabi niya. Hindi kasi ako nagpapahatid. Pinapauna ko siya ng uwi at naglalakad na lang ako pauwi. Mahirap na dahil baka mangyari kay Benj ang muntik ng mangyari kay Sandie.
BINABASA MO ANG
200 Stamps
ActionAng kwento ng isang mafia boss na tinaguriang international pop princess na pinabalik ng Pilipinas at nabuhay na parang commoner. Nakilala niya ang isang lalaking hindi niya inasahang gumulo lalo ng dating magulo niyang mundo.