27TH STAMP
Kalalabas ko lang ng hospital, pkiramdam ko kailangan kong bumalik. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito katindi ng sakit ng ulo.
"Heto na po, Ms. Yuri. Pain reliever." Inabutan ako ng babaeng bodyguard ko ng isang baso ng tubig at isang capsule. Tinanggap ko naman ito.
"May alam ka ba tungkol sa childhood ko?" Tanong ko sa kanya.
"Sorry po, pero walang sinabi sa amin tungkol sa childhood niyo." Sabi niya. Tumango-tango na lang ako. Malamang, Yuri. Suppressed memories nga diba? Bakit nila ipapaalam sa mga taong aaligid sayo.
"Sige. Salamat." Sabi ko at lumabas na siya ng kwarto ko.
That memory. Yung flash. Yung sasakyan. Yung boses ng batang lalaki. Nasa panaginip ko na yun. May one time na laging yun ang panaginip ko. Yun yung nasa US pa ako. Nangyari ba yun sa akin? Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang step dad ko. Bago ko pa man mai-dial yung number niya, lumitaw sa screen yun pangalan niya. Hindi international number, ibig sabihin nasa Pilipinas pa siya ngayon.
"Who the hell am I?" Tanong ko sa kanya.
"Yuri, that is a question for you to answer." Kalmado niyang sagot sa kabilang linya.
"Then what the hell happened to me? What suppressed memories?"
"This is not something to be discussed over the phone." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Then find time. Find a place." Sabi ko at binabaan siya.
Hinagis ko ang cellphone ko sa kama at minasahe ang noo ko. Oh this is so... I don't know. Kalalabas ko lang ng hospital at ito agad ang bumungad sa akin. Tumunog yung cellphone ko kaya naman kinuha ko to.
From: Wilson
For the mean time, stop being his personal assistant.
Damn! PA nga pala ako.
***
"That's good. Okay. Sige, that's a wrap, guys." Sabi ng photographer at nagsialisan sa platform ang mga model. Nilapitan ako ni Benj at hinalikan sa noo. Hindi ko muna ako nagpakita ng signs na may naaalala na ako.
Pinabayaan ko lang siyang magbihis hanggang sa matapos siya at sumakay na kami sa SUV niya. Hindi siya ang nagmamaneho kaya magkatabi kami dito sa likod.
"Tahimik ka." Sabi niya.
"Wala ka namang sinasabi eh." Walang buhay kong ganti.
"May problema ba?" Tanong niya. Concerned and all. Napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa akin.
"Oo, ikaw. Wala kang sinasabi." Sabi ko.
"I don't get it."
"Always."
Tahimik kami buong biyahe hanggang sa nakarating kami sa firing range nila. Bumaba ako agad at pumasok sa loob.
"Goodafternoon, Miss Yuri." Nagbow yung mga staff na nadaraanan ko. I nodded at them.
BINABASA MO ANG
200 Stamps
AçãoAng kwento ng isang mafia boss na tinaguriang international pop princess na pinabalik ng Pilipinas at nabuhay na parang commoner. Nakilala niya ang isang lalaking hindi niya inasahang gumulo lalo ng dating magulo niyang mundo.