28th Stamp

352 8 0
                                    

28TH STAMP

 

Ibig ba sabihin na-inlove...like... rin si Luke sa kapatid niya? Well, kapatid niya by law? That sounds incest. Pero kung iisipin, hindi sila blood related. Scientifically, it's possible. Sociologically, it's taboo.

"Noong mga bata pa kayo, hindi niyo alam na kapatid niyo si Yuri? Uhmm by name?" Tanong ko. Nasa Starbucks ako ngayon. Kasama ko si Luke. Gusto ko kasing klaruhin ang mga impormasyong nalaman ko kahapon. Nakakahilo!

"Hindi ko alam. Pero si Xavier, maaga niyang nalaman at tinanggap." Sagot niya. Halos maibuga ko ang iniinom kong frappe.

"What? Ibig-sabihin kahit alam niyang kapatid niya si Yuri... by law... na-inlove pa rin siya sa kanya?" Tinanguan ako ni Luke. "Hindi ba nagkagusto ka rin kay Yuri?"

"Oo. Pero alam kong si Benj naman talaga ang gusto niya kaya nagparaya ako. Huwag lang niyang saktan si Yuri." Sabi niya. Nakakain-love talaga si Luke. Wait. What? I said nothing.

"So anong purpose na kukunin ni Xavier si Yuri? Dahil siya ang rightful heir o gusto niyang mapasakanya si Yuri?"

"Both?" Napataas ang kilay ko sa sagot niya. "Hindi ako sigurado. Hindi ko alam kung pinaglalaruan na naman ni kuya ang mga utak natin. Kung may nararamdaman pa ba siya kay Yuri dahil mukhang wala na eh. Ginagamit lang niya yun para linlangin tayo."

"Napakacomplicated talaga ng kapatid mo. Alam mo yun? Tsk. Ayusin mo yung therapy niya ah."

***

"Benj!" Natauhan ako sa pagkaway ni Aru sa harap ko. "Where's your brain?" Mataray na pagkasabi niya at pumunta na sa harap ng camera.

May project na binigay sa amin at unang araw ng shooting ngayon. WALA AKONG P.A.! Hindi ko alam kung nasaan si Louisse at kahit si manager Joon ay walang sinasabi. Tinanong ko rin si manager Chan kung may alam siya pero wala din daw. Si Ver din walang alam at pati si dad. Pinuntahan ko kahapon yung apartment niya, ibang tao na ang nakatira. Nasaan ba siya?

"Heard your PA disappeared." Napatingin ako sa kararating na Kevin.

"Look who decided to show up."

"Dude, isang linggo! Isang linggo na siyang wala at ito ang 1st shooting day mo. Congratulations at nakasurvive ka." Sabi niya at pumalakpak pa.

"Hindi ka nakatutulong." Sabi ko at uminom ng tubig.

"Siguro iniiwasan niya si Aru. Alam mo naman yun, hindi sampal ang binibigay." Sabi niya at ngumisi.

"Kevin, umuwi ka na nga lang. Yung kapatid mo ang guluhin mo. Huwag ako."

"I would if I could. Nasa Paris yung tatlong babae namin." Sagot niya at tumayo mula sa inuupuan niya at tinanggal ang suot niyang shades. "Kung ako sayo, manood ka ng TV paminsan-minsan." Sinuot niya muli ang shades niya at umalis na. "Ciao!"

Nadatnan kong nanonood ng TV si Ver habang nagbabasa ng magazine. Hindi ko siya maintindihan. Nanood ba siya o nagbabasa? Sayang yung perang pinambabayad sa kuryente eh. Naalala ko naman yung sinabi ni Kevin, kung ako sayo, manood ka ng TV paminsan-minsan.

"Hoy, Ver! Kung manonood ka, huwag ka nang magbasa."

"SHUSH!" Hindi ko siya pinansin at kinuha ang remote para patayin ang TV. Tinutok ko na sa TV yung remote para patayin pero natigilan ako.

200 StampsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon