9th Stamp

457 8 1
                                    

9TH STAMP

 

 

My dad was once a powerful mafia boss. He was killed by another mafia boss. His bestfriend is now my step dad. He has 3 other brothers. Sila ba ang nagpapadala ng mga regalo sa akin tuwing birthday ko na may Korean messages?

So those trainings meant something. They all knew I was going to be a threat to the mafia world.

"Huy!" Natauhan ako sa pagkaway ni Luke sa mukha ko. "Okay ka lang ba? Kanina ka pa nakatayo diyan. Akala ko sasakay ka na." Binuksan niya ang pinto ng front seat. "Tara na. It's been 4 hours since nagsimula ang party." I brushed all my thoughts away at sumakay na.

"Sigurado kang okay ka lang?" Paninigurado ni Luke. Nginitian ko lang siya at tumango.

Nakarating kami sa resort ulit. Mga 11pm na. 9pm kasi natapos ang shift ko. Nagpaalam ako kay Manager Chan. Alam naman niya kung anong business ko ngayon sa pagiging PA.

Pagdating namin sa resort. Nagbihis muna ako. Nagjeans na lang ako. At nagjacket dahil medyo malamig na rin ang simoy ng hangin. Pagbukas ko ng pinto, laking gulat ko nang makita ko si Luke nakasandal sa pader.

"Bakit mo pa ako hinintay?" Tanong ko at sinara ang pinto ng suite.

"Kinuha kita kanina kay Benj. Ibabalik kita. Syempre, personally." Sabi niya at ngumiti.

Mukhang fresh pa rin ang party dahil marami pang tao at buhay na buhay pa ang music. Umupo ako sa kung saan sila Kevin at Sandie kasama si Manager Joon.

"Oh Louisse. Luke! You missed the intro. May macho dancers kanina." Sabi ni Kevin. Napangiwi naman ako. Umupo ako sa tabi ni Sandie. "Ayaw mo sa macho dancers?"

"Ayaw." Sabi ko. Umupo sa tabi ko si Luke. "First time ko sumali sa ganitong klaseng party." Sabi ko. Hindi na ako nagulat sa naging reaksyon nila.

"You haven't been to an in-land resort. You don't enter wild bars. First time mo sa ganitong klaseng party. Grabe! You are so innocent!" Sabi ni Sandie. I am not that innocent.

Ayan. Natapos magperform yung live band. Break na nila. Malamang kanina pa yun kumakanta.

"Sample naman kayo diyan oh!" Tawag ng MC sa stage. Medyo malaki yung stage. Okay rin siya for mini concert.

"Louisse! Ikaw! Magsample ka!" Tulak ni Luke sa akin.

200 StampsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon