4th Stamp

537 9 0
                                    

4TH STAMP

 

 

 

 

The next day pumunta ako sa bistro. Kinausap ko si manager tungkol sa schedule ko kung pwede niya gawing every weekdays ako at dagdagan niya yung TF ko.

"Ooh. Sorry Louisse pero may ibang performers rin kasi kapag TThS." Sabi niya. Napayuko na lang ako. I am dead.

"Sige po manager. Salamat na lang po." Sabi ko at naglakad na patungo sa pinto. Pero bago ko pa man mahawakan ang door knob, nagsalita siya.

"Kung kailangan mo talaga ng pera, may alam akong trabaho but I don't think you will like it." Bumalik naman ako agad sa harap niya.

"Ano po? Anong trabaho yun? Tatanggapin ko. Temporary lang rin naman eh!" Masayang sabi ko. Nagscribble siya sa maliit na papel. Inabot niya ito sa akin. "Heto. Pumunta ka sa building na yan. 10th floor at hanapin mo si Manager Joon." Sabi niya.

"YEEY! Salamat po talaga manager!" Sabi ko at lumabas na ng bistro. Tiningnan ko ang orasan ko. 10 am pa lang. Pinuntahan ko na lang muna ito.

"Excuse me po, sino po rito si Manager Joon?" Tanong ko sa information.

"Hmm. Nasa taas po siya, miss. Sa 10th floor. 5th door mula sa elevator." Sagot niya. Nagpasalamat naman ako. Tatanggapin ko kahit ano man tong trabahong to. Temporary lang naman rin.

Kumatok ako at pinihit ang door knob. "Yes? Can I help you?"

"Uhmm... Si Manager Joon po?" Tanong ko sa ahjussi sa table. [Ahjussi means an older man pero hindi lolo.]

"Ako yun. Ikaw ba si Louisse?" Tanong niya.

"Oh? Kilala niyo po ako?" Gulat na tanong ko. Syempre naman eh halos wala nga akong kakilala dito at hindi ako si Yuri ngayon. Tumango siya at sumenyas na umupo ako.

"Tumawag ang kapatid ko dito sinasabing may pupuntang nangangailangan ng trabaho at Louisse Wilson ang pangalan." Sabi niya habang nakangiti. Haru ahjussi, ampogi mo! Same sila ni manager, pogi rin. Kapatid daw sabi niya?

200 StampsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon